Sino Ako?

605 3 0
                                    


Sino ako? Iyan ang madalas kong tanong sa sarili ko. Sino nga ba ako? Maging sarili ko ay hindi ko kilala dahil ako mismo ay natatakot humarap sa aking sarili gayong ako lang din naman ang tunay na nakakakilala kung sino na talaga ako. Magulo ba? Ako din naman naguluhan sa sinabi ko e. Atleast, quits na tayo.

Isang taon na siguro akong nagsusulat. On and off nga lang dala nang pagpapakadalubhasa ko sa pag-aaral. Sa totoo lamang ay mas pinahahalagahan ko iyon kaysa pagsusulat. Sabihin na nating libangan ko ang pagsusulat. Hindi ko matawag ang sarili ko bilang isang writer. Unang-una, ano na nga ba ang naisulat ko? Kung ikukumpara mo ako sa ibang manunulat ay malamang ma-a-out of place ako. Sabihin ko man ang title ng aking mga gawa ay wala silang ideya kung ano ang laman ng gawa kong iyon. Maging ako mismo ay hindi ko alam kung nakapagbibigay-aral nga ba ang mga ginagawa ko. Tulad nga ng sinabi ko kanina, libangan ko lamang ito. Oo, libangan ko ito pero hindi porke libangan ko ito ay hindi ko ito isasama sa prayoridad ko sa buhay.

Parte na ng aking buhay ang pagsusulat. At sa pamamagitan nito ay nailalabas ko ang mga emosyong pilit kong itinatago sa loob ko dahil alam ko namang ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. Totoo, mga kaibigan. Takot akong sabihin kung ano ako. Kung sino nga ba talaga ako. Takot ako sa tinatawag na "rejection". Ayokong nababaliwala ako. Hindi gusto ng sistema ko ang kapalpakan sa buhay, ang pagkatalo. Ipinanganak siguro akong competitive. Mapanghamon, warfreak kung tawagin. Pero 'wag ka. Ni minsan ay hindi pa ako nakikipag-basag-ulo. Maliban siyempre sa iba kong mga kapatid. Ibang usapan iyon. Takot ako sa away, sa gulo. Pero ako mismo ang naglalapit sa aking sarili sa mga away. Kaya nga siguro muntik na akong hindi makagraduate ng high school eh. Paano ba naman kasi ayokong may nakakasalamuhang pabida. Iyon bang lagi na lang nagpipresenta. Iyon bang laging napapansin ng instructors. Ayoko sa mayabang sa madaling salita. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na huwag kang magmayabang kung may mas magaling sa iyo sa loob o labas ng klase.

Bata pa lamang ay alam ko ng naiiba ako sa mga lalaking kasabayan kong lumaki. Hindi ako marunong maglaro ng basketball, na siyang laro ng mga kalalakihan. Hindi rin ako mahilig sa kung anu-anong sports. Hindi ko gusto ang larong may kasamang takbuhan. Lampa kasi ako. Pero ni minsan ay wala akong nararamdamang atraksyon kahit kanino.

Siguro nagstart ang crush-crush na iyan noong nasa grade six ako. Labindalawang taong gulang na ata ako noong mga panahon na iyon. Nagkagusto ako sa babae. Mapayat pero maganda. mahilig siyang magbasa ng mga libro. Twilight saga yata ang paborito niyang basahin pati ang mga libro ni Harry Potter. Ang galing niya nga eh kaya siguro magaling siyang magsulat ng essay sa english. Ako siguro mga average lang. Di hamak na mas gusto ko ang Filipino subject no. Ang dali kaya. Iyong tipong kahit nakapikit ka, masasagutan mo pa rin dahil common sense lang naman ang mga tanong doon.

Going back to our topic, ang lambing ng babaeng iyon, mga 'pre! Ang hilig niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Siyempre sa tuwing gagawin niya iyon, lalakas at bibilis ang tibok ng puso ko. Syet! Ayoko nang alalahanin pa, kinikilig pa rin ako! Madalas niyang gawin iyon sa akin, bagay na hindi niya ginagawa sa iba. Hahaha. Tangina lalaki pa rin ako noong mga panahong iyon! Lols lang. Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya. Ang arte nga lang niyang magsalita na parang kikay pero mabait naman siya at malambing.

Iyon nga, graduation na. Siyempre ilipat na karamihan sa ibang school. Kasama siya sa mga sinabi kong lilipat kaya nalungkot ako kasi mag-iistay pa rin ako sa paaralan na iyon.

First year na! Tuli na ako noon! Syet! ang dami-daming puwedeng sabihin, sinabi ko pa iyon. Ito ata ang taong nagpamulat sa akin sa mundo. Natuto akong magmura at maglibog. Taena kasi ng mga kaklase ko eh. Tinuturuan ako. Dito ko na tuloy nasabi sa sarili ko na may kakaiba nga sa akin. Paano, mas nalilibugan ako sa gayporn kaysa straight porn. Naiingayan kasi ako sa ungol ng babae doon eh. Na parang hindi ako lalaki. Parang bakla ako, bading. Siyempre 'pag naiisip ko iyon, nandidiri ako. Ayokong maging ganoon! Ayoko! Ayokong pandirihan ng mga tao. Ayokong kaayawan nila. Kaya ginawa ko ang lahat para matuwa lahat ng nakakakilala sa akin. Nagpakabaliw ako noon para lang lapitan ako.

One-shot BXB StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon