He was my bestfriend for as long as I could remember.
Hindi ko ineexpect na magugustuhan ko siya o mafafall ako sa kanya.
Naalala ko dati, nung mga bata pa kami, sabay kaming naliligo sa ulan. Minsan pa nga, hubo't hubad pa, pero, walang malisya. Kumakain kami ng sabay sa umaga kapag dumadaan sya sa bahay at sabay ding aalis papuntang iskwela. Hawak kamay pa kami pero, walang malisya. Minsan naman, buong araw kaming naglaro sa may parke. Nagmataya-taya at nagtagu-taguan. Uso pa ang teks at pogs noon. Naglaro pa kami ng kasal-kasalan kasama ng iba pang mga batang nandoon. Noon palang alam ko na ang gusto ko: ang maging bride nya at sya naman ang groom ko. Tinawag kami ng nanay niya at kumain sa kanila ng merienda. Sa sobrang kapaguran, di namin namalayan na nakatulog na kami ng magkatabi sa may sofa. Naramdaman ko pa ngang niyakap niya ako pero, walang malisya.
For those years, alam ko lahat ng sikreto nya. Kahit ano pa man yan, mapa-cutting classes o ang kumopya sa katabi ay alam ko. Syempre, pati mga naging crush nyang mga artista pati mga classmates namin, nalalaman ko din. Bilang ganti, alam niya din ang lahat ng bagay na tungkol sa akin.
Nung nag-high school kami, same school kami ng pinasukan. Kapag may groupings, kinikilig ako kapag pinipilit nyang makasama ako sa iisang group. Iniisip ko, nung mga panahong iyon, "Ayaw nya akong mawala sa tabi nya" o "Gusto nya, lagi ko syang kasama". Madalas din, nagoovernight ako sa bahay nila. Keri lang sa mga magulang ko, kasi tiwala naman sila sa kanya.
Nung nagcollege kami, pumasok ulit kami sa iisang university. Bagaman magkaiba kami ng course at schedule, nahahanapan padin namin ng paraan na magkasabay kami. Minsan, hinihintay ko sya sa may canteen kahit after an hour pa ang break nya para sabay na maglunch. Nung last time, sya naman ang naghintay sa akin sa library after ng 3 hours major subject ko para sabay daw kami magreview. Give and take kami sa isa't isa. Kung sino ang mauuna, siya ang maghihintay.
Hanggang isang araw, kinwento nya sakin na may nililigawan syang ka-block niya. Nasaktan ako ng mga orasna iyon dahil kahit kailan, hindi niya ako mapansin-pansin.
Then few months later, sinabi niya ang good news na sila na daw nung girl. I looked into his eyes and smiled. Sabi ko sa kanya, "Congrats, Bestie. I am happy for you.." Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko sa mga bisig niya na tuwang tuwa siya. Bumitaw siya at nagpaalam na pupuntahan lang daw nya ang girlfriend nya.
Pagtalikod ko, hindi na nakayanan ng mga mata ko at hinayaan ng bumagsak ang kanina pang nais na lumabas na mga luha ko. Tumakbo ako sa cr at doon inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kasi matanggap na hanggang bestfriends lang ang tingin niya sakin and I wanted to ask for more.
Unti unti siyang nawalan ng time para sa akin dahil sa girlfriend niya. Hindi na kami katulad ng dati. Sobra din akong nagfocus sa pag-aaral ko para makalimutan ang sakit na naidulot nya sa pag-iwan sa akin.
Miss na miss ko na siya, sobra....
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunayHanggang isang araw, tinawagan niya ako at pinapunta sa bahay nila. Naglalasing siyang mag-isa sa bahay. Break na daw sila ng girlfriend niya at agad agad siyang ipinagpalit sa iba.
Muli niya akong niyakap. Yung yakap na katulad nung magkatabi kaming natulog. Yung yakap nya nung tuwang tuwa siya dahil naging sila ng babaeng gusto niya. Yung mga yakap na ang tagal kong hinintay na maibigay sakin ng buo. Na para sa akin lang. Umiyak sya sa balikat ko. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa napagod sya at nakatulog sa aking mga bisig.
Hindi ko alam kung malulungkot ba ako para sa bestfriend ko. O matutuwa ako kasi kahit papaano, nagkaroon nanaman ako ng chance.
Pero naalala kong.....
Babae pala ang gusto niya....
At hindi ang lalaking katulad ko.
BINABASA MO ANG
OVERHEARD
Short StoryThey talked.. They posted.. They shared.. When I heard about it.. I write.