Dating Tayo

20 2 6
                                    

Sa tuwing nagkikita tayo, hindi ako mapakaling makita ang mukha mo..
Sa tuwing hahawakan ko ang iyong mga kamay, ayaw ko na itong bitiwan pa..
Sa tuwing naguusap tayo, hindi ko mapigilang mapangiti..
Sa tuwing yayakapin mo ako, ang bilis ng tibok ng puso ko..







Ikaw,










Sumulat nga pala ako para ilabas ang mga saloobin ko. Mga nararamdaman kong pinilit kong itinago at pinili kong huwag sanang sabihin sa iyo. Yung mga bagay na hindi ko nasabi noong gabing iniwan mo ako. Hindi, nung gabing sinabi kong, ayoko.



















Naalala mo pa ba, yung dating ikaw, yung dating ako?









Noong unang beses kitang nakita. Sikat ka sa school noon. Ang daming umaaligid sa iyong mga babae. Syempre, ako, hindi naman ako makalapit. Hanggang sulyap na lamang saiyo sa malayo.

Sa unang beses mo akong kinausap, naglakad ka papalapit sa akin. Kahit pinagtitinginan na tayo ng lahat ng tao, wala kang pakialam. Ang sabi mo, "Hi". Hindi ako kaagad nakakibo. Hindi ako kagad nakatugon sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kasi, hindi ko halos naintindihan yung mga sumunod mong sinabi. Naalala ko lang na nakatitig lamang ako sa mukha mo. Nakatitig lamang ako sa mga labi mo. Noong mga araw na iyon, tila nagbukas ang lagit nang mga sandaling binigyan mo ako ng matamis mong mga ngiti. Yung ngiti mo ang naging dahilan kung bakit halos isang linggo ankong hindi nakatulog ng maayos noon.




Sa unang chat mo sakin habang gumagawa ako ng homework ko. Sa simpleng "good pm" na nagtuloy tuloy na tuwing gabi. Hanggang sa hiningi mo ang number ko at naging madalas ang pagtetext natin. Madalas kang magtanong kung kumain na ba ako, kung uuwi na ba ako, kung ano ang ginagawa ko. Yung mga texts mong, mag-iingat, magtext ako pag nakauwi na ako, matulog ako ng maaga. Mga chat na may kakaibang dating sa akin. Sa mga simpleng linyahan at tanong na iyon, unti unti na palang nahuhulog ang loob ko saiyo.




Sa unang gabing sinabi mong ihahatid mo ako sa amin. Noong una, nagbabangaan ang ating mga kamay habang tayo'y naglalakad. Sa di kalaunan ay bigla mong hinawakan ang mga kamay ko. Hawak-kamay tayong naglalakad sa mahabang kalsada. Kahit saan man dumaan, kahit anuman ang pagdaanan, hawak-kamay lang tayo. Tinitigan ko ang kamay mo, habang hawak ang akin. Sinabi ko sa sarili kong, ayoko nang pakawalan ang kamay na ito.









Madalas na tayong magkausap sa phone, maging sa chat. Madalas din tayong magkita at lumabas ng tayong dalawa lang. Sa mga sandaling iyon, hiniling kong tumigil ang oras. Sa mga sandaling iyon, ayoko nang matapos ang araw. Sa mga sandaling iyon, patuloy kong pinangarap na sana, baling araw, magkaroon ako ng karapatan sayo. Magpangalandakan ko sa buong mundo na ika'y akin lamang. Na ako'y sa iyo.


















Naalala mo pa ba? Naalala mo pa ba ang lahat ng iyon? Kasi ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang dating tayo.




















Lahat ng iyon, naglaho na parang bula.

















Sa isang iglap, nagbago ang lahat.

















Ako..





















Ako naman ang may gawa..


























Ako naman ang may kasalanan.


















Ako ang dahilan kung bakit nawala ang dating tayo..



















Alam mo ba kung bakit ako bumitaw? Alam mo ba kung bakit ko tinigilan ang tila umuusbong na magandng relasyon sa pagitan nating dalawa?




























Kasi, natakot ako..






















Natakot ako sa mga bagay na kaya mong gawin. Natakot ako, kasi alam kong walang magtatagal sa akin. Natakot ako, kasi alam kong iiwan mo din ako.














Takot ako sa mga kasiyahang binigay mo, sa kilig na ipinadama mo. Takot akong mapalitan ito ng kalungkutan at humantong sa tuluyang pagkawasak ng puso ko.
























Oo, ako na ang takot. Ako na ang duwag.













Bakit ko hahayaang mamuhay sa kaligayahang alam kong may kapalit na kalungkutan?

Bakit ko sasanayin ang sarili ko sa mga galawang hindi naman mapapanindigan?

Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa isang pantasyang sa isang iglap lang, mawawala din ng tuluyan?


Bakit ko pipiliting buuin ang puso kong nawasak na dahil sa isang desisyon. Ang desisyong ikaw ay akin nang bitiwan.

























Takot ako. Kasi alam kong, nahulog na ako.




















Pero hanggang ngayon, hindi parin tanggap ng puso kong tapos na. Tapos na ang dating tayo.




















Dahil hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Ang nakaraang, ikaw at ako.


















Mahal, patawarin mo ako.



















Umaasa,
Ako

OVERHEARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon