NBY 7❤: Celeberation
GRACE P.O.V
Pauwi na sana ako ng tinawag ang pangalan ko. “Grace! Grace!” Lumingon ako.
“David?” Naalala ko siya. Siya ‘yung tumulong rin sa amin ni Matthew sa pag-ayos ng suprise.
Hingal na hingal siyang lumapit sa akin.“Grace, sabay ka na sa akin.” Nagtakha naman ako.
“Huh?”
“Pinasasabay ka sa akin ni JM at Jade papunta sa bahay ni JM.” Hindi na ako nagtakha pa kung bakit JM ang tawag ni David kay Matt. Close lang ang pwedeng tumawag kay Matt non.
“For?” I asked.
“Celebrating their anniversary.” He answered. Naglalakad kami patungo parking lot.
“Huh? Bakit kasama pa tayo? Dapat silang dalawa ang nagce-celebrate non ‘di ba?” Sunod-sunod kong tanong kay David.
“Tapos na raw nilang i-celebrate kanina ang kanila. Tara?” Nandito na pala kami. Hindi ko napansin. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok agad ako at siya na ang nagsarado ng pinto at umikot para maka-sakay sa driver seat.
Medyo kabado naman ako. “Sanay ka?” Tanong ko. Nagpoker face siya sa tanong ko.
“Oo naman. Matagal ko na itong gamit-gamit.” Paliwanag niya. Tumango-tango na lang ako. May tiwala naman ako dito kay David kahit kakakilala ko lang sakanya kanina.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya. Walang gustong magsimula hanggang siya na mismo ang bumasag nito.. “Do you like Jm?” Dahil nga sa traffic ay nakahinto ang sasakyan at diretso niya akong tinignan sa mata gamit ang salamin sa tapat niya.
Nanginginig ako. Ganun na ba ako ka-obvious para mapaghalataan niya akong gusto ko si Matt? Nakipagtitigan rin ako sakanya dahil kapag nagawa kong iiwas ang mata ko sakanya ibig sabihin nun ay totoo.
“Wala,” Walang pag-a-alinlangan kong sagot. Ang hirap magsinungaling! Buti na lang hindi na niya ako kinulit pa dahil nag-green na ang traffic light. Lusot!
Hindi ko namalayan na huminto na ang sasakyan at nasa labas na agad si David. “Hop in!” Sabi niya pagkabukas niya ng pinto ko. Inalalayan niya akong lumabas hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon nila Matt.
“May red carpet?” Takha kong tanong. Ang engrande naman ang anniversarry nila.
“Oo. Mayaman naman sila, eh.” Kinuha ni David ang kamay ko tsaka nilagay iyon sa braso niya habang tinatahak namin ang aisle. Naglalakad kami sa red carpet. Ang bongga lang!
Hanggang sa makarating kami sa garden nila Matt. Sa parteng likod na ito ng mansyon nila. Dinig ko ang mga tugtog, kita ko ang mga sayawan. Maraming taong imbitado. Aakalain mong sobrang espesyal ng gaganaping okasyon. Nahihiya nga ako dahil naka-uniform pa kami ni David. Kami lang yata ang ganito ang suot-suot.
“I forgot to wear my tuxedo.” Bulong ni David. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso kaya napatawa siya ng mahina.
“Kung hindi mo pala nakalimutan, ako lang ang naka ganitong ayos dito.” Bulong ko.
He chuckled, “Tss. Nandoon sa kotse ko ang cocktail dress na para sa iyo,”
Huminto ako kaya napahinto rin siya, “Why?” He asked.
“Magpalit muna tayo, David.” Hindi na ako mapakali sa suot ko. Tinignan niya ako ng nakakaloko.
“Okay lang sa akin na sasabay ka sa pagpalit ko.”
BINABASA MO ANG
Never Been Yours
RomanceI'm always watching you. I'm always protecting you. I'm always by your side even if you are not noticed me. I'm always here for you even I am imvisible by your eyes....I'm... NEVER BEEN YOURS. ©generoselago