Why, destiny?

305 5 0
                                    



Isa iyan sa tanong na mistulang isang kantang tumatambay sa aking utak.

Bakit nga ba sadyang mapaglaro ang tadhana? Bakit tayo nito dinadala patungo sa isang bagay na maaaring ikawasak lamang natin sa huli? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumagay ang maroon kong long gown sa morena kong kutis. Ang aking buhok ay hinayaan kong nakaladlad at kitang kita ang alon nito. Naglagay din ako ng kaonting palamuti sa mukha, sapat lamang na mabigyang diin ang features ng aking mukha.

Sa kabila nito ay nakikita ko ang aking mga mata, mga matang malalalim at puno ng emosyon. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. I swear, this is the last time.

Bumaba na ako at nakita ko siya. He looks so damn handsome. Sa suot niyang tux ay makikita parin ang hubog ng kaniyang katawan. Nasilaw ako sa ngiti niya at halos matunaw ako sa mga titig niya. He might not be perfect for the world, but for me, he is.

I can't believe that after all this time, siya pala ang aking mamahalin ng ganito... Ng lubos, lubos pa sa aking sarili. At alam kong ganon din ang kanyang pagmamahal sa akin.

"You look so beautiful." Bulong niya sa akin. Hinawakan niya ang aking bewang.

"Thank you. You look so dashing."

Iminuestra niya sa akin ang kanyang kotse. Isang fortuner. Binuksan niya ang pinto patungo sa front seat.

"Thank you, hindi ka pa nasanay." He said while chuckling. Umirap ako at hinampas ang kanyang braso.

Nagmadali siyang pumunta sa driver's seat at nagsimula na magmaneho. Nagulat ako dahil kasabay ng pagbukas niya ng stereo ay ang isang kantang nagpapaalala sa akin ng napakaraming pangyayari. Pangyayaring nais kong balikan at kalimutan...

And baby you're all that I want

When you're lyin' here in my arms

I'm findin' it hard to believe

We're in heaven...

Hagikgikan at kwentuhan ang nangingibabaw dito sa Lifestyle District. Mayroon ding mga sumasabay sa kanta katulad na lamang ng ilan sa aking mga kaibigan.

Wala akong gana. Kung hindi lang naman birthday ng aking pinsan ay hindi na dapat ako pupunta pa rito. Wala talaga akong hilig sa mga ganitong gimikan. Mas gugustuhin ko iyong nasa bahay lang ako at nagbabasa ng libro o kaya nanonood ng telebisyon.

"Hay! Ang tagal ng upbeat music, ha? Kanina pa 'tong madramang kantahan. Nakakaumay!" Sambit ng katabi kong si Jille.

And love is all that I need

And I found it there in your heart

It isn't too hard to see

We're in heaven...

Tinawanan lamang siya ng aming mga kasama.

"Hayaan mo na, Jille. Yung iba nga dyan ay feel na feel lamang ang kanta. Nag-eemote pa..."

Tinignan ko ng masama ang pinsan ko ng makita kong ako ang tinutukoy niya.

"Ewan ko sa'yo. Pasalamat ka't birthday mo, Cherry..."

Bumelat lamang siya at nagpatuloy sa panonood sa bandang tumutugtog sa harap. Ganon din ang aming mga kaibigang sina Jille, Louise, Xyla at Yassi.

Naalis lamang ang aming atensyon nang mayroong pumasok na isang grupo. Sa tingin ko ay kaedaran lamang namin sila. Maingay sila at nagtatawanan.

EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon