[1] Belinda's Lover

35.3K 405 3
                                    

CHAPTER ONE

"ON THE WAY ka na? Ang aga mo naman!" gulat na sabi ni Ryon sa kabilang linya.

"Alam ko pero wala naman akong balak madaliin ka. Kailangan ko lang talaga ng sabihin na nating lugar na mapagtataguan." Pumasok na si Kobe sa kotse at inihagis ang kanyang sports bag sa backseat.

May practice sila nang araw na iyon. Sa susunod na linggo kasi ay opening na ng bagong season ng PBA at maglalaro sila ni Ryon sa iisang team bilang rookies. Sa developmental league na niya nakilala at naging kaibigan si Ryon kahit pareho naman sila nitong naglalaro sa national basketball tournaments. Kobe played in the NCAA while he played in the UAAP.

Magka-team sila nito sa developmental league at naging instant tandem pa sa court. He was the first over-all pick during the rookie draft. Si Ryon naman ang second. Maswerte lang sila at isang team ang natapat na mapuntahan nilang dalawa kaya magkakampi pa rin sila nito. Sa loob lang ng mga panahong iyon ay naging mabuti silang magkaibigan. He was looking forward to meet Ryon's family and vice versa.

"Kobe, babae lang 'yan," tatawa-tawang sabi naman ng magaling niyang kaibigan.

"Ryon, hindi kung sinong babae lang si Ara. Kababata ko siya at ayaw ko siyang paasahin. Para ko na siyang kapatid. Kaya hindi ko alam kung paano kikilos nang normal matapos niyang magtapat sa'kin."

"Ang kaso, hindi naman gano'n ang tingin niya sa'yo. Alam mo, ipakilala mo na lang sa 'kin 'yang kababata mo para sa 'kin na lang mabaling ang atensiyon niya."

Si Ara nga ang balak niyang pagtaguan nang umagang iyon kaya naman sinadya niyang umalis nang maaga kahit pa nga ba alas otso pa naman ang team practice nila. Pupunta kasi ito ngayon sa bahay nila para sabayan silang mag-breakfast.

"Grabe, Agoncillo, ang humble mo talaga."

Ini-start na niya ang makina ng kanyang sasakyan. Hindi naman malayo ang tinitirhang subdivision ng kaibigan niya. Iyon pa lang ang unang pagkakataon na mapupuntahan niya ang bahay nito pero hindi naman iyon mahirap hanapin dahil binigyan na siya ng instruction ni Ryon. Madalas kasi ay sa labas sila nito magkita kaya hindi pa sila nakakapunta sa bahay ng isa't isa.

Tumawa nang nakakaloko si Ryon. Sira-ulo talaga ito.

"Mabait naman ako, a? Gwapo pa. Kapag nagkita ako n'on, magdadalawang-isip 'yon sa feelings niya para sa'yo. Sige na, Pare. Ang tagal ko nang walang dini-date, e."

"Kung bored ka, 'wag mong idamay ang mga matitinong tao. Isabit kita sa ring, e. Sige na, magkita na lang tayo."

"Okay. Para namang may choice pa 'ko. Gigisingin ko na ang Ate ko para may magluto ng breakfast natin."

"Tamad ka talaga."

WALA pang dalawampung minuto ay nakarating na siya sa bahay nina Ryon. Ang kaibigan niya ang sumalubong sa kanya at humahangos pa ito.

"Bilis, Pare, pasok," sabi nito at nauna pa sa kanyang pumasok ng bahay.

"Bakit ka natataranta?"

"Nagluluto ako, e."

"Ha?" natawang aniya. "Akala ko ba Ate mo ang paglulutuin mo?"

"Pa'no ko siya paglulutuin e tingnan mo nga 'yan," aburido nitong sagot at itinuro ang isang babaeng natutulog sa sofa. "Ni hindi ko nga siya magising. Knock out sa gig nila kagabi."

"Siya 'yong tinutukoy mong Ate Billie mo?" nakakunot ang noong kumpirma naman niya.

Ang kwento kasi sa kanya ni Ryon ay vocalist ng isang sikat na banda ang kapatid nito. Hindi naman siya pamilyar doon dahil hindi naman siya mahilig sa mga banda kundi sa mga kanta lang.

Belinda's Lover [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon