NBY 9❤: David Ian Angeles

43 2 0
                                    

NBY 9❤: David Ian Angeles

Chapter 9

Grace P.O.V

Ito na naman ang role ko sa storyang ito. Ang tanawin ng malayo ang mahal ko. Tumakas lang ako sa mga kaibigan ko para dito. Alam ko kasing hindi nila ako papayagan pag ganito. Nakita na rin nila si Matt kaso tulad ko, deadma rin ang inabot nila eh samantalang magbe-bestfriends kami.

I sighed.

Makita ko lang siyang masaya kay Jade, masaya na rin ako.

Grace...”

Alam ko ang boses na iyon. Paglingon ko... hindi nga ako nagkakamali. “Ian...”

Umupo siya sa tabi ko at sinilip kung saan ako nakatanaw. Natawa siya ng matapos makita iyon, “Do you love him?” Seryosong tanong niya.

Napayuko ako, “I knew it. Kailan pa?”

“Since bata pa kami...” Hindi ko na ipinaliwanag sakanya ang buong kwento. Sapat na sakanya iyon.

Nagulat ako ng hilahin niya ako papalapit sakanya sabay yakap ng mahigpit. Iniisip ko kung yayakapin ko rin ba siya pabalik?

“Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo.. ganito iyan eh, huwag mo gagawin ang isang bagay kapag alam mong napipilitan ka lang.” May dobleng meaning ba yung sinabi niya?

Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako nilayo sakanya.

Huwag kana umasa...” Bulong ni Ian. Hindi ko alam kung bakit ko hinigit siya at niyakap saka umiyak ng umiyak sa dibdib niya. Napakasakit na sa akin na para bang pag hindi ko nasabi sa iba, mag-e-explode.

Hinayaan niya lang akong gawin ito. Pinahid ko sa palad ko ang huling luha ko at ngumiti kay Ian. “Salamat,”

Hinila niya ako at umupo sa ilalim ng puno, “Gaano mo siya kamahal, Grace?” Out of nowhere, naitanong niya sa akin ang ganung klaseng tanong.

“A lot.”

“Bestfriend ko ‘yang si J Matthew at isa lang ang alam ko sakanya...” He paused

“...Mahalin at alagaan ng lubos si Jade hanggang huli,” Masakit. ‘Yan ang naramdaman ko ng sabihin niya sa akin ‘yan.

“Huwag kang iiyak.” Pagbabanta niya. Tahimik lang ako. Pinipigilan kong kumawala ang mga luha kong pinipigilan kanina pa.

“...Grace, masasaktan at masasaktan ka lang kay J Matthew. Hindi mo kailangan na mahalin siya. First of all, hindi mo siya deserve. Advice ko lang sa iyo ‘yan dahil kaibigan na rin naman kita.”

“Ian, bakit ikaw ba naranasan mo na bang magmahal?” Pagtatanong ko. Napayuko siya.

“Yes. Isang taong hindi kailanman kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko..”

“Tanga ka rin pala eh! Parehas lang tayo na umaasa.” Medyo pasigaw kong sabi.

He chuckled, “Gaano ka katagal naging tanga non?” Tanong ko.

“3 months. So short for me but for almost 7 years of being stupid of love? Nah, that's too long.” Gago ‘to ah!

“Wala akong paki kung seven years akong nagpapakatanga ‘no!” Depensa ko.

Ginulo niya lang ang buhok ko. Psh!

--*

“Hoy, mauuna na ako sa iyo huh!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon