Chapter Three
"Goodmorning miss L." Bati
pagkakita palang nila sa akin.Tiningnan ko lamang sila tulad ng nakasanayan ko ng gawin tsaka nagtungo sa hapag kainan.
Ganito umiikot ang mundo ko ngayon. Babatiin nila ako pagkakita nila sa akin ngunit lalampasan ko lamang sila at tinatrato na parang hangin. Nadatnan ko si Nana Marie kasama ang iba pang kasambahay na abala sa paghahanda ng breakfast ko. Hindi ko pa nakikita ang anino ni lolo marahil ay umalis na ito.
"Goodmorning Lorraine." Nakangiting bati niya sa akin.
Bukod kasi kina lolo at lala (lola) tinatawag din ako ni Nana sa pangalang Lorraine.
Matagal na siya dito. Bagong kasal daw ang parents ko ng mamasukan siya sa amin. Alam niya lahat ng pangyayari sa pamamahay na ito. Siya rin ang itinalaga na maging head dito dahil na rin sa matagal na siya dito at may tiwala sa kanya si lolo.
"Maupo ka na ng makakain ka. Pinahanda ko na ang breakfast mo."
Naglakad ako papalapit at inurong nung isang katulong ang upuan para makaupo ako ng maayos.
"Nga pala Lorraine, maagang umalis ang lolo mo. Aasikasuhin niya daw ang mga documents na kakailanganin mo sa school. Mabuti naman at naisipan mo ng magbalik aral sa eskwelahan. Atleast doon makakasalamuha ka ng ibang tao hindi tulad ng nandito ka lang palagi sa bahay. Magkakaroon ka na ng mga bagong kaibigan."
"Nana si lolo ang nagsabing pumasok ako ng school. Sinusunod ko lamang yung gusto niya."
"Sang-ayon ako sa gustong mangyari ng lolo mo. Alam ko kasi na may magandang maidudulot ang pagpasok mo sa school. Magkakaroon ka ng bagong buhay. Alam kong makakatulong ito upang tuluyan na ngang mawala yang kinikimkim mo. Nakakamiss din kasi yung batang miss sunshine ng bahay na ito. Sana sa pagkakataong ito huwag mong ipagkait sa sarili mo na maging masaya. Limutin mo na ang sakit ng kahapon at subukan mong maging masaya."
Limutin? Maging masaya? Wala pa akong nahahanap na dahilan upang kalimutan ko ang sakit na iyon.
"Tama na nga ang usapang ito. Ipagpatuloy mo lang yang pagkain mo. Pupunta lamang ako sa garden. Nasisiguro kong madami kang makikilala doon. Magiging parte at magbibigay ng pagbabago sa buhay mo."
Nakatingin lang ako sa papalayong si Nana hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Taong pwedeng magbago ng buhay ko? Kung may ganun nga. Sana palarin siya.
LOLO
Maaga akong umalis para magpunta dito sa opisina upang ayusin ang mg kakailanganin ni Lorraine sa papasukan niyang school. Sobrang tuwa nga ng lola niya ng ibalita ko ang naging desisyon ng apo namin. Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa dati. Naalala ko pa dati nagpaka-clown ako kahit hindi ko naman gawain baka sakaling ngumiti na siya kaso bigo ako. Halos lahat na ata nagawa na namin kaso bigo kami.
Tok!Tok!Tok!
"Excuse me sir, handa na po yung mga dokumentong kakailanganin niyo."
"Sige. Magpunta ka sa school na napili ko tsaka mo ibigay yan. Alam na nila ang gagawin."
"Sige po sir. Mabuti na lang po napapayag niyo na si Miss L."
"Mabuti na lang talaga napapayag na namin siya. Akala ko ay mapupunta sa wala ang lahat ng pangungulit namin sa kanya."
"Sana po ay ngumiti na siya ulit. Sana bumalik na yung masiyahing siya."
"Sana nga. Sana magkaroon na siya muli ng emosyon. Buhay nga siya pero para naman siyang patay kung umasta. Walang emoayon."
Limang taon ng wala ang mga magulang niya pero tila kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Hindi lang kasi ang magulang niya ang nawala kundi pa rin na rin ang kapatid niya na nasa sinapupunan pa lang ng ina niya.
Ito ang dahilan kung bakit ganito na siya ngayon.Naalala ko pa noon sobrang iyak niya nung nasa ospital kami habang naghihintay sa labas ng emergency room kung saan inililigtas ang mga magulang niya.
"Hindi po ba dapat kasama ako? Ang sabi niyo isasama niyo ako sa pupuntahan niyo. Bakit niyo ako iniwan? Bakit kayo umalis ng hindi man lang nagpapaalam! Galit ako sa inyo. Galit ako sa inyo!"
Paulit-ulit niyang sabi iyon at habang pinapakinggan ang mga salitang iyon ay unti-unti namang nadudurog ang aking puso.
Wala siyang ibang ginawa noon kundi ang umiyak hanggang sa libing ng magulang niya. Tumigil lamang ito pagkatapos ng libing. Akala namin noon ay napagod lamang ito kakaiyak ngunit mali kami dahil iyon na pala ang simula ng pagbabago niya. Iyong oras ding iyon nawala na yung masiyahin naming apo. Sa tuwing kakausapin siya tanging isang blangkong tingin at malamig na pakikitungo lamang ang nakukuha namin.
Sana sa paraang ito manumbalik yung masisiglang ngiti sa kanyang labi. Alam ko sa paraang ito matututo siya kung paano muling maging masaya.
"Lunakad ka na ngayon din para maayos na ang lahat. Gusto kong makapasok na agad si Lorraine sa school."
"Sige po sir. Mauuna na po ako."
Ngayong darating na lunes ang simula ng pagbabago sa buhay mo Lorraine. Sana lang ay matulungan ka ng paraang ito kung paano maging masaya at kung paano maging miss sunshine muli.
📝editedversion@2016
BINABASA MO ANG
so-called "dead princess" (COMPLETE)
Roman d'amourNo Softcopy| Book 2: E.N:D|Comment your thoughts Salamat sa pagbabasa :)