NBY 5:❤ Lost Phone?

31 5 0
                                    

NBY 5:❤ Lost Phone?

Chapter 5

[GRACE P.O.V]

“Hello!” Masayang sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Siya si Tj. Ang bully ng klase. Inis ko siyang inirapan.

“Bwisit kaaa! Ikaw ba ang nakapulot ng phone ko ha? ‘langya ka talaga! Bully ka talaga! Sa iyo lang pala napunta ang pho—Ano ba!” Napatigil ako sa pagdadakdak ng tampalin niya ang bibig ko.

“Umupo ka muna at huminahon hindi ‘yung tatalakan mo ako diyan. Tss” Pinagpatuloy niya ang kinakain niya. Umupo naman ako.

“Hoy ano na? Akin na ‘yung phone ko. Nagmamadali ako.” Sabi ko dahil wala yata akong balak pansinin nito at balak pa yatang panoorin ko siyang kumakain. Bwisit naman oh.

“Kumain ka muna.”

“Ano? Nagbibiro ka ba? Wala namang pagkain sa hara—” Napatigil ako.

“Sir/Ma'am, here's your order.” Sabay baba sa mesa namin ‘yung pagkain. Mostly, nasa akin lahat ng pagkaing nakahain.

Umalis na ang nag-a-assist sa amin, “Hoy? Balak mo ba akong patabain ha?”

He gave me a death look. “Could you please shut your fucking mouth huh? I'm eating here! Just eat it.” He's irritate now.

Tumahimik naman ako. Tama nga sila kahit napaka-gwapo nitong bully na ito eh, napakasama ng ugali. Bully nga, ‘di ba? Tss.

Natapos na ang kinakain niya at grabe lang ‘yung titig niya sa akin para bang kinakabisado niya ng bawat parte ng mukha ko. Naiilang ako. Nararamdaman kong nakakatitig siya.

“A-ah busog na ako. Pwede ko na bang kunin ang phone ko?” Tanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso shems!

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo saka niya ako binigyan ng nakakalokong ngisi. Bwisit! Mamatay kana!

He chuckled, “Takot ka din pala. Oh ito na.” Sabay abot niya ng phone ko. Kinuha ko naman agad iyon.

“Aalis na ako..” Tumayo na ako at umalis na pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita uli siya. Rinig ko iyon.

“I see in your eyes that you already fall to him...You know that you might get hurt but still you let yourself to love him.” Umalis na ako matapos marinig iyon. Ano ba pinagsasabi ng kupal na iyon? Geez!

--*

Wednesday

Bukas na pala ng inihandang suprise ni Matthew para kay Jade. Bumangon na ako sa kama para makapag-almusal na. Pagkababa ko ay nandatnan ko ang kuya ko na na kumakain na.

Umupo ako sa katapat niyang upuan. “Good morning, Kuya.” Sabay kuha ko ng sandwhich na nakahanda na sa plato ko.

“Good morning too my princess. Sorry if I am too busy lately. I'm just busy to fixing our company.” Kuya Gelo explained.

“Kuya don't explain. I understand naman po, eh.” I smiled.

“Huwag mo pababayaan sarili mo kapatid ha kapag hindi na masyadong busy ang kuya mo hindi kita pababayaan. Oh late na pala ako. Kumain ka lang diya. Bye my baby. Mahal ka ni kuya.” Sabay halik niya sa pisnge ko. Pinagmasdan ko lang ang kuya ko habang paalis.

Nakakamiss ang kuya ko. Tuwing busy ang mom at dad namin, si Kuya ang nag-aalaga s akin at hindi niya talaga ako pinapabayaan. Mahal na mahal ko ang kuya ko.

Tinignan ko ang oras. Papasok na siguro ako.

“Besssst!”

“Oh bakit?”

“Nakasalubong ko ang kuya mo bes! Grabe ang pogi pa din! Walang kakupas-kupas.” Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Hoy best! Bawal. Hindi ko pinag-gi-girlfriend iyon.”

“Babaita, bakit hindi ha? Boyfriend mo ba iyon ha?”

“Pangako namin iyon sa isa't-isa as long as hindi pa ako nakaka-graduate.”

“Weeh? Hahahaha! Maaga ka magkakajowa! Patay na patay ka nga diba kay fafa matt mo? Ayiie.” Sabay sundot-sundot sa tagiliran ko.

“Hindi ko naman aagawin iyon sa bestfriend natin noh!” Bwisit talaga itong bestfriend ko, eh.

“We'll see.” Sabay kindat. Kadiri!

Naglakad-lakad kami ni Aerin dahil maaga pa naman. Nagku-kwentuhan kami ng may biglang dumaan sa amin na lalaki.

“Excuse me? Huwag kayo rito magharutan ha! Hindi playground ito!” Taray mode na naman si Aerin. Nasanggi yata siya.

Tumingin sa amin ‘yung lalaki at pamaya-maya pa ay sumunod sa tabi niya ‘yung isang magandang babae. Bakit parang may kamukha sila at bakit ngayon ko lang sila nakita?

“Sorry mga miss if, nabangga kayo ng bestfriend ko ha?” Iyong babae na kasama niya ang humingi ng tawad.

“By the way I'm Jermaine..”

“And I'm Calyx.” Pakilala nung lalaki. We both shocked (Me and Aerin)

“Sorry uli miss ha? Una na kami late na kami eh. Tara na Calyxboy at baka nandun na si Shai sa room.” tumakbo na sila palayo. Tinawag pa namin ni Aerin sila kaso hindi na kami narinig.

Nagkatinginan kaming pareho ni Aerin. “Sila ba ang bestfriend natin?” May lungkot sa mata ni Aerin ng itanong iyon.

“Hindi ko alam, Aerin.” Sagot ko.

Lumipas ang ilang subjects na pareho kaming naguguluhan ni Aerin. Maraming tanong ang bumabagabag.

Sabay kaming uuwi ni Aerin. “Hey.”

Napalingon kami ni Aerin. “You'll be at my house tomorrow morning. I send my address to you on facebook. Thankyou”

“Ano yon bes?” Binigyan na naman siya ako ng nakakalokong ngiti.

“Nanghingi siya ng favor na tulungan ko siyang supresahin ang gf niya bukas sa araw ng anniversarry nila.” Paliwanag ko.

“Babaita! All of people, eh ikaw pa ang pinili niyang lapitan ha? Nananadya na yata iyon eh!”

“Kalma hoy! Hayaan mo na yun sus.”

--*

Itutuloy...

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon