Rhein
He’s Cute and Funny
Grade 2, Section 3.
Sa edad kong seven years old, nag ka crush na ako. Classmate ko siya nung grade 2. Ano nga ba ang naging basehan ko para madeclare siya bilang kauna-unahang crush ko sa buhay na ipinagkaloob sa akin ni Papa God?
Check natin ha:
Una, cute siya. Yun lang yun.
Pangalawa, ang linis linis niyang tignan sa suot na uniform. Among the boys na mga classmate ko, siya ang bukod tanging sobrang nag ba bright in wearing white polo shirt sa mga mata ko.
Lastly, he’s very humorous. Ang galing niyang magpatawa. Para siyang si Mr. Bean.
Ayun, kaya nakuha niya ang atensiyon ko and I finally conclude to myself that I have a crush on him!
Dahil sa angkin kong kadaldalan, halos lahat ng kaklase ko ay alam na crush ko siya. Actually, I declared that…. Nung mga panahong umabsent siya.
Nasabi ko sa lahat na crush ko siya maliban lang sa kanya. Denial queen ang drama ko kapag may mga komprontasyong nangyayari.
“Rhein, may nagkakacrush sa’yo!”
“Rhein, crush ka ni…”
“Si Neneng may crush. Hindi ko sasabihin kung sino.”
Damuhong mga kaklase ko, lakas mang-asar. As if naman aamin ako noh.
Ano ko, tanga? Bakit ako aamin?
First Heartbreak
“Oy, Rhein! Alam mo ba? Crush ka kaya ni Neneng! Dati pa noh!” Muling pambubuko ng isa kong bwisit na kaklase.
“Mukha mo, Jolas! Asa ka! Huwag ka maniwala diyan, Rhein. Hindi yun totoo! Hindi kita crush!!!” Pinanindigan ko na ang pagiging Denial Queen.
Nabasag ang batam batang puso ko sa sinagot niya, “Alam ko crush mo ko. Sinabi na sa akin ng pinsan mo. Pero hindi naman ikaw yung crush ko. May iba akong crush.”
Ouch! Daig ko pa nasampal ng nanay ko kapag sinasagot ko siya.
Para siyang Boom! Na sumabog sa mukha ko.
Okay lang sana kung ako lang yung nakarinig nun eh. Ang kaso buong klase. Grabe! For the last seven years that I exist in this place called world, ngayon lang ako napahiya ng ganun. Alam ko naman na medyo makapal ang mukha ko Wala sa mini dictionary ko ang salitang hiya. Ngayon lang yata!
And now I am wondering, sino kaya yung crush niya na iyon? Classmate din ba namin siya o kapitbahay niya?
Pero bago ang lahat, isang sabunot muna ang pinakawalan ko sa pinsan kong bungangera na nagkataong kaklase ko rin.
“Sinungaling ka! Bakit mo sinabi na crush ko si Rhein.” Sugod ko sa upuan niya.
Iyak naman muna ang isinagot niya, “Isusumbong kita kay Tita! Totoo naman ah! Crush mo talaga si Rhein. Ina-nounce mo pa nga sa buong klase nung absent siya. Huhuhu!” Umiiyak pa rin niyang sabi.
Pag-uwi tuloy sa bahay, pinalo ako ni Mama kasi ayokong magsorry sa pinsan ko.
Discovery
Nag top one ako sa klase kaya nalipat ako sa higher section pagdating ng grade three. By the time na wala na ako sa dati kong section at naiwan dun sila Rhein pati na ang mga dati kong kaklase ay dun ko lang nalaman kung sino ang crush niya. Si Emma pala! Na naging close friend ko rin. Kaya pala, madalas siyang lumapit sa upuan namin ni Emma nun, akala ko crush niya din ako, yun pala si Emma ang nilalapitan niya. Basag na naman ang puso ko!
Hindi kita makakalimutan, Rhein. Ikaw ang kauna-unahang lalaki na nagustuhan ko and at the same time ikaw din ang unang nagwasak sa pangarap ko na sana ay maging crush din ako ng taong crush ko.
Anyway, let’s all move-on.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Neneng (Completed)
Storie d'amoreAko si Neneng at ito ang aking journey sa paghahanap ng lalaking nakatakda para sa akin. ;)