NBY 4❤: Smile
Chapter 4
[GRACE P.O.V]
Bakit kaya hindi man lang ako maalala ni Matthew ngayo'y kilala na niya ako at napapansin na? Magbestfriends kami dati... Nasasaktan ako dahil hindi man lang niya ako naalala.
Naglalakad ako sa hallway ng mahagip ng mata ko ang naglalakad na si Matthew. Teka? Patungo ba talaga sa direksyon ko?
“Hey?” Nastarstruck ako shet!
“Bakit?” Ngumiti siya. ‘yung tipong bayad ang ngiti niya dahil hindi man lang ito ngumingiti sa publiko unless kung kasama niya ang Gf niya. Pero bakit siya ngumiti? Tinagurian nga siyang Emontionless guy ng campus.
“Can you do a favor?” Nang sabihin niya iyon.. tipong hindi ka makaka-hindi dahil para siyang bata.
“Ano ‘yun?” Mahalin mo lang sana ako, Matthew.
“I will tell you later at parking lot. See you.” Saka siya umalis. Ganun na lang iyon? Hayy. Mahal ko, eh. Saka ano kaya ‘yung favor na iyon?
Lumipas ang ilang subjects at uwian na rin. Excited pa ako nito dahil makakausap at makikita ko na naman ang crush ko. Hihihi! Agad-agad akong dumiretso ng parking lot. Kahit maraming kotse ang nakaparking dito nakita ko pa din ang kotse niya. Alam ko iyon dahil ako nga ang dakilang stalker niya.
Pagkarating ko sa harap ng kotse niya ay kinatok ko ang bintana ng driver seat. Bumukas naman agad iyon. “Come in,” Dahil hindi naman ako ignorante sa pagbukas ng kotse ay pumasok na ako sa passenger seat.
“Hey! Why did you sat there? Tch.” Nagtakha naman ako sa tanong niya.
“Huh?”
“Mag-uusap tayo di ba? Kaya dito ka sa tabi ko.” Tinap niya ‘yung tabing upuan niya. Binuksan ko naman saka ako pumasok sa tabi niya.
“About what?” Panimula ko.
Nakatingin lang siya sa labas, “Our anniversarry is on this coming Thursday. Can you help me to suprise her?” Anniversarry na pala nila. Monday na ngayon at Thursday na ang anniversarry nila.
Tumango ako kahit sobrang sakit sakit na sa loob ko. Ganito ako ka-martyr sakanya. Gagawin ko lahat mapasaya lang siya at masaya na ako doon. “Paano kita matutulongan?” Tanong ko.
Tumingin siya sa akin, “Help me to bring her to my house. I want to suprise her,” I never expect na mapapansin mo ako kaso napansin mo lang ako dahil sa girlfriend mo.
“‘Yun lang?”
He smiled, “Yeah,”
Nagpa-alam na ako na uuwi na ako pumayag naman siya agad dahil dito sa kotse niya rin hihintayin si Jade para ihatid sa bahay.
Kinabukasan, Tuesday.
Tumakbo ako dahil mala-late na talaga ako! Shet. Pagkarating ko sa room sakto namang dumating na rin si sir. Muntik na!
Break na. Agad-agad akong pumunta ng canteen. Gutom na ako. Naghanap ako ng table. Wala na! Ay ayun! Kaso makiki-share nga lang ako. “Hi. Pwede maki-share?” Pagbaling nila sa akin. Omy! O_O
“Hahahaha! Oo naman, Grace.” Sabi ni Jade sabay bukas ng pagkain niya. Umupo naman ako. Magkatapat sila sa upuan at katabi ko naman si Matthew. Naiilang ako sakanilaaa >_<
“Baby, konti na lang malapit na tayong makapag-patayo at mabili yung lupa sa Wattpad land.” Masayang sinabi ni Jade iyon kay Matthew. Whoo wala ako balak makinig ako katabi ko lang sila kaya naririnig ko talaga.
BINABASA MO ANG
Never Been Yours
RomansaI'm always watching you. I'm always protecting you. I'm always by your side even if you are not noticed me. I'm always here for you even I am imvisible by your eyes....I'm... NEVER BEEN YOURS. ©generoselago