CHAPTER 5:
"miss L... miss L...miss L"
Nagising ako dahil sa boses na tumatawag sa akin, pagmulat ko ng mga mata ko nakita ko yung driver namin. Siya lang pala ang maingay, napasilip ako sa labas, nandito na pala kami sa school. Ang daming tao, daming studyante di ako sanay. Ayoko rito, ayoko ko.
"miss L, andito na po tayo kailangan niyo na pong bumaba at pumasok baka po malate pa kayo” sabi nung driver pwede bang umatras? ang dami nila. Tiningnan ko na lang yung driver at saka bumaba wala na rin naman akong magagawa eh. andito na ako kaya walang ng atrasan...
"sige, umalis ka na" utos ko sa driver at agad naman siyang sumakay ng kotse at umalis na. Sabihin na natin na nawalan na ako ng pakiramdam simula ng mamamatay ang parents ko pero may isang pakiramdam pa ang nananatili sa akin, yun ay takot. Sa ngayon, yun ang nararamdaman ko natatakot akong makisalamuha sa ibang tao.
Naglakad na lang ako papunta sa president's office at pansin na pansin ko na nakatingin sa akin ang ibang estudyante. Nakakailang dahil ang daming mata na nakatingin sa'yo kaya nga ayaw kong pumasok sa school. Buti na lang at nakarating na rin ako sa president's office..
Pinuntahan ko ang secretary niya at sinabing ako yung new student. Nagulat pa nga yung secretary nung marinig akong magsalita eh. Sabagay, di ko na siya masisisi tiningnan ko na lang siya at saka pa niya naisipang tumayo upang samahan ako sa opisina. tss
"madam president, andito na po yung new student"
"sige papasukin mo na"
Binuksan nung secretary yung pintuan at nakita ko ang pamilyar na muka pero di ako sigurado kung san ko siya nakita basta ang alam ko nakita ko na siya dati.
"halika ka hija at umupo ka dito" alok niya kaya pumunta naman ako dun sa upuan sa harap ng table niya at umupo
" kamusta ka naman Lorraine? matagal din kitang hindi nakita ah?"
"okay naman po ako at isa pa hindi po kita kilala kaya palagay ko po ngayon pa lang tayo nagkita" sabi ko sa kanya. Nakita ko na lang na ngumiti siya at muling nagsalita.
"grabe pala ang pinagbago mo. Tama nga ang lolo mo, malaki ang naging epekto sa'yo ng pagkamatay ng parents mo at.." di ko na siya pinatapos pa
"wala po akong pakialam kung kilala niyo ko at saka isa pa di ako nagpunta dito para pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan." may inis na sa tono ng pananalita ko dahil masyado siyang maingay
"ahaha...ikaw talagang bata ka, di mo na nga siguro ako natatandaan. Kaibigan ako ng lolo mo at ninang naman ako ng papa mo. Madalas nga akong dumalaw sa inyo dati eh at saka lagi mo kong kinukulit dati pero ngayon ibang-iba ka na..wala na yung masiglang ikaw"
=_= pwede bang tumahimik na lang siya..daming niyang sinabi, pwede naman ibigay na lang niya yun class schedule ko para makaalis na at teka..ba't sa kanya ko pa pala dapat kunin??tsk! tsk!
"pwede po bang ibigay niyo na lang sa akin yung dapat na class schedule ko para makapunt na ako dun?" sabi ko na lang para matigil na siya
"ah sige iha pasensiya at*saboy abot ng papel* masaya lang akong makita ka ulit."
"sige po madam principal aalis na po ako" paalam ko sa kanya at lumabas na ako ng opisina niya
*tingin sa papel*
"so eto pala magiging klase ko...tss kaya ko naman tong pag-aralan sa bahay ah" sabi ko sa isip ko habang naglalakad..
BINABASA MO ANG
so-called "dead princess" (COMPLETE)
RomanceNo Softcopy| Book 2: E.N:D|Comment your thoughts Salamat sa pagbabasa :)