Chapter 17

39.2K 473 9
                                    

Chapter 17:

Walang pasok ngayon kaya nandito lang ako sa bahay at wala rin akong balak lumabas. Dalawang araw na ang nakalipas nung nagpunta ako kina Hannah at kaikwento na niya sa akin kung ano ba talaga ang dahil niya sa pagiging isang nerd at outcast niya.

TOK!TOK!TOK!

“pasok”

“magandang  po miss L, nakaready na po ang breakfast”

“sige, bababa na ako”

Nag-ayos lang ako ng kaunti at sumunod na ako pababa.

“goodmorning po nana”

“goodmorning din Lorraine, Masaya ako dahil sa pagbabago mo hija”

“nana hanggang ba naman issue pa rin yan?” medyo natatawang sabi ko sa kanya. Naupo na ako at naupo rin si nana sa katapat kong upuan.

“masisisi mo ba ako? Sadyang natutuwa lang talaga ako sa mga pangyayari.”

“…ay nga pala, kailan mo naman balak ipakilala sa amin yung kaibigan mo? ano nga ulit pangalan nun?hannah?tama ba?”

“opo, Hannah nga po pangalan niya,..hmm baka po nextweek or next month”

“bakit next month pa kung may nextweek naman?!”

“nana wag excited, mabuti nga po ipapakilala ko siya sa inyo kahit ayoko talaga”

“hindi naman siguro masamang makilala namin yung taong nagpabago sa iyo hindi ba?”

“tsk, sige po nextweek”

“talaga?mabuti naman. Hindi ba dinala ka na niya sa bahay nila? ano namang nakita mo doon?”

“nakakita ako ng tao nana” balewalang sagot ko at sabay subo. Totoo naman diba? Ano ba ang dapat kong makita doon?eh di tao pero may nakita rin pala akong bakulaw -.-

“ikaw talagang bata ka! ang ibig kong sabihin, anong nangyari sa iyo doon?”

“kumain lang po at kwentuhan kasama ang….mama niya”  parang nag-flashback naman lahat nung nangyari…hasit!

“alam ko hija kung anong nararamdaman mo, nandito naman kami na nagmamahal sa’yo kaya wala ka dapat ika-inggit sa kaibigan mo”

“hindi naman po ako na-iinggit sa kanya and why do I need to get jealous with her kung ang turin naman sa akin ng mommy niya ay parang isang anak din”

“ganon ba? Mabuti naman pala dahil may madadagdag na naman sa mga taong nagmamahal sa’yo”

“sige, i-che-check ko muna yung mga ginagawa ng mga yon” sabi nito at naglakad na palabas pero mapahabol akong tanong kaya napatigil siya

“nana, kung may iba pa akong ipapakilala sa inyo, anong magiging reaksyon niyo?”

“syempre magiging masaya ako dahil hindi lang pala isa ang kaibigan mo”

“ah sige po, salamat” nginitian ko naman si nana bago ito tuluyang lumabas. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

Anong gagawin ko kapag nasabi ni Hannah sa kanila na may boyfriend akong kumag?-.-

Makalabas na nga muna ng bahay mamaya dahil na-bo-bore na ako dito sa loob. Kailan ka pa natutong ma-bore Lorraine?

After kong kumain ng breakfast nagpunta na ako sa kwarto ko para magbihis upang makaalis na ako.

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon