ONCE A COLD HEARTED (IKA-WALO)

174 7 0
                                    


ONCE A COLD HEARTED

written by Ylekilnu Nosrep


IKA-WALO


"Ma, okay lang ba 'tong suot ko."
 "Aba'y anak. Ang ganda ganda mo. Mang mana ka talaga sakin."
 "Love naman, genes ko din ang nananalaytay sa dugo ng anak natin."
 Hindi na lang pinansin ni Mama si Papa. Biglang pasok naman sa eksena ang kapatid kong si Paul.
 "Pa, Ma.. Andyan na si Kuya Skyler".
 Bumaba kami sa may salas kung saan nakita kong naghihintay ang pormang pormang lalake. Naka polo shirt sha ng light na pink na naka tupi sa hanggang sa itaas ng siko. Para sakin ay bagay na bagay sa kanya ang kulay. Hindi baduy kundi nakakalalaki pa nga sakanya. Naka-white pants sya.
 3 months na nga pala nang mangyari yung muntikang anksidente.
 Pagkatapos mangyari yun ay araw araw akong binibisita ni Skyler na minsan na-o-Oa-an na ko pero wala na yung inis sa kanya. Kinakamusta at nangungulit at nagpapansin lalo na sa may shop namen. Habang lumilipas yung panahon at unti unti ko syang nakilala ay unti unti din nyang nakuha yung loob ko. Di ko lang inaamin na may nararamdaman na ko sa kanya. Nahihiya ako.
 "Good afternoon, Ma'am, Sir."
 "Magandang hapon iho." Si papa.
 "Salamat po sa pagpayag nyo na makasama ko si Micae ngayong araw."
 "Inagatan mo lang ang anak ko," tumikhim si mama, ",namin."
 "Makakaasa po." Magalang nyang sagot kay Papa.
 Gusto kong pagsabihan si papa na wag OP 'Over Protective'.
 "Pano naman kami makakaasa na iingatan mo ang anak namin at walang mangyayari may Micae? May nagsabi na samin nyan dati pero sa huli-"
 "Ma naman!" Si mama talaga!
 "Suntukin nyo po ako, sir.sa mukha." Lumapit si Skyler kay Papa at hinaharap nito ang kanang pisngi.
 "Skyler!" Ano bang ginagawa nito.
 "Suntukin nyo po ako, Sir.. Handa akong magpasuntok sa inyo, sir. As a sign na handa akong masaktan para lang proteksyunan yung anak nyo. Bago muna nilang masaktan si Micae ay ako muna ang makakalaban nila. Sige na sir. Suntukin nyo na po ako."
 Sa sinabe ni Skyler. Nalusaw yung puso ko. Bakit ngayon ko lang binigyan ng chance yung kumag na 'to?
 Nakita kong sinara ni Papa yung kamao nya at itinaas ito patungo sa pisngi ni Skyler. May balak nga si Papa na suntukin sya. Muntik na kong mapasigaw pero bago ko pang gawin yun ay nakita kong di tinuloy ni papa ang pagsuntok kay Skyler kundi lumapat ang kamao nya at inilapat ito sa balikag at tinapik sya ni Papa.
 "Pinagkakatiwalaan kita Skyler. Sige na, baka ma-late pa kayo sa birthday celebration ng mama mo."
 Nakahinga ako ng maluwang at si Skyler naman ay nagpasalamat sa tiwalang binigay sa kanya.

NOTE: YUNG SA LAST PART, NAKUHA KO YUN SA ISA SA MGA PABORITO KONG LINE SA PABORITO KONG STORY NI HYSTG NA THE MOST PAINFUL BATTLE. :)

-END OF CHAPTER 8-

ONCE A COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon