Until You're Ready

254 8 3
                                    



"Ang ganda mo talaga Ena!" puri ko sa Bestfriend ko. Ang ganda kasi ng mga Shots niya mula sa Photoshoot niya sa isang sikat na Clothing line. Maganda din talaga siya kahit sa Personal.

"Thanks for the compliment Klare! Next time kasi pag niyaya ulit kita, sumama ka na! Sayang din 'yan ah!" aniya habang naghahanda ng meryenda namin. Kakagaling lang namin sa University na papasukan namin sa College.

"Nahihiya kasi ako eh. Baka magkamali ako." sabi ko habang ibinabalik na sa lalagyan ang Catalogue kung nasaan ang mga naka-imprentang larawan niya.

"Basta! Next time, sumama ka na." anito nang mailapag ang pagkain namin sa center table dito sa Sala nila.


First year high school ako ng magkakilala kami ni Ena. At hanggang ngayon na magka-College na kami ay magkasama pa rin kami.

Third year high school kami nang pumasok siya sa pagmomodelo. I've always been her number one fan since then. Bestfriend ko siya eh. Kaya ayaw ko ring tanggapin ang inaalok niyang pagpasok ko rin sa industriyang ginagalawan niya ngayon. Kuntento na ko sa pagiging supporter niya.

~×~

Nakapasa kami parehas sa entrance examination na ibinigay ng University na napili naming pasukan.

Ikalawang linggo na ng pagsisimula ng klase at absent sa araw na ito si Ena.

Lunch break at mag-isa lang akong tahimik na kumakain dito sa Cafeteria.

Hanggang sa mapadaan ang grupo ng mga estudyante at huminto sa harap ng lamesang inuukupa ko.

"Excuse me Miss, pwedeng maki-share ng table?" nilingon ko ang babaeng nagsalita sa gilid ko. Kasama niya yung maiingay na estudyante na kasalukuyang naghihintay din sa pagsagot ko.

"Sure." sagot ko at nginitian siya. Pinasadahan ko sila ng tingin bago ko pinagpatuloy ang pagkain ko. Pito lahat sila. Tatlong babae kabilang ang morenang nagtanong sa akin at apat na lalaki.

Nagsipag-upuan na sila sa kani-kanilang mga pwesto. Umayos ako ng upo para magkasya kaming lahat. Though malaki naman 'tong table.

Sa akin tumabi 'yong morenang babae. Bumalik na ko sa pagkain ko at pinakinggan na lamang ang pinag-uusapan nila.

"Huuuy! Bumili na kayo ng pagkain natin. Ginugutom na kami." utas ng babaeng morena.

"Oo nga." ani babaeng mestizang katabi ng babaeng morena.

"Bakit hindi 'yong Kuya mo ang utusan niyo? Sa akin ka kaagad nakatingin." anang lalaking naka blue collar shirt at skinny cut na pants. Matangkad siya pitong pulgada ata yung tangkad niya sa'kin. Mapungay ang mga mata niya. Ahhh! Basta! Gwapo siya! 'Yon na 'yon!

"Sus! Kuripot ka lang eh! Paano pa kaya pag nagka-Girlfriend ka na? Magiging ganyan ka kakuripot hah! Ej!" So, 'Ej' pala ang pangalan ni Koyang biniyayaan ng pagkagwapong mukha.

"Tss. Iba ka, iba yung magiging Girlfriend ko." ani Ej.

"Alam niyo, tama na 'yan. Kung hindi niyo alam, gutom na ko! Gutom na ko  mga bra! Bawal akong mangayayat baka mabawasan 'tong mga pandesal ko." anang lalaking katabi nung Ej.

"Tigilan mo kami Azrael! Wala kang gano'n! Sinasaktan mo lang ang sarili mo." pang-uuyam ng babaeng morena.

"Whatever! Haters gonna hate Couz! Tara na nga! 'Wag niyong bibilhan 'yan ah! Para maging patpat na 'yang tabachoy na 'yan." ani Azrael at tumayo na para bumili ng makakain nila. Sumunod naman yung ibang lalaking kasama nila. Kasama do'n si Ej.

Habang kumakain ako ay bigla akong kinausap nung babaeng mestiza rin sa harap ko.

"Hi! Pasensya na sa mga pinsan ko ah! Ganyan talaga 'yang mga 'yan eh. Anyway, I'm Claudette." at naglahad siya ng kamay. "Claudette Montefalco. You are?" tanong niya at nginitian ako.

"Klare." Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian rin siya. "Klare Ty."

~×~


Klase namin ngayon sa Course namin. Wala pa kaming Prof kaya heto ako nagsa-soundtrip. Wala na naman kasi si Ena eh. Baka na-late lang.  Mabuti nandiyan sila Claudette para makasama ko sa Lunch at Break time.


Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito


Habang mataimtim akong nakikinig sa isa sa mga paborito kong kanta may biglang tumabi sa'kin. Nilingon ko ito. At doon ko nakita ang isa sa mga pinakagwapong lalaking nakilala ko. Si Elijah Montefalco. WAIT! Whaaat? Blockmate ko siya dito? Parehas kami ng Course? Oh my golliness!


"Hi Klare!" Bati niya sa'kin at nginitian ako. Kyaaah!


"Hi!" Tipid kong bati sa kanya. "Business Management ka rin pala?" tanong ko.


"Oo. though, parehas kami ng Course ng taong gusto ko, gusto ko rin naman 'to." mukhang may gumuho sa isang parte ng sistema ko dahil do'n ah? Alam ko kasing hindi ako 'yong taong 'yon na gusto niya eh. Damn!


"Ah. Hahaha. Hindi kasi kita nakita nung First class natin kaya nagulat ako na ka-Block kita." Pagwawala ko sa gulat ko. Thank God at dumating na ang Prof namin at ang babaeng umagaw sa atensyon ni Elijah... si Selena. Ang babaeng gusto niya. Ang Bestfriend ko. Bvllsht!


~×~


Hating-gabi na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naisipang kong buksan ang Facebook ko. Ang tagal kona ring 'di nag-oonline eh.


May 50 notifications, 10 friend request at 3 messages. Yung messages muna ang binuksan ko. Yung una ay galing sa Kuya ko. Galing naman sa pinsan ko yung pangalawa. At yung latest... galing kay Elijah. Clinick ko 'yon. Na hindi ko na lang pala dapat ginawa.


Elijah Riley Montefalco: Klare! I-confirm mo na ko.


10 messages 'yan na paulit-ulit. Kaya hinanap ko na sa mga nag-send ng Friend request ang pangalan niya. Then I saw the friend  request also of Claudette, Erin, Chanel and Azrael. Cinonfirm ko sila maliban do'n sa ibang hindi ko naman kilala.


Nang ma-confirm ko sila. Biglang may nagpopped-out na message galing kay Elijah.


Elijah Riley Montefalco: Hi Klare!


Nireplyan ko na siya.


Klare Desteen Ty: Hello Elijah! Ayan na ah! Na-confirm na kita.


Agad naman siyang nagreply.


Elijah Riley Montefalco: Thanks! :)

Ilang araw ang lumipas at palagi kaming magka-chat. Alam ko ang rason kung bakit niya ko kinakausap ngayon. Para humingi ng tulong sa panliligaw niya sa Bestfriend ko. Babae ako, hindi ako tanga para hindi malaman 'yon.

Pero kahit alam kong masasaktan ako sa desisyon na tulungan siya. Ok lang. Atleast, ako lang naman ang may alam na ang martyr ko. Lul.

~×~

Nagsimula na si Elijah sa panliligaw niya. Kaya ayun. Palagi na silang magkasama ni Selena. Ako naman, naiiwan kasama sila Erin. Hays...

"Ginusto mo 'yan Klare! Maging masaya ka na lang para sa kanila." Bulong ng utak ko sa'kin.

Dumating ang araw ng mga Puso. Nagplano si Elijah na surpresahin siya pagdating niya sa classroom. Tinulungan namin siya ng mga pinsan niya sa pakulo niyang 'to. Mahigit walong buwan na rin magmula ng ligawan niya si Selena. Mahigit walong buwan na rin akong nahihirapan dahil sa mga nangyayari.


"Guys! Ano? Okay na ba lahat?" tanong ni Elijah ng mamataan ang pagpapahinga namin.


"Tapos na bra! Kaya kumalma ka na dyan." ani Azi.


"Andyan na si Selena!" hinihingal na sigaw ni Josiah. Sa'n galing 'to?

"Oh guys! Ready na. Klare abangan mo na siya do'n bago pa siya makarating dito sa room." ani Elijah. Lumabas na ko dala ang panyo ko na ipangpipiring namin kay Selena.

"Bes! Tara muna sa CR! Samahan mo ko bilis! Naiihi na ko." pagdadahilan ko. Nang makarating na kami sa CR ay agad ko siyang piniringan.

"Huuuy Klare! Ano 'to?" Tanong niya habang inaayos ko ang
piring niya. She's shaking.


"Kalma ka lang Ena. Dadalhin kita sa langit. Hahaha."


"Ewan ko sa'yo Klare! Tigilan mo ko! Hahaha." At nagtawanan kami.


Nang makarating kami sa room ay agad pumainlalang ang strum ng gitara na sinabayan na rin ni Elijah.


Lying here with you
Listening to the rain
Smiling just to see the smile upon your face
These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I found all I've waited for
And I could not ask for more


Iniupo ko na si Selena sa upuang dapat niya upuan. At naglakad na palabas ng kwarto. Hindi ko kayang panuorin na lang kung gaano kasaya si Elijah kapag sinagot na siya ni Selena.


"Klare!" Tawag ni Claudette mula sa likuran ko.

Nilingon ko siya. Naglalakad na siya palapit sa'kin.


"Sa'n ka?" tanong niya.


"Sa Next class ko. Malelate na ko eh." Pagdadahilan ko. Gusto ko ng umuwi at magkulong na lang sa kwarto ko.


"I know you Klare. Matagal ko ng napapansin 'to pero ayoko namang pangunahan ka." aniya.


"What do you mean?" tanong ko.


"May gusto ka kay Elijah." sagot niya ng may kasiguraduhan.


"It's just your imagination Dette." Nginisian ko siya para hindi niya mahalata ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.


Nagulat ako ng hilahin niya ko palayo sa Room namin. Dinala niya ko sa Rooftop dito sa ng School namin.


"Stop fooling around Klare! Masyado lang bulag si Elijah para makita 'yon. Pero ako, kitang-kita ko. Yung saya mo kapag magkakasama tayo. Yung lungkot mo kapag nakikita mo silang magkasama ni Selena." aniya.


"Okay! Oo na! Gusto ko siya! Gustong-gusto ko siya! To the point na nagpagamit ako sa kanya para mapalapit siya sa babaeng gusto niya." umiiyak kong pag-amin.


Nagulat ako nang yakapin niya ko. Mas lalo tuloy akong naiyak.


"Sorry Klare. Tahan na." aniya habang hinahagod niya ang likod ko.


"Okay lang. Siguro hindi na muna ko sasama sa inyo." humihikbi kong sabi.


~×~


Last week na ng pasukan. Wala na kong balita sa mga Montefalco pati kay Selena magmula nung Valentine's Day. Tinotoo ko ang sinabi ko kay Claudette nung huling beses kaming nagkausap. Hindi ako nagbubukas ng facebook o gumagamit man lang ng Cellphone ko. Para hindi talaga nila ko macontact.


Iniiwasan ko silang lahat. Halata naman 'di ba? Ayokong magmukhang bitter pero parang gano'n na yung nangyayari ngayon.


I know he's not mine, but seeing him with someone he truly love makes my heart crushed into pieces. Kung sinagot na siya ni Selena nung araw din na 'yon, hindi ko kayang makita sila. Thank God at hindi ko na sila ka-Block.


Break time. Dapat kasama ko ang mga Montefalco dahil magmula nung araw na nagkakila-kilala kami ay naging magkakaibigan na kami. Pero heto ako, nasa Rooftop at nagmumuni. I love being alone sometimes. It makes me feel relax.


Habang tinatanaw ko ang kabuuan ng X.U. ay may biglang nagtakip ng mga mata ko mula sa likuran.


"Sht! Sino ka? Tanggalin mo nga 'yang kamay mo!" at pilit kong hinawi ang mga kamay niyang nakatakip pa rin sa mga mata ko. Pero wala. Hindi ko pa rin natanggal dahil sa higpit ng pagkakatakip niya. Lalaki 'tong nasa likod ko eh.


Naamoy ko ang pabangong matagal ko ng hindi naaamoy magmula ng iwasan ko sila.


"Elijah?" nagtatanong kong sabi. Sigurado akong siya 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Pagkasabi ko no'n ay dahan-dahang lumuwag ang pagkakatakip sa mga mata ko. Tama nga ako ng hula kung gano'n.


Hindi ko siya nilingon agad. Kaya tumabi siya sa gilid ko.


"Bakit ka lumayo?" 'yon agad ang tanong niya sa'kin.


"Gusto ko lang. Bakit? Anong masama do'n?" ani ko sa malamig na boses.


"Masama kasi nadamay ang mga pinsan ko dahil sa PAG-IWAS MO SA AKIN!" sabi niya ng may diin sa huling pahayag.


"Sigurado ka bang ikaw ang dahilan ng pag-iwas ko?" tanong ko ng hindi pa rin siya tinitingnan. Pero kita ko sa gilid ng mga mata ko patuloy na pagtitig niya sa'kin.


"Sinabi na sa'kin ni Claudette. Hinanap din kita nung nawala ka dun." aniya sa malungkot na boses.


"Bakit ka ba nandito? Pwede bang bumalik ka na lang do'n sa mga pinsan mo at kay Selena!" tumaas na ang boses ko.


"Nandito ako kasi may narealize ako..." aniya. "Narealize ko na..."


"Kung ano man 'yang narealize mo, wala na kong pakealam! Kaya mabuti pa, umalis ka na! Kung ano man 'yong nalaman mo, kalimutan mo na! Maging masaya ka na lang sa kasama siya."


"Sige nga! Sabihin mo! Paano ako magiging masaya kung hindi ko naman kasama yung taong Mahal ko? Paano ako magiging masaya kung hindi ikaw yung kasama ko?" aniya sa napapaos na boses.


"Right after you walked out of that door, something hits me big time Klare. Kaya imbis na hingin ang sagot ni Selena ay hinanap kita. Hininto ko 'yong kagaguhang 'yon. Iniwan ko sila para hanapin ka. Pinuntahan kita sa bahay niyo nung araw ding 'yon. Pero ang sabi wala ka raw do'n." naalala ko 'yon. Sinabi ko na lang sa mga kapatid ko na sa oras na may pumunta sa bahay, sabihin na wala ako.


"Kailangan ko pa palang makaharap si Selena nung araw na 'yon para marealize kung anong mawawala sa'kin kung makukuha ko na 'yong sagot niya. Ikaw yung mawawala sa'kin! Alam mo ba 'yon?" pagpapatuloy niya.


"I can fool everyone around me but I can't fool myself if I deny what I'm feeling towards you. Nakikita na kita noon pa. High school palang tayo kasi nga Bestfriend mo yung babaeng gusto ko. Yung pakikipag-share namin sa'yo sa table noon? Sinadya ko 'yon. Para mapalapit ako kay Selena kasi nga ikaw 'yong Bestfriend niya. Kaya ginamit kita. And I'm sorry for doing that. You don't deserved it. Akala ko talaga no'n sa kanya ako mapapalapit pero nagkamali na naman ako! Tang*ina!" at hinampas niya ang railings ng rooftop.


"Sa'yo ko napalapit eh. Sa'yo ko tuluyang nahulog. At alam ko sa sarili ko na hindi na ko makakaahon pa sa pagkakahulog kong 'yon." aniya at hinarap ako ng maayos sa kanya para magtama ang mga mata namin.


Hinawakan niya ang kamay ko.


"So, I will ask you this... Can you spend your lifetime with me? Can we spend our forever together? Answer me baby." I'm sorry Elijah. Not that easy. Learn how to wait.


Pumagitna sa amin ang ilang segundong katahimikan bago siya nagsalitang muli.


"Hey! Answer me Baby!" nagulat ako kasi hinagkan niya ang magkabilang pisngi ko.


"Stop calling me Baby! Hindi pa tayo!" and my eyes narrowed.


"I know. I can wait until you're ready Baby." nakangiti niyang sabi.


"Nakaya ko ngang maghintay ng walong buwan bago ko marealize na mahal pala kita eh. Ngayon pa kaya na alam kong parehas lang naman tayo ng nararamdaman." dagdag niya pa.


"Loko ka talaga!" 'yan na lang ang nasabi ko.



~×~



Hi Readers! Alam kong sabaw 'to, pero Thank you kasi binasa niyo pa rin. Vote and Comments please? :)






EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon