Eirik
The Math Wizard
Naging favorite subject ko ang Math kaya naman nagustuhan ko si Eirik. The only problem with him is that, sa Math lang siya nag-eexcel while yung iba naming subject ay pinapabayaan niya. Dahil nga sa favorite ko ang Math tulad niya ay nagkasundo kami. We became good friends and even regular textmate. Muli na namang tumibok ang puso ko. Pakiramdam ko, matatabunan na ng pagkagusto ko sa kanya ang nararamdaman ko para kay JT non.
Para pa akong tanga na iniimagine na sana ay siya ang maging first boyfriend ko. (Ang landi lang!)
Sige, ipagpapalit ko na si JT sa kanya. Haha!
Katulad ni Neil ay medyo tahimik rin siya sa klase. May pagkasuplado pa kaya naman hindi na ako nagtaka na may iba ring nagkakagusto sa kanya maliban sa akin.
Marami rin pala ang katulad ko na nagkakagusto sa mga silent type na lalaki.
Let’s name the few:
Jackie
Berna
Jane
Loren
Ayon sa nasagap kong mga tsismis sa loob ng classroom ay sila ang mga girls na may gusto rin kay Eirik.
See, hindi ako nag-iisa. I belong. Welcome to the club.
From joker to silent type, what a twist. Nag-iiba nga talaga ang tao. At tao ako na nag-iiba ang gusto o hilig.
The Boyfriend
“Jackie, okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kaklase ko. May nabalitaan kasi kami na hindi maganda para sa amin.
“O-oo naman. Okay lang ako. Nabigla lang.” Sagot niya sa akin.
“Girls, alam niyo ba?!” Humahangos na sabi sa amin ni Che-che. “Si Eirik at Berna na!”
“Oo. Alam namin. Kaya nakabusangot oh.” Sagot ko sa kanya at nginuso ko si Jackie.
Umupo na siya sa tabi ni Jackie. “So, ako pala ang huli sa balita. Paano niyo nalaman?”
“Sa text. Kagabi. Si DJ nagsabi.” Imporma ko sa kanya. Maaga kaming pumasok ni Jackie kaya nasabi ko agad sa kanya.
“Good luck nalang sa kanila.” Tanging nasabi ni Jackie at bumuntong hininga.
Just like what I am thinking about.
Friend ko rin si Berna, actually kaklase ko rin siya nung first year. I never expect na magiging sila ni Eirik. Parang hindi naman namin naramdaman na nagligawan sila. According to DJ, inamin lang daw ni Eirik na crush niya si Berna tapos yun, crush din daw siya ni Berna, kaya naging sila na.
Pwede pala yon? Sabihan lang ng crush, tapos pag nagmatch, magiging kayo na?
Nainggit tuloy ako bigla kay Berna. Buti pa siya, yung crush niya ay crush din siya. Sana ako nalang siya. Kaso hindi eh. Katulad ni Jackie at ng ibang girls, pare-pareho kaming sawi.
But the good thing for this, naging mas close kami ni Eirik. Hindi rin kami napag-iinitan ng mga teachers. Sila ni Berna yun. Yung sinasabi nila, na ang babata pa eh, nag-bo-boyfriend na. At least, hindi ako ang tinatamaan kapag nagpaparinig yung mga old maid naming teachers.
Hehe. Ang bad lang.
The Break-up
After four months, Berna and Eirik broke-up. I don’t know the reason. Hindi na nila ipinaalam sa publiko yon eh.
Simula nun, hindi na sila nag-usap. Buti nalang yung friendship ko with Berna ay hindi naman naapektuhan ang friendship ko with Eirik.
Neng,
Thanks for being a good friend to Eirik…
Love, Berna
Sinulat yan ni Berna para sa akin. Na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang ipinupunto niya. Wala akong makitang dahilan para sulatan niya ako ng ganon. Isa pa, wala naman akong pinagsabihan kahit sino na may gusto ako kay Eirik.
Dahil ba sa closeness namin kaya sila nagbreak?
Eh wala rin namang sinasabi sa akin si Eirik kung gusto niya ako. We’re nothing but friends. Mas maliwanag pa yun sa sikat ng araw pati na rin ng buwan.
Hay nako. Wala na kong interes kay Eirik. Mas interasado ako sa pagpasok ng third year.
PS.
Ang sabi ni Diary ko, noon daw nung hindi pa sila ni Berna:
--/--/---
Hindi ko pa nga pala nakukuwento sa’yo si Eirik di ba? By the way, classmate ko siya. Mabait, matalino kaya lang masyadong topakin. Minsan okay kami, minsan naman hindi. BF siya dati ni Berna. Nung unang pasukan nga nung hindi pa sila, nilalakad siya ni Berna sa akin yun pala, sila rin ang magkakatuluyan. Hindi nga lang tumagal pero piling ko mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa. Hindi ko alam dahilan ng break up nila eh. Pero ang mahalaga, kaibigan ko pa rin sila pareho.
Waahh! Ano bang diary to? Bakit may amnesia ako? Hindi ko matandaan na nilakad siya sa akin ni Berna eh hindi ko nga din matandaan na may pinagsabihan akong crush ko si Eirik eh. Hay nako. Tama na ‘to. Move on, te!
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Neneng (Completed)
RomanceAko si Neneng at ito ang aking journey sa paghahanap ng lalaking nakatakda para sa akin. ;)