THIRD PERSON'S POV
Nag-aayos ng gamit si Dash nang pumasok sa kwarto niya si Anastasia.
"Why is that Mafia Boss living in the Philippines by the way? If his family is living in US?" bungad na tanong ni Anastasia kay Dash.
"Ask him when you meet him there." sabay ngisi ni Dash kay Anastasia.
"Heh! Bilisan mo na nga at magluto ka na. I'm starving." utos ni Anastasia kay Dash.
"Makapag-utos ka. Tss! Oo na,Madam." atsaka pumunta ng kusina si Dash.
Pumunta muna si Anastasia sa sarili niyang kwarto at tiningnan ang laptop niya.
"Spade Felix Blood. Hmm,his name sounds familiar to me. But that's not important anymore,sooner or later..you'll be in jail,Mister Blood." sabay ngiting malapad ni Anastasia.
fast forward...
"Wake up,Anastasia. Nandito na tayo sa Pilipinas." tinapik-tapik ni Dash ang pisnge ni Anastasia. Nagising naman ang dalaga at inayos na ang mga gamit niya.
Nasa NAIA na silang pareho at hinihintay na lamang ang susundo sa kanila. Hinawakan ni Dash ang kamay ni Anastasia nang mapansin niyang hindi pa rin komportable ang dalaga sa lugar.
Ngumiti naman ng matamis ang dalaga kay Dash.
Isang highlander na kotse ang huminto sa harap ng dalawa.
"Kayo po ba sina Miss Chauncey at Mister Crossford?" tanong ng lalaking kakababa lang ng kotse. Tumango naman na sabay ang dalawa.
"Sakay na po kayo." at pinagbuksan niya ang dalawa at inilagay rin ang gamit nila sa loob ng kotse.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay agad na nagtanong si Anastasia.
"Ano bang sinabi ni Beatrice sayo nang huli kayong magkausap?" tanong ni Anastasia kay Dash.
"Well,she just gave me the address na tutuluyan natin at sinabi ang paaralang papasukan mo while I'm working on our company." sagot ni Dash.
"Bakit ba kasi kelangang ako pa ang pumasok sa paaralang iyon? Pwede namang yung kapatid niya na lang. Argh!" inis na sabi ni Anastasia.
"Babe, just relax,okay?" nakangiting sabi ni Dash sa kanya. Kaya ngumiti nalang si Anastasia at pinigilan ang sariling mainis pa.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay na tutuluyan nila. Binigay ng lalaking sumundo sa kanila ang susi ng kotseng sinakyan nila kanina upang magamit nilang pareho.
Agad na pumasok ang dalawa sa kanya kanya nilang kwarto pero laking inis ni Anastasia nang makita niya ang kwarto niya.
"Why is my room looks so girly?" inis na reklamo ni Anastasia.
Agad namang naglakad si Dash at tiningnan ang kwarto ni Anastasia. Napa-iling siya.
"Well, you know Beatrice. She loves teasing you." kibit balikat na sabi ni Dash at tumuloy na sa kwarto niya.
Pagkatapos nilang magdinner na pareho ay sinilip muna ni Dash si Anastasia kung natutulog na ba ito.
Nang makita niyang busy pa ito sa harap ng laptop ay nilapitan niya ito at isinara ang laptop ni Anastasia.
"You know. There's a lot of time for that, Anastasia. You need to rest now." utos ni Dash.
Sumunod naman ang dalaga sa utos ni Dash at humiga sa kama niya.
BINABASA MO ANG
Battle Of Love
RomanceAnastasia Cicely Chauncey is a Special Agent from the United States Department of Labor-Office of Inspector General. She is one of the most outstanding agent recently and is waiting for her promotion once she puts the Mafia Boss in jail. Until he me...