(16) Neru

161 3 4
                                    


SUMILIP si Gavin mula sa may butas ng pader. Mula duon ay nakita niya ang mga mukha ng tao na tila nakabaon mula sa kokretong pader duon. Bahagyang madilim sa loob ng kwarto kung saan siya sumisilip ngunit salamat sa liwanag ng buwan na sumisilay sa kakarampot na bintanang naroon ay nakikita niya ang iilang senaryo sa loob. "Paanong nakita mo ang mga taong nawawala?" Tanong aagad ni Zora. Hinwakan niya si Gavin sa balikat at siya naman ang sumilip. Ganun din ang kanyang nakita. 

"Patingin din ako." Anas naman ni Leonna pagkatapos ay siya naman ang sumilip sa butas. Pag silip ay pinipilit niyang hanapin ang mukha ng kanyang ama pero hindi niya ito mahanap. Halata sa panginginig ng kanyang katawan ang pagnanais na muling makapiling ang kanyang nawawalang ama. Hinawakan siya ni Gavin sa likod. "Leonna..."

"Ginoong Gavin, teka lang may hinahanap pa ako."

HInila siya ni Gavin at inilayo sa may butas. "Tama nayan."

"Hindi! Hindi pa ako tapos tumingin." Tuloy parin ito sa panginginig.

"Mag hunos dili ka Leonna. Makikita morin ang iyong ama."

"Pero paano! Gusto ko na siyang mahanap ngayon!" Nabalutan ng sigaw niya ang buong paligid. Umalingawngaw ang tinig nito kung saan sila naroon.

"Huwag kang mag alala. Maaring may paraan upang makarating tayo sa kabilang panig ng pader. "Wika naman ni Fallon. Sinuyod nila ang lugar. Sa kanilang paghahanap ay nakakita sila ng isang siwang sa itaas ng kabilang pader.  Nagpalabas si Zora ng isang buto at inihagis niya iyon sa harapan ng butas. Pagkatapos sa pamamagitan ng isang mahiwagang wika ay biglang may umusbong na halaman sa gitna ng buto at bigla na lamang iyong lumaki na parang baging. Nagkatinginan silang apat. "Oh ano, bilib nanaman kayo sakin no?" Pag yayabang nito.

Si Leonna ang nagunang umakyat mula sa may baging. Pinauna nila Gavin ito dahil narin sa ipakita nitong pagkasabik na makapunta sa kabilang panig ng pader. Tinignan nila itong umakyat sa may baging. "Leonna huwag kang magmadali, mag ingat ka." Paalala ni Gavin dito. Hindi lamang siya sinagot ng dalaga o kaya naman eh nilingon. 

Sunod naman na umakyat si Zora pagkatapos sunod si Gavin at pang huli si Fallon. Pero pag baba nila sa kabilang panig ay napag tanto nila na tila nawawala si Leonna. Gumawa si Gavin ng apoy upang makita nila ang lugar ng mas maayos. 

"Leonna?" Sinigaw na nila ang pangalan nito pero walang sumasagot. Paglapit nila sa konkretong pader ay duon din mas lalong nakita nila Gavin ng malapitan ang mga nakabaon na mukha. Nakakatakot ang anyo ng mga ito na parang humihingi ng tulong. Sumisigaw sa angking sakit na nararamdaman at nag mamakaawa na patawarin sa masama nilang nagawa. 

"Gavin, Fallon!" Bigla naman silang tinawag ni Zora sa di kalayuan. Pagtugtong nila duon ay isang bukal ang nasilayan nila na hindi nila matanstiya kung gano ito kalalim. Hinawakan ni Gavin ang tubig, malamig ito. Maya maya pa ay biglang nagsalita si Lexus at sa kanyang kamay at bigla itong lumabas sa pamamagitan ng isang nagliliyab na apoy. "Gavin, nararadaman ko ang itim na Mantra."

"Anong sinasabi mo, na nandito ang itim na Mantra sa lawang ito?"

"Maari?" Sagot naman ni Fallon. Madilim ang ilalim ng Lawa kaya naman ay hindi ni Gavin malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Lexus pero hindi pa ito nagkakamali  sa mga sipantaha nito. Maari ngang nasa ilalim ng bukal na iyon ang hinahanap nila na itim na Mantra. Kaya naman ay tumayo si Gavin mula sa pagkakaluhod. "O sige titignan ko yung ilalim."

"Pero si Leonna?" Tanong ni Zora. 

"Ikaw muna ang maghanap sa kanya Zora."

"O sige."

"Sasama ako sayo Gavin." Pag boboluntaryo naman ni Fallon." Baka kailanganin mo ang tulong ko."

"O sige Kamahalan." Pero ng handa na silang lumangoy mula sa ilalim ng bukal ay bigla namang nagkaroon ng bula ang ibabaw nito. Nagulat silang tatlo. "Ito naba ang itim na Mantra?" Sabi ni Gavin. Na pumwesto na sa kanyang pakikipaglaban. Nung una ay konti pa lamang ang paglabas ng mga bula ngunit bigla itong dumami ng dumami hanggang sa mapuno ng bula ang buong ibabaw ng butas. 

MantraWhere stories live. Discover now