Nakatulog na ko sa sofa kakahintay ng dadating na tao pero wala. 3:46AM na. Buti may Lucky Me at Itlog sila dito. Niluto ko yung noodles at pinrito yung itlog tapos nagluto ng kanin. Uuwi muna ako. Nag-iwan muna ako ng sulat.
Chloe's POV
Nagising ako sa kwarto ko. Wala akong maalala. Blangko pa ang utak ko ngayon, parang yung author nito. Basta ang alam ko, nakatingin lang ako ng diretso sa kisame. Pilit kong inaalala yung mga nangyari. Wala talaga akong maalala. Kukunin ko sana yung phone ko sa may table sa kanan ko, katabi ng kama ko. Pero may napansin akong papel.
"Chloe! Nakita kita kahapon sa hagdan ng Willford Building, nakatiwangwang. Dinala na kita s bahay niyo. Tayo lang mag-isa magdamag dito, walang dumating. Oh don't worry, virgin ka parin. Kung di mo pa kaya pumasok, wag muna. Baka mas lalo pa lumala. Nagluto na ko ng pagkain mo, kumain ka nalang. Andiyan sa kaliwa mo, nasa foldable table. Sorry. -Jack."
Naalala ko na. Napabangon ako agad tapos hinila yung lamesa papalapit sa kama ko. Kasi sobrang sobrang gutom na gutom na ko. Anong petsa na ba? Mukhang napasarap ako ng tulog.
"Bat parang naging Pancit Canton 'tong noodles?" Pero kinikilig ako. "Siguro bumabawi lang yun."
2:54PM na. Uwian na din. Almost 24 hours pala akong tulog. Grabe. Pagkatapos ko kumain, kinuha ko na yung phone ko.
69 missed calls and 97 messages received.
Puro kay Jack. Mukhang alalang alala e. Kung okay na daw ba ako, gising ma daw, buhay pa daw ba ko, ang lungkot nya daw, tinuruan pa ko ng lesson namin. Tumitibok na naman yung puso kong abnormal.
🎶 "Do you know what you are doing to me? Di ko maalis ang ngiti." 🎶
Ang lakas mag-soundtrip nung kapitbahay namin, sapul sakin yung lyrics. Wait, no.
Eh! 😳 Napapangiti parin ako pag naaalala ko yun. Reply-an ko nga.
To Jack: Hoy Jack, gising na ko. Free ka ba?
From Jack: Akala ko namatay ka na. Oo, bakit?
To Jack: Grabe ka na naman sakin. :( Magkita tayo sa Sandra Park. 5:30PM
From Jack: Sige, okay lang. Wait hindi ka na galiy sakin?
To Jack: Hindi naman ako nagalit sayo e! Pinagt-tripan lang kita. 😂👊
From Jack: 😭
Naligo na ko, 5 na pala. Sinuot ko yung damit na regalo niya sakin nung birthday ko na may mukha nina Finn and Jake. 😂 Kulay white siya.
To Jack: Hoy on the way na ko. Pumunta ka, marami ka pang ik-kwento sakin.
[Sandra Park]
Nakita ko agad si Jack, tumakbo siya papalapit sakin. Hinatak na naman niya ako. Bili daw kami ng lobo at cotton candy. Anong trip nya? 😂 Ayun nga, bumili siya ng dalawang lobo at dalawang cotton candy.
Tinali niya sa wrist ko yung dalawang lobo. Ang sagwa tignan.
"Para saan na naman to?" tanong ko kay Jack.
"Mas maganda ka kapag may lobo dyan. Hahahaha!" ang sama na naman niya sakin.
Tinanggal ko sa kamay ko yung lobo tapos lumipad. "Kahit minsan, di ka na naging mabaiy sakin."
"Ako nagbantay sayo kagabi." mukhang bored na yung mukha niya. Kanina natawa lang tas biglang ganun. Hala si Jack.
"Ay oo nga --- ikwento mo nga nangyari kahapon. Bakit ka ba hindi sumunod sakin?" ako
"Eh kasi naman nung kinuha ko yung bag mo eh umalis ka agad. May inutos pa sayo si Ms Rodriguez. Ako na gumawa! *hinampas ng mahina yung ulo* Mahiya ka naman sakin. Ikaw naman magkwento, bat ka natulog sa hagdan?" Jack
"Hindi ako natulog don. 😑 Nag-collapse ako kasi nataranta ako kahapon tapos pagod na pagod at hilong hilo ako kaya ayun. Salamat pala ha. Mabait ka rin pala kahit minsan. Sana walang kapalit yan." ako
"Meron. Tulungan mo kong manligaw kay Alexis." Jack
😱😣😭
Hala, bakit naman. Ayoko. Hindi, mali. Basta, ayoko.
"Ang babata nyo pa, unahin nyo muna ang pag-aaral! Ako nga NBSB eh tapos ikaw manliligaw, sa Humbeym ko pa. Paligayahin mo muna mga magulang mo bago ka lumandi kesa yung ang presko presko mo dyan. Nakakaloka ka. Palibhasa gwapo ka ganyan ka na. Hindi, ayoko. Hindi ako boto sayo. Sinasa--" ako
"Narinig ko, sabi mo gwapo ako." inakbayam niya ko. "Crush mo ko no? Kaya ka ganyan mag-react. Joke lang. Hahaha." Pinisil nya yung pisngi ko. Mukhang gigil na gigil sya. Ganon na ba ako ka cute? "Walang kapalit yun. * :) * basta wag kang magbabago ha? Kailangan ko ng aasarin."
"Ginagamit mo pa ko dyan sa hobby mo. Bat di mo gawin sa iba." sabi ko.
"Ayoko. Gusto ko, ikaw lang. Hindi ko alam, basta. Hahaha! Tara manood ng Fountain Acrobat." tumingin sya bigla sa malayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/69610623-288-k340903.jpg)
BINABASA MO ANG
Please Be Good To Me
RomanceLONG ONE-SHOT MEDYO ROMCOM STORY A story of a boy, a gangster bad boy who always plays jokes and pranks on a girl who has a weird attraction on him. Jack, the gangster, also feel the same. Weird story that will give you weird feeling, weird mind and...