Chapter 6

115 6 0
                                    

Love 6: Commotion

Pagkatapos akong paayusan ni Blood sa Salon na 'yon ay binilhan niya rin ako ng iba't-ibang damit. I told him na hindi ko kelangan ang mga 'yon dahil marami naman akong mga damit. But he insist at halos bunutin niya na naman ang baril niya at itutok sa akin.

Umalis kami sa Botique na 'yon at nagtungo sa isang Chinese Restaurant, dito raw magdi-dinner ang family niya and he wanted me to meet them para mas mapapabilis ang progress ng relationship namin sa kanila.

Nakasunod sina Vaughn at Rhys sa amin nang papasok na kami sa Restaurant. Nauna si Blood na maglakad sa aming tatlo.

"Goodluck, Anastasia. I think you better run  than meet his family." pangisi-ngising sabi ni Vaughn sa gilid ko. Inirapan ko lang siya.

"Flash, stop it. Kapag narinig ka ni Spade bugbug aberna ka na naman." Pailing-iling na sabi ni Rhys sa kaniya. Pero patawa-tawa pa rin 'tong baliw na si Vaughn.

"I'll give you an advice, Ana. Spade's family hates a low standard woman for their son." Tumigil ako sa paglalakad at tumitig sa kanya. This guy really underestimates me, eh?

"Look, Vaughn. I don't fucking care." Saka ko siya inirapan at nagpatuloy sa paglalakad.

Narinig kong pinagalitan ni Rhys si Vaughn pero isang tawa lang ang ibinalik ni Vaughn. These guys are insane. So fucking insane.

Huminto si Blood sa isang round table.

"Dad." narinig kong sinabi ni Blood. Nakita ko ang mga nakaupo sa round table na 'yon. Dalawang babae at tatlong lalaki.

"Spade, son. You're here." Sabi ng isang lalaki na mukhang Dad ni Blood. I almost choke, ang batang tingnan ng Dad ni Blood at hindi mo mahahalatang may anak na siya.

"Kuya." Pagtawag ng isang dalaga,I think she's about 17 or 18. Maganda siya at mahahalata mong may lahing Blood talaga. Meron rin isang lalaki na mukhang kapatid rin ni Blood but he didn't look happy nang makita niya si Blood instead iniiwas niya ang tingin niya kay Blood.

Ang isang matanda, looks like it' s his grandfather.

"Mom." lumapit si Blood para batiin isa isa kanyang family. Maganda ang mom niya at hindi mo rin mahahalatang may mga anak na.

"Hi Tito, Tita." bati nina Vaughn and Rhys. Hey, I'm still here.

"Spade,sino siya?" At last napansin na rin nila ako.

"Oh, Love come here." Halos mapanganga ako sa pagtawag ni Blood sa akin. Love? Yuck.

"Mom, Dad, Nathalia, Grandpa, Caliber, this is my wife. Anastasia Crossford." Pagpapakilala ni Blood sa akin sa family niya. They look so stunned.

Sino ba namang hindi magugulat? Bigla bigla nalang magdadala ng babae ang anak nila in the middle of their dinner tapos ipapakilalang asawa.

"T-Talaga, Anak? H-How come? You didn't get a proper wedding?" gulat na gulat ng tanong ng Mom niya.

"Goodevening." Nahihiyang bati ko. Palihim namang tumatawa si Vaughm sa gilid. Papatayin ko talaga 'tong lalaking 'to.

"Maupo ka, hija. Spade kayo rin." Pagsabi ng Dad niya. Nagpasalamat naman ako saka kami umupo. This is so awkward.

"Is this really true?" pag-uulit na tanong ng Mom niya sa akin. Nahihiya akong tumango sa kanila.

"Do you really love this guy?" Nalipat ang tingin ko sa Grandpa niya. Seryoso siya at walang bakas na kasiyahan.

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon