ONCE A COLD HEARTED
written by Ylekilnu Nosrep
IKA-TATLO
Maliliit na boses ang nagpagising sakin kinabukasan. Restday ko nun at tinanghali na ko magising. Bumaba ako para icheck kung may bisita ba kami.
Hindi pa ko tuluyang nakakababa sa may hagdan ay may narinig ako na syang nagpadilat nang inaantok ko pang mata. Paksyet! Ba't andito sya!!! Di pa ko nagpakita sa kanila at nakinig lang sa usapan. Umupo ako sa hagdan syempre yung tago.
"Sigurado ka ba na gusto mong ligawan ang anak ko. Aray-"
"Anak ko din yun!"
"Oo na oo na. Anak natin. Makahampas naman, wagas."
Naririnig ko ang mga magulang ko. Hindi sa ano pero medyo may pagka-weird sila.
"Opo. Gusto ko po talagang ligawan si Micae, sir, ma'am." Magalang nyang sabi sa parents ko.
"Naku! Goodluck na lang kung mapasagot mo yung ate ko. Para may buwanang dalaw yun araw-araw e."
Yung kapatid ko talaga!
Impit na napatawa si Skyler marahil sa sinabe ng kapatid ko. Ano pa nga ba?
"Gusto ko po talaga si Micae at kahit ano gagawin ko. Alam ko po na magagalit sya sa pagpunta ko dito pero seryoso po ako sa kanya kaya sa inyo na po ako unang humingi ng permiso kung pwede ba syang ligawan."
"Pwede naman. Malaki na rin yung anak namin pero kung mapapasagot mo man sya ay wag na wag mo syang paluluhain." Si mama.
"Tama. Malaman ko lang na saktan mo ang anak namin ay malilintikan ka talaga sakin."
Gusto kong makita yung reaksyon ni Skyler sa sinabi ni papa pero... ayaw ko talagang magpakita sa kanya.
Akmang babalik na ko sa kwarto pero di pa nakakaangat ng tuluyan ng pwetan ko ay ang lakas ng boses ng kapatid ko.
"Ate kanina ka pa dyan?.. Ma, Pa! gising na pala si ate.. 'Te may manliligaw ka nga pala nasa baba. Kanina ka pa hinhintay!"
Putik!-END OF CHAPTER 3-
BINABASA MO ANG
ONCE A COLD HEARTED
Short StoryPara sa mga babaeng nagmahal. Niloko at pagkatapos ay di na nagtiwala pa sa lalake. Pa'no kung isang araw, may lalakeng dumating sa buhay mo. Sobrang kulit. Tatahakin ang pag-ibig masundan ka lamang para ikaw ay ligawan? Bibigyan mo ba sya ng c...