[2] Belinda's Lover

22.2K 373 2
                                    

CHAPTER TWO

"ATE, TAMA nang kapi-picture 'yan, utang-na-loob. Quota na 'ko sa pagngiti noong start pa lang ng ceremony, e," nakangiwing reklamo ni Ryon habang kinukunan ito ng picture ni Billie sa labas ng dugout.

"Kapatid, kailangan ko ng maraming pictures mo dahil ipu-post ko sa Instagram 'to para dumami ang followers ko."

"Hindi pa ba napupuno ang memory card mo?"

"Hindi pa naman ako nalo-lowbatt," napabungisngis na ani Billie.

Napangiti si Kobe nang datnan niya ang magkapatid paglabas niya ng dugout dala ang mga gamit niya. Walang laro ang team nila kaya libre silang umalis pagkatapos ng ceremony.

"Napansin ko lang, wala pa kayong picture na magkasama."

Napatingala sa kanya si Billie.

"Oo nga, 'no?" sang-ayon naman nito.

Nakangiting kinuha niya ang cellphone nito.

"Kukunan ko kayo."

"Pare, pati ba naman ikaw?" reklamo ni Ryon.

"Ang daming chicks ang nagpa-picture sa'yo kanina tapos kahit sa ate mo, wala kahit na isa? 'Wag ganyan, P're."

Tumabi naman si Billie kay Ryon at binaliktad ang bullcap na suot nito. May mga nanood na nakapansin kay Billie kanina at nag-request ng picture mula rito. Just then he realized na sikat nga ito. One of these days ay magse-search siya tungkol dito.

"Ngumiti ka, Ryon, ha. Pang-DP ko 'to."

Wala na ring nagawa si Ryon at ngumiti nang pagkatamis-tamis habang nakaaakbay sa kapatid nito.

"Nagugutom na 'ko. Sa'n ba pwedeng kumain ng pizza rito? Ilibre niyo naman akong dalawa."

"Pupunta raw tayo kina Kobe. May celebration do'n."

"Okay lang na sumama kami ni Ryon, Kobe?" manghang tanong sa kanya ni Billie.

"Oo naman. Mom is very much fine with it. Pupunta rin ang iba naming relatives. Dapat mag-invite din ako ng mga kaibigan," sagot naman niya.

"Ganyan siya kasikat. Bigla na lang dumadami ang kamag-anak." Nagpatiuna nang maglakad palabas ng exit si Ryon.

Natawa naman sila ni Billie rito.

"There you go," ani Kobe nang ibalik na niya ang cellphone ni Billie.

"Salamat, ha? Alam mo, masama talaga ang ugali ng kapatid kong 'yon, e."

"Pwede bang ako naman ang magpa-picture sa'yo?" sabi niya nang sumunod na sila kay Ryon.

Halatang nagulat si Billie sa reaksiyon nito.

"Sure ka?"

"Ang dami kasing nagpa-picture sa'yo kanina."

"Sa'yo rin naman, a?"

"E di fair lang na magkaro'n din tayo ng picture na dalawa." Inilabas niya ang cellphone niya. "Please, Billie?"

Siniko naman siya nito.

"Ikaw, ha. Bakit hindi 'ate' ang tawag mo sa 'kin? Hindi ba 'ko mukhang kagalang-galang?"

He chuckled.

"You don't even look like Ryon's older sister."

"Weh?"

"Tanungin mo pa ang mga nandito."

Belinda's Lover [R-18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon