(04) Simula Ng Pag la-lakbay

253 8 0
                                    

ISANG malaking plato na puno ng enseladang aromaya, Isang tore na nilalabasan ng isang kilong pulang chokolate, isang dosenang buong pritong pabo at marami pang iba. Ilan lamang yan sa mga mga pagkain na nakahanda sa silid kainan ng nagtungo si Gavin duon. Gutom na gutom na siya ng mga sandaling iyon pero kahit na ganun ay tila hindi niya magawang tikman man lang mga putahe. Hindi niya kasi maintindihan ang mga pangyayari. Habang nasa gitna siya ng kunseho upang hustisyahan ay bigla na lamang dumating ang estrangherong nakasama niya sa pakikipaglaban na siyang nagpakilala bilang isang prinsipe.  

Biglang bumukas ang pintuan ng silid kung saan siya naroon at pumasok duon si Prinsipe Fallon. Magara ang suot nitong damit na pinuno ng mga dyamante na ibat-iba ang kulay. Hindi maalis ang tingin niya doon hanggang sa pag upo nito. "Oh bakit?" Bahagya itong napangiti. "Ngayon kalang ba nakakita ng gantong kagarang kasuotan?"

"W-wala lang ho mahal na Prinsipe."

Halata parin sa mukha ni Gavin ang labis na kalungkutan. Hindi ba niya maintindihan pero kapag naalala niya ang kanyang kaibigan na si Aramis ay parang tinatarak ng isang malaking patalim ang kanyang puso.

Maya-maya pa ay dalawang dama naman ang pumasok sa may silid na may dala namang dalawang alak na nakalagay sa isang gintong taga hatid ng pagkain. Una itong nagpunta sa pwesto ng prinsipe at binuhusan ang kupita nito ng nasabing alak. "Oh anong klaseng mukha iyan. Bakit ka malungkot kaibigan?"

Napatingin si Gavin sa prinsipe pero hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. "Ah eh. Wala naman po kamahalan." Siya naman ang sunod na nilagyan ng mamahaling inumin ng dawalang dama sa pagkakataong ito, pagkatapos ay agad rin itong umalis. 

"Talaga bang wala lang? O dahil sa pagkawala ng iyong kaibigan na si Aramis?"

HIndi nga nagkamali ang prinsipe mula sa tinuran nito. Sabagay maliban sa kanya ay ito lamang ang may alam ng tunay niyang dahilan ng kanyang kalungkutan. 

"Ano Gavin mukhang natahimik ka. Tama ba ako?"

"Ah eh tama ho kayo mahal na prinsipe."

"Ganun ba?" Hinawakan ng prinsipe ang kanyang kupita. HInawakan nito ang mga brilyanteng nakalagay sa paanan nito. "Patawad sa pagkawala ng iyong kaibigan." 

Tahimik lamang si Gavin. Pinagpatuloy lamang nito ang kanyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagtingin nito sa pagkain.

"Alam mo Gavin!" Biglang nagsalita ang prinsepe. "Simula nung nalaman ko na ninakaw ang mga walong mahahalagang kristal ay nagalit talaga ako sa nagnakaw nito. Sabi ko sa aking sarili na kung sino man ang nagnakaw nito at aking makita ay wala pang bente kwatrong oras na mamatay. Kaya naman ako na ang trumabaho. Lumibot ako sa buong Cerece upang mag masid. "Bahagya itong huminto." At alam mo ba Gavin? Hindi ako nabigo dahil nahuli ko kayo ni Aramis na nag u-usap. Nung una kitang nakita kasama ang iyong kaibigan sa isang abandonadong lugar eh may hinala na ako. Sabi ko sa sarili ko na maghihintay ako ng tiyempo at mahuhuli korin kayo at mapapatunayan na kayo nga ang kumuha ng mga itim na kristal!. Kaya naman kinagabihan ay hinanap ko ang bahay mo! Kinompronta kita. Nang tumingin ako sa mga mata mo eh nakita ko ang takot. Ngayon nung nakita ko yun ay napaisip tuloy ako kung ikaw nga ba ang nagnakaw ng walong itim na mantra? Paano mo ito nanakaw sa ganung sitwasyon? Mukha ka kasing mahina, inosente at walang kamalay-malay."

"Eh mahal na Prinsepe. Bakit n'yo po ako niligtas kanina kung ang tingin ninyo pala sa akin ay isang indibidwal na mahina at puro takot?"

"Simple lang! Dahil nagkamali pala ako." Nagulat si Gavin sa mga sunod na winika nito. "Nung nakita na kitang nag-alala para sa iyong kaibigan at lumaban sa itim na mantra ay nag iba ang tingin ko sayo. Na hindi ka pala masama at may puso ka ng isang tunay na kaibigan." Nakatingin lamang si Gavin sa alak na nasa kanyang baso habang nakikinig. "Saka hindi kita niligtas sa paghahatol kanina dahil iyon ang nararapat."

MantraWhere stories live. Discover now