ONCE A COLD HEARTED (IKA-SIYAM)

167 6 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-SIYAM


Nakilala ko yung pamilya ni Skyler ng gabing dumalo kami sa birthday ng mama. Mabait at maayos ang pakikitungo nila sakin. First time daw kasi na may naipakilalang babae sa kanila si Skyler. At may nalaman ako. Yung mga babaeng nakita kong babaeng kalinhkisan minsan ni Skyler nang panahong inis ako sa kanya ay mga babaeng pinsan nya at ang isa nga ay ang ate nya. Nag-sorry ako kay Skyker nung after ng party dahil sa mga naiisip ko sa kanya no'n. Sabi nya ay okay lang daw.
 Wala akong masabi kay Skyler. Mabait sya. Ramdam kong sincere sya sa mga ipinapakita nya sakin. Di pakitang tao.
 "Ate.." Napatingin ako kay Paul. "Nakita ko nga pala si kuya Dylan." Dylan. Yung lalakeng naging unang nobyo ko pero sa huli ay niloko lang nya ko at tinangkang gahasain nung umalis kami para mag-outing ng mga barkada nya. Tiwala ako sa kanya nun. Dahil kilala ko na sya noon pa. Magkaklase kami simula 1st year high school hanggang 4th year. Kala ko kami na talaga yung destiny. Di kasi kami mapaghiwalay nun e pero akala ko lang pala.
 "Gusto ka daw nyang makita. Hinhingi nga nya yung number mo pero syempre di ko binigay 'no?"
 "Mabuti naman." Sabi ko.
 Maya-maya ay umalis na sya sa harapan ko.
 Mula sa mesa ay kinuha ko yung cellphone ko nang magvibrate ito. Napangiti ako ng makitang galing kay Skyler yung message.
 'Micae, pwede bang mag meet tayo ngayon? Sa PhilAm Park, 5pm.'
 Day off ko ngayon kaya okay lang na magkita kami..
 'Sige.' Reply ko.
 ' :) see you, ganda!'
 Napangiti ako sa message nya. Feeling ko umabot yung buhok ko hanggang EDSA.

-END OF CHAPTER 9-

ONCE A COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon