ONCE A COLD HEARTED
written by Ylekilnu Nosrep
IKA-SAMPU
4pm pa lang ay nandito na ko sa Park. Hindi sa excited. Ayaw ko lang talaga ng late. Nakaupo ako sa bench habang nakikinig ng music at malaya akong makalanghap ng sariwang hangin.
Malapit lang 'to sa Milktea Shop kaya kung minsan kapag bago umuwi at sinusundo ako ni Skyler ay dito muna kami tumatambay. Nanunuood ng baskrtbal at kung minsan nagc-swing habang nagku-kwentuhan at nagkukulitan. Nasabi ko na sa kanya yung tungkol kay Dylan. Nang malaman nya yun ay naintindihan nya na daw kung bakit napakasungit ko.
Napatigil ako ng makita ang isang bulto na ngayon ay nasa harapan ko.
"Micae.."
Tinanggal ko yung headset ko.
"D-dylan.. Bakit ka nandito?"
Umupo sya sa tabi ko.
"Alam kong ayaw mo kong makausap simula nung..." Di nya matuloy kung anuman ang sasabihin nya.
"Tama na. Tapos na yun. Wag na nating pagusapan pa." Sabi ko na lang. Ang totoo, wala na kong maramdaman na sama ng loob. Di tulad ng dati na isipin ko pa lang sya ay nanggagalaiti na ko.
"Micae, sorry.. Patawarin mo ko sa lahat ng kasalanan ko."
Tumingin ako sa kanya at ramdam ko naman ang sincerity nya. Ngumiti ako sa kanya. Wala na talaga kong maramdama na galit. At sure akong matagal na kong naka-move on di ko lang alam kung kelan pa.
"Dylan, napatawad na kita. Noon pa."
"Micae.."
"Hindi ako galit. Ang totoo nyan, nagpapasalamat ako sayo. Dahil kung di dahil sayo, di ko siguro sya makikilala.." Nakatingin lang kami sa isa't isa. Mata sa mata. Gusto kong malaman nya na totoo lahat ng sinasabi ko. "Nung niloko mo ko at gawan ng masama ay wala na kong tiwala sa mgs lalake. Sabi ko, pare-pareho lang ang lalake, manloloko. Pero except yung papa ko," impit akong napatawa at maya maya lang nang may maalala akong isang lalake ay naging seryoso ako. "Pero... may isang nagtyaga sa ugali ko. Di nya ko sinukuan nung sinabi kong layuan nya ko. Tinanggap nya yung masasamang salita na binitawa ko sa kanya. at pinatunayan nya na pwede pa pala akong magmahal ulit. Pinalambot nya yung puso ko na naging bato simula nung.. Ah basta. Never mind! Past is past." Ngumiti lang ako sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun.. Ang laki ng pagsisisi ko, Micae sa ginawa ko sayo. Minahal kita-"
"Shh.. Tama na sa mahal mahal na yan, pwede ba?." Tumawa ako at sya din.
"Okay.. Pero gusto ko lang sabihin na minahal kita talaga. Natukso lang talaga ako at nadalasa sa alak. At sya nga pala, may gf ako ngayon. Masaya naman kahit na may problema minsan."
"Baka naman.."
Napahalhak sya. "Hindi ko sya lolokohin. Ayokong magsisi ulit sa gianwa kong kagag*han."
Ngumiti lang ako. Masarap pala sa feeling na maayos na ang lahat.. at ngayon, handa na takaga kong pumasok muli sa isang relasyon.
"Pwede ba kitang mayakap?"
Napalingon ako sa kanya.
"One last hug?"
"Parang ganun na nga.."
Alangan man ay pinagbigyan ko sya sa huli.-END OF CHAPTER 10-
BINABASA MO ANG
ONCE A COLD HEARTED
Short StoryPara sa mga babaeng nagmahal. Niloko at pagkatapos ay di na nagtiwala pa sa lalake. Pa'no kung isang araw, may lalakeng dumating sa buhay mo. Sobrang kulit. Tatahakin ang pag-ibig masundan ka lamang para ikaw ay ligawan? Bibigyan mo ba sya ng c...