ONCE A COLD HEARTED (IKA-ANIM)

170 7 0
                                    


ONCE A  COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-ANIM


Mali ba ko nang pagkakakilala sa kanya? Tanong ko sa sarili habang patungo sa may sakayan.
 Nang mapadaan ako sa isang computer shop ay biglang may ala ala na nanumbalik sakin. Ala-ala na kung san una ko syang nakita.
 "Bunso, ikaw na muna maghatid nito. Sa stingray. Number 26." Di ko pinahalata na napilitan ako. Ayaw ko naman na masabihan ng reklamador.
 Kinuha ko yung milktea na Choco Dino. Apat na order.
 "Ate Juvs, wala bang name."
 "Yun nga bunso, nung sinabe nya yung order tas yung number nya sa com shop ay bigla na lang nya pinatay yung tawag."
 "Okay lang 'te Juvs. Basta hanapin ko na lang sya dun. Number 26 ha?" Ulit ko. At nang tumango sya ay dali dali akong lumabas ng shop para ihatid ang milktea sa nasabing shop.
 Pumasok ako sa comshop na pawisan. Di naman sobrang layo pero tanghaling tapat kasi nun kaya mainit sobra.
 Hinanap ko agad yung number 26. Nang makita ko yung 25 ay napatingin ako sa katabi nun. Nakatalikod yung lalake at naka-headset. Busy sa kaka-DOTA.
 Tinapik ko sya ng marahan sa balikat. Lumingon naman sya sakin. Ngumiti sya at di ko maitatanggi na may itsura si Sir.
 "Sir, yung order nyo po."
 Kumunot noo sya.
 "Miss, baka nagkakamali ka. Di ako umorder nya."
 Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. May nanloko samin? Sayang tong Choco Dino. Extra Large pa naman to with toppings. Mahigit 105.,105 x 4... I-de-detuct samin 'to pag nagkataon. Well, si ate Juvs lang pero syempre ayaw maawa naman kami kung ganun. Bali ang mangysyari ay maghahati hati kami.
 "Miss?"
 "S-sir.." Para akong maiiyak pero syempre ayoko dahil mapapahiya lang ako. Nakita kong nakatingin yung mga kasamahan nya sakin at nagtatawanan?
 Tumawa si Sir, "Joke lang! Paiyak ka na, e." Kinuha nya yung order at inabot yung bayad nya.
 Napahampas ako sa braso nya. Ayoko sa lahat ay yung niloloko ako.
 "Loko!" Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas ako ng shop na badtrip sa lalaking yun. Di nakaligtas sakin yung tawanan ng mga kasmahan nya. Gigil na gigil ako sa inis nun sa kanya at dahil dun hiniling ko na sana di ko na sya makita pa.

-END OF CHAPTER 6-

ONCE A COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon