Chapter Two
Dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng tubig dahil pakiramdam ko naubos ang tubig sa katawan dahil sa pag-iyak ko kanina.
"Ma'am, sukli niyo po." Napatingin ako dun sa babaeng nasa kaha na inaabot yung sukli ko.
"Keep the change." Sabi ko tsaka lumabas. Hindi talaga ako sanay makipag-usap dahil hindi talaga ako nakikisalamuha sa mga tao. Ganito rin ako sa bahay, kakausapin ko lang sila kung may hinahanap o may ipag-uutos ako.
Pumara ako ng taxi pauwi dahil hindi ako nagpadrive. Nakatanaw lang ako sa labas habang nasa daan kami.
Pagbaba ko ng sasakyan pagkauwi ay isang kasambahay na agad ang bumungad sa akin.
"Miss L, kanina pa po kayo hinihintay ng lolo niyo." Sabi nito habang nakayuko.
"Nasan siya?"
"Nasa library po siya ngayon. Pumunta na lang daw po kayo doon."
Hindi na ako sumagot at naglakad na patungo sa library na parang opisina na rin niya.
Ano na naman kaya ang pakay ni lolo ngayon. Sa tuwing anibersaryo ng pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko nandito siya o di kaya si lala. Kahit pa sabihin kong kaya ko na pumupunta pa rin sila dito para mangulit lang.
Nakatayo lamang ako sa labas ng library habang nag-iisip kung tutuloy ba ako o didiretso na lamang ako sa kwarto ko.
Ngunit mas nangibabaw ang kuryosidad kaya kumatok ako tsaka binuksan ang pinto para pumasok.
Isang nakangiting mukha ni lolo ang sumalubong sa akin.
"Apo! Kamusta ang aming prinsesa? Miss ka na ni lolo ng sobra." Sabi niya tsaka ako nilapitan at yinakap ng mahigpit.
"Hindi na po ako makahinga." Sabi ko at mabilis naman niya akong binitawan.
"Sorry. Nadala lamang ako dahil namiss talaga kita. Inggit na inggit siguro ang lola mo dahil nandito ako ngayon." Natatawang sabi niya. Mabuti na lang at hindi sila sabay kung magpunta dito kundi mas nanaisin ko pang umalis ng bahay kaysa makasama sila.
"Bakit kailangan niyo pang magpunta dito? Kaya ko na po. Hindi na ako ganun kaapektado sa mga pangyayari." Blangko kong sabi. Ngumiti si lolo ngunit taliwas ang pinapakita ng mga mata niya.
"Alam kong kaya mo dahil nagawa mo na silang dalawin. Matagal na naming hiling na sana matanggap mo na ang lahat sana bumalik ka na rin sa dati. Yung batang masiyahin. Yung batang tinatawag naming miss sunshine. Nakakamiss na kasi si miss sunshine, our little princess."
"Tanggap ko na po na hindi talaga sila babalik. Tanggap ko na na iniwan na nila ako kaya bakit pa kayo nandito? Okay na po ako." Simula kasi ng mawala ang pamilya ko palagi na silang nagpupunta dito kahit pa galing sila sa malayo para lamang may makasama ako lalo na tuwing death anniversary ng parents ko at ng kapatid na hindi man lang nasilayan ang mundo.
"Alam ko naman iyon ngunit nandito ako para sana dun sa matagal na naming hiling ng lola mo."
"Alin sa mga yun?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung alin sa mga kahilingan nila yung tinutukoy niya ngayon."Yung tungkol sa pag-aaral mo."
"I am studying."
"Yes. You are studying but not in school."
"Bakit? Kapag nag-aaral ka na kailangan pang nasa eskwelahan kang matatawag?" Walang emosyon kong tanong sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Hindi sa ganun Lorraine. Ang gusto lang namin ay ang maranasan mong pumasok sa school. Limang taon ka ng nagho-home schooling Lorraine, hindi ka ba nagsasawa apo."
"Bakit naman po ako magsasawa? Masaya ako sa ganito. Walang problema."
"Please Lorraine, kahit ito lang. Kahit ito lang ang tuparin mo magiging sobrang saya na namin." Kaya ko namang gawin kaso hindi ko kayang pumasok sa school dahil puro problema lamang ang dulot nun at saka ang daming tao roon.
"You'll meet people there. Some can be your friends. Ayaw mo ba nun? Makakakilala ka ng iba't-ibang klase ng tao."
"Ito lang ang gusto namin ng lola mo. Pumasok ka sa school at i-enjoy ang pag-aaral mo at ang pagiging teenager mo. Simula kasi ng mamatay ang magulan mo nawala na yung excitement mong pumasok sa school kaya dito ka na lamang nag-aaral sa bahay." May bahid ng lungkot sa boses ni lolo ng sabihin niya iyon.
Ano ba ang dapat kong gawin? Matagal na nila akong kinukulit tungkol sa bagay na ito. Akala ko tapos na ang usaping ito dahil nag-ho-home schooling naman ako. Ngunit ito nga at kinukulit na naman nila ako.
"Kung ayaw mo talaga wala na akong magagawa pa." Sobrang lungkot na ng mukha ni lolo ngunit ayoko talaga siyang pagbigyan. Malamig nga siguro ako makitungo sa kanila ngunit may kunsensya naman ako. Ayoko naman na ako ang maging dahilan para magkasakit si lolo. Iisipin ko na lamang na isa ito sa mga paraan para unti-unti maghilom ang sakit ng kahapon.
"Bahala na kayonh mag-asikaso sa mga documents ko para sa pagpasok ko sa eskwelahan." Kaagad na nawala ang lungkot sa mukha ni lolo at napalitan ng isang matagumpay na ngiti. Animo parang isang batang sobrang saya dahil nabigyan ng isang pirasong candy.
"Talaga?! Pumapayag ka na?"
Tumango ako na halos ikaiyak niya.
"Matutuwa ang lola mo oras na malaman niya ito."
"Wala naman sigurong mawawala kapag ginawa ko ang gusto niyo. Gagawin ko ito hindi dahil ginusto ko kundi dahil ito ang gusto niyo." Paglilinaw ko.
"Yes Lorraine. Tatandaan ko yan. Pinasaya mo talaga ako at alam kong ganun din ang lola mo. Pati sila ay alam kong masaya rin sa desisyon mong ito."
"Maiwan ko na kayo. Sabihan niyo na lang ako kung papasok na ako sa school." Naglakad na ako palabas ngunit napatigil ako ng magsalita muli si lolo.
"Sige hija. Magpahinga ka na. Sisiguruhin konh magiging masaya ka sa bago mong school." Tuluyan na akong lumabas ngunit narinig ko pa ang matagumpay niyang sigaw.
"Yes! Napapayag ko na rin ang aming prinsesa. Yes. Sa wakas."
Dumiretso na ako sa aking kwarto tsaka nagbihis. Kinuha ko ang phone ko tsaka nagsimulang magpatugtog at nahiga na ako sa kama ko.
Ano kaya ang kakahinatnan ng desisyon kong iyon? Ano ang mangyayari sa akin sa eskwelahang iyon? Magkakaroon ba ako ng kaibigan? O baka unang araw ko pa lang ay magkaroon na agad ako ng kaaway.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kisame. Mga tanong na alam ko naman na hindi pa masasagot.
Ang daming nangyari ngayong araw at tila ba ay napagod ako ng husto. Kailangan ko na atang ihanda ang sarili ko dahil alam kong mas madami pang mangyayari sa mga susunod na araw.
Pumikit ako habang pinapakinggan ang isang kantang nagpapagaan ng aking loob.
♫♪♪Would you know my name?. If I saw you in heaven?. Would it be the same?. If I saw you in heaven. I must be strong and carry on. Cause I know…I don’t belong here in heaven♫♪♪
♫♪♪Would you hold my hand?. If I saw you in heaven. Could you help me stand…If I saw you in heaven♫♪♪
♫♪♪I’ll find my way. Through night and day. Cause I know…I just can’t stay…Here in heaven. In my heart, I’ll remember…And forever you’ll stay♫♪♪
♫♪♪Time can bring you down. Time can bend your knees. Time can break your heart. I keep begging please…Begging please…♫♪♪
♫♪♪Would you know my name? If I saw you in heaven..Would it be the same? If I saw you in heaven. Beyond the dawn… There’s peace I’m sure…And I know there’ll be no more…Tears in heaven. Forever I will Stay…Till we both meet someday♫♪♪
____📝editedversion@2016
BINABASA MO ANG
so-called "dead princess" (COMPLETE)
Любовные романыNo Softcopy| Book 2: E.N:D|Comment your thoughts Salamat sa pagbabasa :)