Ang Tinapay

622 2 0
                                    


Naririto na naman ako sa lugar kung saan tayo nagkausap. Inaalala ang mga araw kung saan nakita mo akong sawi. . . Wasak. Hindi na dapat kita kinausap dahil alam kong bawal eh. Mapilit ka lang kasi. Walanghiya! Nang-aya ka pa! Nahulog ako sa patibong mo! Nilaglag mo ako sa bangin na walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa na ako. Masakit eh! Sobrang sakit. Bumabalik na naman ako sa mga araw kung paano mo ako nakita. Lang sa alak, mukhang bangag, at mukhang may di na sa lang mabigat na problema.

Sa totoo lang nauna kitang nakita sa simbahan. Tandang-tanda ko pa, unang araw ng simbang gabi o misa de gallo. Sinabi ko sa sarili ko. Ang gwapo naman! "Palangiti ka pala." Sabi ko sa sarili ko. Pero bawal kang galawin. Natawa ako sa sinabi ko sa sarili ko. Masyado kayong close ni Bro eh. Kulang na lang maglaro ka. Kaya hindi kita pinagtangkaan na galawin.

Lumipas ang ilang taon. Ayun! Nagtatrabaho na ko. Kakahiwalay ko lang sa boyfriend kong gago. Tangina katawan at pera ko lang minahal niya. Porke malakas sinasahod ko eh. Umiinom ako noon sa bar. Mag-isa at walang kasama. Iyak lang ako ng iyak pero biglang may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko, ikaw pala. Noong una ay hindi ko nakilala iyong mukha mo. Damuho ka kasi ngumiti ka eh. Nagulat tuloy ako. "Bar ito para sa mga katulad ko tapos naririto ka." Kaya pambungad ko sa iyo: "May bahid ka din?" At natawa ka sa tanong ko. Doon kita lalong napagmasdan. Grabe! Ang perpekto ng mukha mo para sa akin. Ang lakas ng dating mo sa akin. Napakainosente, mala-anghel na maangas. Iyan ang maaari kong ilarawan sa iyo. Sumagot ka ng oo at sinabi ko sa sarili ko: "patay tayo nito tsong!" Kailangan kitang iwasan! Ang dami ko na kayang atraso sa Kanya. Tapos sa dagdag ka pa?

'Di ka pa nakunteto. Nakiinom ka pa! Nagpakalasing. Sinamahan mo ako buong gabi. Nalaman kong magulang mo lang ang may gusto na maglingkod ngunit iba ang gusto mong tahaking landas. Mangatwiran ka pa nga eh. Sabi mo pwede ka namang maglingkod habang iba ang kinukuha mong propesyon. Na ko ayon naman ako.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa ibang lugar tayo. Naghahalikan. Torrid pa more! Ang sarap mo palang humalik! Ang sarap sa pakiramdam ng hagod mo. Bigla akong napaisip. Virgin ka pa ba? Nagulat nga ako nang tumawa ka bigla eh. Sabi mo oo. Ako naman ngayon ang nagulat. Bakit ang galing mo sa romansahan? Tingin ko'y narating ko ang langit sa ginawa natin. Ang sarap sa pakiramdam nang matapos tayo ay pinahiga mo ang ulo ko sa dibdib mo sabay sabing "Huwag kang mag-alala, ako ang gagamot sa puso mo." Pagkatapos mong sabihin ang pahayag na iyan ay natulog tayo. Nagising na lamang ako nang dahil sa iyo. Inaaya mo akong magsimba kahit ayoko pero dahil nagpacute ka at sinusuyo mo ako na tila isang batang nagpapabili ng laruan ay pumayag ako. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit ko. Nakakatuwa ka kasing panuorin habang nagsisimba. Seryoso ka pero kapag may temtasyon ay tila nawawala sa katinuan. Ganyan ka kahayok sa akin noong mga panahon na iyon. Na kulang na lang ay patirahin mo na talaga ako sa puso mo.

Pinanghawakan ko ang huli mong sinabi bago tayo matulog at totoo nga dahil natupad naman siya. Ngunit hindi ko alam na ikaw din pala ang sisira nito. Mas masakit eh! Kasi akala ko ok tayo sa setup natin na itago ang relasyon natin dahil sa mga magulang at pamilya mong relihiyoso. Mga punyetang pamilya mo na naniniwala lang na ang lalaki ay para lamang sa babae. Ang kikitid nang utak ng mga tulad nila! Mukhang mas may alam pa ako sa kanila kung tutuusin dahil mas alam ko pa ang laman ng bibliya kaysa kanila eh. Pero pinabayaan ko iyon. Nirerespeto ko sila eh. Sana naman ipinaglaban mo ako noong inutusan ka nilang makipaghiwalay sa akin. Letse! Sila nga ba ang ka relasyon ko? O ikaw? Iyan kasi ang mahirap sa atin eh. Mas matimbang talaga ang pamilya kaysa iba. Kahit na alam mong mali ang pag-iisip ng pamilya mo kaysa sa pananaw mo.

Umiyak ako, nasaktan at ito, balik sa dati. Matagal na panahon din ang lumipas. Hindi ko matandaan kung pang-ilang taon na ito pero ang alam ko ay araw ng unang misa de gallo o simbang gabi din ang panahon kung saan tayo huling nagkita. Siguro ay umasa akong makikita kita sa simbahan katulad ng dati kaya magmadali akong pumunta sa simbahan.

Natuwa ako noong nakita kita. Kaso masakit sa pakiramdam dahil parang wala lang sa iyo ang mga pangyayari. Nagagawa mong ngumiti eh. Bagay na hindi ko magawa dahil kasalanan mo. Sa inis ko tuloy ay kumuha ako ng tiyempo. Sinadya kong magpakita sa iyo.

Naghintay ako ng ilang minuto at pumila para tumanggap ng katawan at dugo Niya. Natawa ako sa reaksyon mo. Gulat na gulat ka eh. Kita ko ang nginig sa mga kamay mo dahil sa ginawa kong pagngisi sa iyo. Mabuti na lang at nagkausap pa tayo. Sandali lang nga. Tandang-tanda ko pa rin talaga ang sinabi mo sa akin bago ang huli nating pagkikita.

"Katawan at dugo ni Kristo." Ang sabi mo na pabulol dahil sa nerbiyos.

"Amen." Sagot ko na may kasamang pagngisi.

Wakas.

One-shot BXB StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon