(09) Ang Kambal Na Prinsesa

225 10 0
                                    



TILA isang hudyat na gumising na sila sa umaga ang narinig nila Gavin na sigaw. Nakakatakot iyon na halos magtindigan ang kanilang mga buhok sa ibang parte ng kanilang katawan. Sabay-sabay tuloy silang napabangon kasama sila Fallon at Zoraya sa kanilang mga respetadong kama. Nagkatinginan silang tatlo sabay sabi ng "Ano yun?" Agad silang bumaba buhat sa kanilang kwarto at pagdating nila sa may labas ng bahay pahingahan ay sinikatan kaagad sila ng sikat ng araw . Bahagya si Gaving nabulag pero pagkaraan lamang ng ilang minuto ay nasanay din ang kanyang mga mata sa may sinag. 

Mula sa kanyang harapan ay nakita niya ang isang babae na halos humalik na sa may lupa sa kakaiyak. Inaalalayan siya ng asawa nito na halos maupo narin duon. "Tama na wala na siya." Sigaw ng lalaki.

"Hindi! Yung anak ko, nasan na siya!" Iyak naman ng babae.

"Hindi malaman nila Gavin kung ano ang nangyari sa anak ng babae pero isa lamang ang nasa mga isipan nila. Kundi ang sinasabing misteryo ni Aling Criselda tungkol sa ginintuang prinsesa. 

Awang-awa si Gavin habang nakikita niya ang kalagayan ng babae, tila gusto niya itong tulungan pero sa papanong paraan? Ni hindi pa nga nila alam ang punot dulo ng misteryong ito. Ang itim na Mantra kaya ang totoong dahilan? Sa totoo niyan ay hindi pa nila tiyak hanggang ngayon. Kulang pa sila ng ebidensiya at impormasyon.

"Bakit kayo nasa labas? Kumain naba kayo?" Nag rehistro kaagad sa isipan ni Gavin ang boses nayun mula sa kanilang likuran. Pagkatingin nilang tatlo duon ay agad nilang  nakita si Aling Criselda na may dalang mga pinamili. Galling ito sa may bayan.

"Aling Criselda naman. Huwag kayong pabigla- bigla dumating, aatakihin ako niyan sa puso eh." Reklamo ni Zora habang nakahawak ito sa kanyang dibdib.

"Eh Aling Criselda. Ano po bang nangyari sa anak niya?" Tanong naman ni Fallon sa isang banda. 

Hindi si Fallon sinagot ng matanda bagkus ay inanyayahan sila nito sa loob ng bahay pahingahan. "Halina muna at pumasok tayo sa loob. Maghahanda ako ng pagkain."

Sinundan nila ang matanda tungo sa loob ng bahay. Pagpasok nila duon ay nagpunta sila sa may ikalawang kwarto sa ibaba. "Pumasok kayo." Pagpasok sa loob ng kwarto ay nilibot ni Gavin ang kanyang paningin. Katamtaman lamang ang laki ng kwarto na ito kaysa sa kwarto na inoukupyahan nila sa itaas. Simple din ang mga kasangkapan dito katulad ng simpeng pamumuhay ni Aling Criselda.

"Aling criselda kayo lang ho ba ang tao sa bahay pahingahan na ito?"

"Nako hindi. Kasama ko dito ang dalawa ko pang anak."

"Dalawa? Nasaan na ho sila." Tanong ni Gavin.

Nakita nilang nagsasandok ng pagkain si Aling Criselda sa may Kusina ng muli itong nagsalita. "Yung panganay kong anak ay nanganghoy pa sa may gubat. Maaring matagal pa bago iyon umuwi, samantalang yung isa ko namang anak na si Tiko ay nasa labas lang. Mamaya makikilala ninyo rin siya."

"Ganun ho ba."

Inilagay na ni Aling Criselda ang pagkaing niluto niya sa may hapang kainan habang silang tatlo ay umupo narin sa harapan ng lamesa. Amoy palang ng niluto nito ay talaga namang katakam takam na. "Parang alam ko ito! Pinaasimang korales po ba ito?" Tanong ni Zora habang inaamoy ang usok sa ibabaw ng isang malaking mangkok.

"Tama ka iha. Bakit mo alam?"

"Nako. Naalala ko lang po yung Nanay ko nung nabubuhay pa siya. Yan ang palagi niyang niluluto." 

"Nako Iha. Patawad."

"Hindi ho ayos lang. Matagal na naman ho yung nangyari." Bahagyang nalungkot si Zora pero napawi rin kaagad yun.

MantraWhere stories live. Discover now