Sa Bus

2.2K 7 0
                                    


(Pasensya na po ahh. Ito lang po nakayanan kong ipost ngayon. Hindi rin naman naman po sapat ang oras na ito upang makapag-ud ako ng series hehe. Pasensya na po kung biglag tumahimik ang page. Pasensya talaga.)

Ang init! Ang nasabi ko sa sarili ko kahit ako'y nasa loob na ng isang airconed bus. Totoo naman kasi. Kanina habang naghihintay ako ng masasakyan ay sobrang init na. Mabuti na lamang at marami pang upuan ang bakante.

Tumigil na naman ang bus at saka pumasok ang daan-daang pasahero.

"Oh maluwag pa! Maluwag pa! Kasya pa bente!" Sigaw ng kunduktor sa labas.

Putangina! Bente?! Seryoso ba siya? Eh halos hindi na nga makahinga ang ilang pasaherong nakatayo eh. Palibhasa at rush hour ngayong mga oras na ito. Naramdaman ko na lamang na may gumitgit sa akin dahilan upang mapaupo ako sa dulo. Badtrip iyong dalawang naniksik sa akin ah.

"Patabi kami JM ah." Ang narinig kong sabi ng aking katabi kahit pa mahina ito. Dahil naman sa aking inis ay muntik ko na itong sabihan kaya tumingin ako sa aking kanan upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon dahil pamilyar ito sa aking pandinig.

Chinito na katamtaman ang laki ng katawan. Hindi ko alam ang style ng buhok basta kulay dark brown ang kulay. Makinis ang mukha at may kaputian ng kaunti. G! Totoo ba itong nakikita ko? Ang taong crush ko for how many years ay nakasabay ko sa bus! Ang taong unang nang-reject sa akin dahil hindi daw siya pumapatol sa tulad ko. Ang lalaking naging kaclose ko dahil nalaman niya ang aking sikreto.

"Oy kuya Carlo! Kumusta?" Ang nasabi ko habang nakangiti. Biglang kumabog ang puso ko nang makita ko siya. Ano ba iyan, bakit biglang nagtatatambol ang puso ko? 'May feelings pa rin ba ako for him? Hindi na puwede. Hindi na dapat.' Sabi ko sa aking sarili.

"Okay naman ako. Akala ko hindi mo na ko kilala hehe. Mukha ka kasing beastmode kanina sa akin eh. Ah, siya nga pala, si Dianne, Gf ko."

"Ahhh. . . Hell-o." Ang bati ko sa babae sabay ngiti. Mukha akong baliw, ngiti ako ng ngiti. Ito namang si kuya Carlo eh nakatingin lang sa akin na tila tutunawin ako. Take note ngiting-ngiti pa siya sa akin.

"Hi." Tipid na sabi ng babae sabay irap sa akin. Oh my. May mali ba sa sinabi ko? Grabe siya huh.

Tumahimik na lamang ako sa aking puwesto at nagsuot ng headphones upang makinig sa music.

ISO 931, bilisan mo malapit-lapit na.

Message sent.

Nakita ko namang tumayo ang babae pagkatapos ay tumingin kay kuya Carlo at sa akin. Sa akin? Bakit naman? Nakita kong nagkiss sila. Ano to? Live show? Kailangan ipakita sa harap kong nag-kiss sila?

"Bye Ate!" Ang sinabi ko na lang sa babae at umalis na ito.

"Bye kuya Carlo!" Ang sabi ko sa aking katabi.

"Baliw!"

"Bakit?"

"Hindi pa ako aalis no. Malayo pa ko, natatandaan mo pa naman diba?"

"Alam ko! Eh bakit hindi mo siya samahan?" Inosenteng tanong ko.

"Eh kasi kaya na niya ang sarili niya. Tsaka, LQ din kami eh."

"Ahh. . ."

Nagdaan ang katahimikan sa aming dalawa nang ilang saglit dahil nagtanong siya.

"Natatandaan mo pa ba?"

"Ang alin?"

"Na kaklase ko kuya mo noong fourth year kami, tapos second year ka pa noon."

"Oo naman haha. Para kang baliw."

One-shot BXB StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon