Staying In Manila

328 17 4
                                    



I was preparing for my date with Elijah when Pierre texted me na napaaga yung flight nila ni Claudette papuntang Davao so I decided to call him.

"Napaaga ba talaga o naexcite ka lang?" Pang aasar ko sa kanya. Dad wants to meet Claudette kaya alam kong excited sya.

"Klare..." sabi nya ng may halong pag babanta.

"Okay, okay! How's the deal with Mr. Torrealba?" tanong ko. The reason why we're here in Manila. Nakisabay kami kay Hendrix para na din makapag bakasyon at nang nalaman ng mga pinsan namin ay mga nagsisama.

"Hendrix got it. We have to go Klare. Traffic papuntang airport."

"Oh. Okay! Ingat kayo! Love you!"

Pagbaba ng call ay binalik ako ang atensyon ko sa pagpili ng isusuot.

"Hm. What to wear?" Tanong ko sa sarili ko.

"You don't have to worry about what you're going to wear. You're beautiful kahit ano." Sabat ni Elijah then he hugged me from the back.

"Pakelamero eh ano. Labas ka nga." pabirong sabi ko at nagpatuloy sa paghanap ng susuotin.

"Got it!" Sigaw ko nang makuha ko ang mint green na dress na may white floral design at lumabas ng walk-in closet.

Nasa bahay kami na binili ni dad dati pa. Ilang beses na din kaming nag pabalik balik ng Manila dahil sa business kaya't madami dami na rin akong naiwang damit dito. Usually kasi ay si Hendrix ang ipinapadala ni dad dito kaya kami ni Pierre ay sumasama paminsan minsan.

"Is this fine?" Tanong ko kay Elijah na nakaupo sa sofa ng kwarto ko.

"I told you. Anything's fine."

"Okay then!"

"Bihis ka na." Sabi nya then he left my room.

After ko magbihis and konting ayos bumaba na agad ako.

"Hey. Tara na." Tawag ko kay Elijah na nasa sala ngayon.

Dumaan muna kami ng Coston Hub para bumili ng coffee and burger since di pa kami nakakapag breakfast. We were walking papuntang west parking lot ng biglang mag ring ang phone ko.

Hendrix calling...

Sht! Di ko pala nasabi sa kanya na kasama ko si Elijah.

"Hello, klare! Let's go shopping na! We're at Starbucks Coston Hub." si Erin naman pala.

"Sorry, I forgot. Nasa west parking lot kami ni Elijah eh. Punta na lang ako dyan."

"Okay. We'll wait."

Nang maibaba ko yung call, napatingin ako kay Elijah.

"Sino yun?" Tanong nya.

"Si Erin. I promised her na mag shopping kami bago umuwi ng CDO." Sagot ko naman.

"Oh. Okay." Tanging sinabi nya.

"Hey! Are you mad?" Natatawang tanong ko.

"No. Tara, hatid na kita sa kanila." Nakabusangot nyang sagot.

"Elijah!!!" sigaw ko sa kanya kasi nauuna sya sa aking mag lakad.

"What?" nakataas kilay nyang tanong at binalingan ako.

"I'm cancelling with Erin, okay? Wag ka nang masungit dyan!" hindi sya sumagot pero ngumiti sya na parang natatawa. Ang arte talaga nito. Nagpapalambing lang pala! Palibhasa di ko matiis eh.

EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon