NBY 3❤: Friends
Chapter 3
[GRACE P.O.V]
“Hey?” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Paglingon ko..
“Oh, Jade.” Umupo siya sa tabi ko.
“Sama ka sa amin, ha?” Binuksan ko muna ‘yung dala kong coke in can saka sumagot.
“Saan?”
“Hang out, beh! Isasama rin natin ‘yung best friend mong isa. Ano nga pala name nun? Gusto ko rin siya makilala eh.”
“Ah si Aerin Nolasco. Hang out? Huwag na. Aksaya sa oras lang iyon.” Sagot ko sabay sipsip sa inumin ko.
“Beh! Kahit minsan mag gala-gala tayo! Mababaliw tayo rito kung puro aral lang. Just relax for a while...”
“Kasama syempre ‘yung boyfriend ko.” Dugtong pa ni Jade. </3 Aray ha.
“Titignan ko.” Sagot ko.
Tumingin siya sa wrist watch niya. “Mala-late na ako. Sige, una na muna ako ha? Pag-isipan mo iyan, Grace! Byeee.”
Hayy. Naalala ko pa yung nangyare kahapon sa Gym at sa cine.
—flashback—
“Besst! Grabe ang hot nilaaa! Kyaaah!” Nakakarindi talaga ‘yung boses nitong best friend ko. >___<
Nakakalaglag panty naman talaga ‘yung mga varsity player ng school namin at oo, kasama si J Matthew doon. Ngiti dito. Ngiti doon ang gawa nila. Mga heartthrob kasi sila. MVP si Matthew. Yes, fan na fan niya ako. Ang galing kasi talaga niya maglaro ng basketball.
“Kyaaah! Marry meeeee J Mattheeeww!!!!” Sigawan iyan ng buong crowd.
“Kyaaaah! Can I be your girlfriend TJ? Kyaaah!” Nang isigaw ng ilang fangirls ni Tj iyon, bigla na lang ngumiti at nag-wink si TJ sa mga fangirls niya. Yak! >__< kilala siyang playboy ng boung team.
Matapos maglaro, agad-agad na dumiretso si Matthew sa girlfriend niya sabay yakap at halik sa noo. Yes, tuwing matatapos ang laro ganun ang gawain nila at kung mag-ta-time out ang laro, hinahalikan ni Jade sa pisnge ang boyfriend. Hayst </3 Ang ganda talaga ng lovestory nila. T_T
“Best! Tara na! Tapos na yung game. Punta na tayo sa SM.” Tumayo na kami at saka lumabas sa GYM.
-Cinema-
“Babe, I love you.” Napatingin ako sa katabi ng katabi ko. Aray lang ha? Sila Matthew na naman. Nakatadhana yata ako para saktan nilang dalawa.
“Mas mahal kita, baby.” Sagot ni Matthew. Waaah! Hindi ako makapag-focus sa pinapanood ko. Huwag kayong ganyaaan! T_T wala ako mapapasa na reflection niyaan eh.
Natapos ang panonood namin ng hindi ko man lang naiintindihan kung ano ‘yung mga nangyari. Bwisit kasi.
—End of flashback—
7:30 na pala. Kailangan ko ng pumasok. Paktay! Malayo pa yung building ko.
Takbo. Takbo. Takbo pa, Grace! Hanggang sa may nabangga akong pader.
“Ouch!”
Himas-himas ko pa ang aking noo saka ko siya tinignan. “Hey! Are okay?” Tanong ni Matthew sabay ngiti.
Ang gwapo talaga ng ngiti nito. Nakakatunaw na matatae ka.
“O-oo.”
Hindi pala pader ang nabunggo ko. Tao pala. Tigas ng abs niya, beh! Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Never Been Yours
RomanceI'm always watching you. I'm always protecting you. I'm always by your side even if you are not noticed me. I'm always here for you even I am imvisible by your eyes....I'm... NEVER BEEN YOURS. ©generoselago