[14] Belinda's Lover

17.4K 376 24
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"ANG DAMI ng mga 'to, a," hindi makapaniwalang sabi ni Tinie habang iniisa-isa ang mga bondpaper na pinagsulatan niya ng mga kanta. "Inspired masyado?"

"Tinie, kailangan ko ng distraction kaya 'yan ang ginawa ko," pakli naman ni Billie habang nakatunganga sa harap ng computer niya.

"Ang gaganda ng mga lyrics. Nakaka-touch. Hindi ko alam na meron ka palang romantic side." Napahagikhik pa ang kaibigan niya.

Isang buntong-hininga naman ang sagot niya.

Tatlong araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya at nagsusulat ng mga kanta. Wala siyang ganang lumabas. Hindi rin siya sumisipot sa band rehearsals dahil ang excuse niya ay meron siyang sakit.

Si Tinie lang ang tanging hindi kumbinsido sa mga rason niya kaya hindi siya nito tinantanang kausapin.

"I never knew what I was missing out until you came along. You are the reason why I wrote this song. If only I could hold you in my arms forever. It would be the best feeling ever."Tinie sighed dreamily. "Are you writing this for Kobe? For sure maiiyak siya kapag narinig na niya 'tong kinakanta mo."

Sa sinabing iyon ni Tinie ay natigilan siya kasabay ng pamilyar na pagsigid ng kirot sa kanyang puso. Tatlong araw pa lang niyang hindi nakikita si Kobe pero pakiramdam niya ay ang tagal-tagal na simula nang gabing iyon.

Gustong-gusto na nga niyang batukan ang sarili sa pagda-drama nang ganoon.

"Isinusulat ko lang ang mga nararamdaman ko. Siguro nga para kay Kobe ang mga kantang 'yan dahil siya lang naman ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw."

"Babe, hindi ka naman mag-e-emote nang ganyan kung hindi mo nami-miss 'yong tao."

"Hindi ako nag-e-emote," pakli naman niya.

"E ano lang, kung gano'n? Nakakaloka. Deny ka pa nang deny, halata namang apektado ka. Kailan mo ba susundin ang isinisigaw niyang puso mo?"

"Hindi ko alam. Siguro mas magiging okay siya kung wala na lang ako sa buhay niya. Siguro ang taong nararapat para sa kanya ay 'yong hindi siya paaasahin, 'yong taong kayang tumbasan ang pagmamahal niya." Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. "Nami-miss ko na siya, Tinie."

"'Yon naman pala, e! Ano pa ang ginagawa mo rito? Go and get him!"

"Kung alam mo lang, Tinie, kung gaano ko siya kagustong makita. Pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag nakaharap ko na siya. Baka magmukha lang akong tanga sa harap niya."

"Alam mo ba kung bakit ka natatakot na magmukhang tanga? Dahil mahal mo na siya!"

Napatingin siya sa kaibigan. Hindi niya kinontra ang sinabi nito at sa halip ay pinahid na lang niya ang kanyang mga mata.

"There's no use of hiding here in your room, Billie. Sapat na ang tatlong araw." Binuksan nito ang TV niya at saktong nasa channel iyon kung saan ipinapalabas ang mga laro sa PBA.

Nang mga oras na iyon ay alam niyang merong laro ang team nina Ryon at Kobe. Pero lihim siyang nadismaya nang tapos na pala ang laro. Nanalo kaya ang mga ito? Hindi siya mapalagay. Kailangan niyang malaman mismo.

Tumayo siya bigla na para bang may kung anong sumapi sa kanya.

"Tama ka. I need to get him. Mahal ko siya, Tinie. Hindi ko na hihintayin na may umagawa pa sa kanya mula sa 'kin."

"Oh! Bet ko 'yan, Babe! Break a leg!" napahagikhik na ani Tinie.

Mabilis lang na inayos ni Billie ang sarili at nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto. Sa sala ay nakasalubong pa niya ang kararating na si Ryon.

Belinda's Lover [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon