PANGA (Parang Tanga)

27 3 9
                                    

Uwian na namin sa school. As usual, derecho nanaman ako kila Kuya Rommel para maki-rent sa internet shop nya. Oo na, kami na ang walang PC sa bahay. Kami na ang walang wifi. E ano naman sayo? Parang tanga to!















Ayun, sa PC number 6 nanaman ako. Eto kasi yung date ng birthday nung crush kong si Edward. Pag check ko sa oras, July 6, 6:46pm na. Maygad! Ang cute talaga ng 6. Kahit pangalan nya, 6 letters din. Bagay sa pangalan kong Angelie. Omaygad. Seven pala ako. Oh well, basta. Gusto ko ang 6. Pag naging tayo, aaaay! Itatapat ko sa 6 ang monthsary natin! Jusko, Edward. Akin ka nalang kasi e. Ako nalang.










Inopen ko yung facebook ko. Parang tanga tong mga kaklase ko sa comments nila sa status ko:

Status: Lalakasan ko na loob ko. Sasabihin ko na sa buong mundo na crush kita. -feeling inlove 😍

Rhian: Oooy Angge! Sino yan? Spluk na yan teh!
Louella: Tag na yan Bessy.
Sophia: Ay gag*, hoy dyosa ka. Sino yan?
Pablo: OMG Gurl! I'm happy for you.
Rhian: @Pablo baklaaaa! Original account mo gamit mo. Makita ka ni Pudrabels!
Ramon: Ako nalang kasi Angge. :(








Itatype ko na yung comment ko ng biglang may nagnotify sa gilid ng screen.











Amputek! Nag-heart si Edward! OHMYGAAAAAD!







Teka..















Yung puso ko..
















Alam ba niyang... Sya... Ang crush ko?


















Teka! Ang importante, pinusuan ng hinayupak! Waaaaaaaah! EDWARD KOOOO! Parang tanga na akong kilinikilig ng palihim dito sa kinauupuan ko. Buti nalang, walang mga tao sa PC 4 at PC 8 sa tabi ko.
















*plop* (tunog yan nung nagpop-up na message box sa gilid)















Edward: Hi Angelie. Naks, inlove. Kwento naman jan. ;)



















ASDFGHJKLZXCVBNMQWERTYUIOP!





















SI EDWAAAARD NAG-CHAT! PARANG TANGA TO!





















6:54pm palang ha? Usually, alas syete ng gabi sya nagchchat sakin. Aba, maagang nakauwi si mokong.


















Etooooo, gabi gabi nalang nagchchat. Gabi gabi nalang nangangamusta. Gabi gabi nalang akong kinakausap at nakikipagkwentuhan. Sa simpleng hello at good night mo lang, kahit magtagal ako ng hanggang alas dose sa computer shop, ayos na ayos lang, makausap ka lang ng buong magdamag. Kasi, sa simpleng pag-uusap nating ito, mas lalong gumagaan ang loob ko sa'yo. Mas lalo akong nahuhulog sa'yo. Ang hirap naman neto o. Parang tanga!















Pero HINDI! Hindi, Angge. Nakita mo naman yung mga posts niya sa IG kaninang umaga diba? Yung Thank God I found you na post at may hashtag #ImForeverYours tsaka yung boquet ng flowers na may caption: Flowers for my beloved. Can't wait to give this to you,  my love.











Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na, crush kita
Pambihira oh nung dati pa

May patanong tanong ka pa
Kung sino yung nasa Facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sa'yo!
Yung sana ako na lang ang girlfriend mo.









Naiyak na naman ako.











Hanggang kelan ko ba itatago ang nararamdaman ko para kay Edward? Hanggang kelan ako makukuntento sa mga chat lang? Hanggang kelan ako magmamahal sa kanya ng malayuan?


















Hindi. Kelangan nyang malaman.















Hello Edward. Sino yung nasa status ko? Ikaw. Ikaw yung crush ko.
























Ang lakas ng loob mo Angelie ha? Kaya mo bang isend yan sa kanya? Pindutin mo nga yung enter. Sige ngaaaaa!







Sige, pag sinend mo yan. Ikaw din masasaktan. May jowa o. May flowers diba? Sige, mas lalo ka lang magmumukhang tanga sa gagawin mo.















Haay..
















Naguguluhan ako.





6:59pm.









*click*











Edward...























Seen. 7:00pm.




















Parang tanga naman o! Tinamaan ng magaling! Nasend at na seen nya. Tekaaaa! Napindot ko ba? Anak ng asdfghjkl! Waaaaahhhh! Sana, lumubog na ako sa kinauupuan ko ngayon.





















Edward is typing...

















PUTEEEEEKKKK!



































Crush din kita.



































Lumitaw sa gilid ko ang bulaklak na nakita kong pinost ni Edward sa IG. Sabay may mga kamay at brasong pumalupot sa akin galing sa likod.











Si Edward.















Edward: Nasa PC 7 ako sa likod mo.  Madalas. Tapos, pag nagbabye ako, nagmamadali akong umalis. Baka maabutan mo ako e. Sa PC 7 ako kasi, 7 letters ang Angelie at tuwing 7pm kita laging nakakausap. Sorry ha. Hinintay ko pang ikaw ang magsabi nyan. Pero, ako nalang ang magsasabi neto sayo: Mahal kita Angelie. Salamat sa gabi gabing pagkausap sa akin. Salamat sa gabi gabing pakikinig ng mga kwento ko. Salamat sa gabi gabing paglaan ng oras mo para lang makausap ako. Salamat, kasi, ikaw. Mahal kita.







Wala akong ibang nasabi.

































Parang tanga.

OVERHEARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon