(12) Koma

144 8 0
                                    


TOTOO nga ang kwentong bayan tungkol sa Ginintuang Prinsesa. Si Gavin na mismo ang nagpatunay nito ngayon habang naaktuhan nila ito sa ilalim ng minahan habang nakataas ang kamay at may dalang matulis na punyal. Pero bakit ganun, kung isa ngang multo si Rosalia ay bakit ito nakakahawak ng matigas na bagay. "Itigil mo yan!" Sumigaw si Gavin sa halos mataas niyang abot na tinig. Siguro naman ay sa lakas niyon ay mapipigilan niya ang balak nito, at mukhang epektibo nga iyon.

"Itigil mo na ang kabaliwang ito Rosalia!"

Ibinaba ni Rosalia ang kanyang kamay mula sa may ere. Tila ang bawat galaw nito ay karkulado at di bilang. "Ano ang karapatan ninyo para makialam sa aking ritwal." Sagot nito. Kumunot naman ang noo ni Gavin, tila kasi kilala niya ang boses na iyon sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan.

"Isang ritwal?" Sumagot si Fallon. "Itong bang ritwal ang dahilan kung bakit ka nangunguha ng mga bata para patayin sila?" Hindi na sumagot pang muli si Rosalia bagkus ay itinaas na ulit nito ang kanyang kamay upang ipagpatuloy ang pagpatay nito kay Tiko.

"Gavin ngayon na!" Sigaw ni Fallon. Kumilos si Gavin. Gamit ang kanyang bilis ay agad niyang tinungo ang lugar kung nasaan si Rosalia upang pigilan ito sa kanyang balak. Mabilis naman niyang nagawa iyon. Pag punta niya sa pwesto nito ay agad niyang hinablot ang likuran ng prinsesa at inilayo ito sa may bata. Habang ang isang kamay naman niya ay kinuha ang punyal nito. Pinahiga niya ang prinsesa sa may lupa. Hindi naman pala iyon ganun kalakas. "Ano Rosalia, ipagpapatuloy mo paba ito?"

"Inay!" Sa di kalayuan ay sumigaw naman si Tiko pagkatapos itong pakawalan sa pagkakatali ni Fallon. Ang hindi maintindihan ni Gavin ay kung sino ang tinatawag nitong Ina? Hindi kaya?"

Nanlaki ang mata ni Gavin na mapagtanto ang mga bagay bagay. Kung ngayon ay maaring ang inaakala nilang si Rosalia ay, ilang sandali pa ay pinaharap ni Gavin ang mukha ng prinsesa sa kanyang harapan. Hinawakan niya ang suot nitong abito at tinanggal ang nakatabing sa mukha nito. At tama nga ang sipantaha niya na ang inaakala nilang si Rosalia at si Aling Criselda ay iisa. Nakasuot lang pala ito ng isang ginintuang buhok!

"Aling Criselda? Bakit?"

"Ako nga..." Hindi na nagawa pa ng matanda na itago ang katotohanan.

"Ano ang ibig sabihin nito Aling Criselda? Bakit mo kinuhkuha ang mga bata? Bakit ka nagpapanggap na si Rosalia?" Lumapit na si Fallon sa kinatatayuan ng matanda. Bigla namang itong tumayo. "Hindi ninyo ako maiintindihan."

"Paanong hindi namin kayo maiintindihan eh ang papatayin ninyo ay ang sarili ninyong anak!" Duon na bumuhos ang dibugho sa puso ni Gavin. Paano na lamang maatim ng isang Ina na patayin ang kanyang sariling anak dahil sa isang misteryong kadahilanan.

Tuluyan ng tinaggal ng matanda ang suot niyang ginintuang piluka. Pagkatapos nun ay ibinato niya ito sa malayo. "Kahit kailan ay hindi ninyo ako maiintindihan sa hiling ko."

"Isang kahilingan?"

"Tinangal narin ni Aling Criselda ang suot niyang puting abito. Isang malaking pag paanggap lamang ang lahat. "Isang linggo na ang nakararaan ng biglang may bumagsak na bulalakaw sa likod ng aming bahay pahingahan. Nuong una ay inakala kong isang ordinaryong bulalakaw lamang iyon pero nagkamali ako."

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni Gavin habang nagkekwento ang matanda. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Fallon.

"Ang itim na mantra ba ang gusto ninyong tukuyin Aling Criselda."

"Tama, siya nga."

Biglang nanahimik ang buong lugar dahil sa isiniwalat ng matanda. Tama nga ang naramdaman nila Gavin na malakas na enerhiya kanina. Ngayon alam na nila na galing ang malakas na enerhiyang iyon sa itim na mantra.

MantraWhere stories live. Discover now