(02) Ang Misteryosong Lalaki

364 12 0
                                    

MABILIS ang mga pangyayari. Agad na lumapat ang paa ni Gavin sa may lupa pagkatapos nilang tumalon ni Aramis mula sa ika-limampung palapag ng palasyo. Buti na lamang ay binuhusan siya ni Aramis ng Rana o gintong pulbos upang hindi masakit o maging dahan-dahan lamang ang kanilang pagkilos kapag malapit na sila sa ibaba.

"Aramis!" Bigla niyang hinanap ang kanyang kaibigan sa paligid pagbagsak niya. Nakakapagtaka dahil katabi niya lang ito kanina habang dinadala siya ng hangin paibaba. "Aramis!!!" Sigaw niya ulit pero kahit na saan siya tumingin sa paligid ay hindi niya ito makita. Maya-maya pa ay biglang nandilim ang buong paligid. Nawalan ng hugis ang mga halaman, lupa, pati ang buong kalangitan na tila kinain ito ng kadiliman. "Anong nangyayari?"

Tuluyan ng nandilim ang buong paligid. Kahit na anong aninag ng kanyang mga mata sa apat na sulok ng lugar na iyon ay dismayado siyang makakita ng kahit na kakaunting liwanag. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Aramis!"

Maya-maya pa ay isang liyab ang bigla na lamang sumilay sa kanyang harapan. Nung una ay kaunti lamang ito pero habang tumatagal ay mas lalo iyong lumalaki.

"Sino ka?" Nagulat si Gavin dahil bigla itong nagsalita.

"Huh ano? Anong sino ako? Baka ako ang dapat na magtanong kung sino ka?" Tanong ni Gavin.

Lumaki ang liyab ng apoy na tila nagalit ito sa tanong niya. "Biro lang. Ito naman hindi na mabiro. Gavin. Gavin ang pangalan ko."

"Gavin. Kakaibang pangalan para sa taong katulad mo."

Nagtaas siya ng kilay. Minamaliit ba siya ng apoy na ito. "T-te-teka. Sino kaba ha at ikaw ba ang dahilan kung bakit nandilim ang buong paligid?"

"Ako nga..." Matagal itong napahinto sa kanyang pananalita. "At tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman ang nagmamay-ari ng polselas na nasa kamay mo."

"Pulselas?" Tinignan ni Gavin ang pulselas na nasa kanyang kamay. "Sayo ito? Itong pulselas nato?" Itinaas iyon ni Gavin sa may ere. Pagkataas niya niyon ay biglang nagkaroon ng hugis ang naturang liyab. Unti-unti ay nagkaroon iyon ng mga paa, isang mausling nguso at tenga na parang sa... "Leyon?" Usal niya habang pinapanood niya ang pagbabagong anyo ng naturang apoy hanggang sa walang anu-anoy may bigla na lamang may sumapok sa kanyang ulo.

"Hoy Gavin! Gumising kana diyan! Tangahli na!" Bigla siyang napabangon sa paggising sa kanya ni Argus.  

"Amo?" 

"Oo ako nga at wala ng iba!" Kitang-kita sa  mukha nito ang labis na inis. Ibig sabihin ba nuon ay panaginip lang ang lahat? Ang pagpapakita sa kanya ng leyong nag aapoy pati ba ang pagnakaw nila ni Aramis sa palasyo ng hari ay panaginip rin?

Ilang sandali pa ay naalala ni Gavin ang tungkol sa paggawa niya ng tinapay. Nakalimutan niyang bumangon ng maaga upang masahin ang mga harina at ibenta. Nako! Siguradong patay siya ngayon sa kanyang Amo na si Argus. "Nako Amo patawad po!"

"Para saan?"

"Diba ho eh pinagagawa ninyo ako ng tinapay ngayon? Patawad dahil nakalimutan ko."

"Anong nakalimutan eh gumawa kana ng tinapay kaninang umaga."

"Ho!? Ako gumawa na ng tinapay?" Gulat ni Gavin. Hindi niya kasi matandaan na nagmasa siya. Sumagi rin sa kanyang isip na baka si Aramis ang gumawa niyon at gumamit ito ng mahika. 

"Saka kalimutan mo nayon, bale wala narin kasi yon dahil hindi na matutuloy ang pagkokorona sa bagong hari." Kwento ni Argus na halata ang pagka dismaya.

"Bakit Amo? Ano hong nangyari?" Tuluyan ng bumangon si Gavin mula sa kanyang higaan. 

Muli namang sumimangot ang mukha ni Argus. Siguro'y nanghihinayang ito sa naudlot na maganda sana niyang kita ngayong araw. "Nagluluksa ang buong palasyo sa pagkawala ng walong kristal." Kwento nito. 

MantraWhere stories live. Discover now