Chapter 3: His side of the story

139 4 6
                                    

HIS POV

Lilipat na tayo…sabi ko… 

hijo? Bakit ? Tanong ni manang Ana …. Nandtio kami sa salas ngayon… nanonood ng TV ang anak kong si Louie habang nagla-laptop naman si Luisa o mas tama bang tawagin ko siyang Brandy?

Ako nga pala si Martin Louis Sanchez…. Ako ang tatay ni Louie at asawa nitong si Lui--- BRANDY. Pero as far as the law is concerned, hindi valid ang kasal namin…Dahil hindi naman talaga Luisa Ramos ang pangalan niya….  Sa totoo lang, I didn’t know na may amnesia siya nung makilala ko siya, 6 years ago.

Pinasok lang siya ni Manang Ana dito dahil kailangan ko ng maid noon.  I was shocked to see such a beautiful lady na nag-aaply na maid ko.  Given the fact na mukha nga siyang may foreign blood.  But she was so sweet and alluring… kaya tinanggap ko siya.  

I was 20 years old back then… Kaya at that time,  naguumpisa pa lang akong maghandle ng negosyo namin.   Maloko ako sa babae like any typical rich guys…. I was one of the sought after bachelor when she came.

It was love at first sight siguro… And I didn’t know that she was just 18 at that time… Sabi niya kasi 20 na raw siya… And she looks really mature then.

Nagtataka ako dati, dahil despite of her foreign looks, magaling siyang magtagalog,… She knows it perfectly…Kung pano, hindi ko din alam… She was really caring..Mabait, mahinhin at masayahin… The next thing I knew, I’m head over heels na sa kanya…

Nalaman ko na nakatira siya kasama ang lolo at lola niya….Siguro sila ang nakapulot kay Luisa nung naaksidente ‘to gaya ng sinasabi niya… Pero  walang nakakaalam ng katotohanan sa likod ng lahat ng ‘to, kundi si Luisa na mukhang nabaon na sa limot ni Brandy.

It was a fast love… everything was a rush… After 2 months ng makilala ko siya, nagpakasal kami…I was so sure… Sure ako na siya na nga ang babae para sa akin. At mukhang ganun din siya sakin…

At hindi naman ako nagkamali,  5 months after naming makasal,  pinagbuntis na niya si Louie…  Everything was perfect.  Inisip ko nga, ano bang kabutihan ang nagawa ko at binigyan ako ng perpektong asawang tulad niya.

Kapag tinatanong ko siya tungkol sa kabataan niya, hindi siya makwento,lagi niyang sinasabi na hindi daw niya maalala. Akala ko naman dahil tragic lang childhood niya dahil sabi sakin nung lolo at lola niya bago  kami magpakasal, eh, iniwan daw siya ng mga magulang niya pagkapanganak sa kanya. Nung nakaraang taon lang, namatay na din ang lolo at lola niya.

Pero lately, ang dami niyang tanong sakin na mga pangyayari na kahit ako, hindi ko din naman alam… Kaya dinala ko siya sa ospital para patignan… And there I learned na may amnesia pala siya.

Pilit kong kinonvince ang sarili ko na ayos lang ang lahat… Pero at the back of my mind, iniisip ko… Ano ba talaga ang pagkatao ng babaeng minahal ko? 

Kaya nagpaimbestiga ako….  At nalaman ko na ang lolo at lola niya ay walang anak dahil sa baog ang isa sa mga ito.  At nalamn ko din, na ang alam ng mga kapitbahay nila dun,ay apo sa pamangkin si Luisa.

Kahit ang daming gumugulo sa isip ko, hinayaan ko na lang… Bata pa din naman siya nung makilala ko,,wala namn siguro siyang asawa o ano pa man.. Kaya nanatili ang ordinary at masaya naming buhay…

Hanggat dumating ang araw na kinakatakutan ko…. Tumawag sakin si Manang Ana … pinapapunta ako sa ospital dahil  bigla daw nagsisisigaw si Luisa at hinimatay…

Pagpunta ko ng ospital… Ibang babae na ang kaharap ko…

Parehong mukha pero ibang pagkatao…

Geroff me! Who are yah?   Sabi niya sabay tulak sakin…   Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Iba  na siya… Ang salita niya, may matalas na british accent na….. Pati ang mga mata niya, sinasabing hindi niya kami kilala…

Nagimbal ako sa katotohanang sumampal sakin…Ang babaeng pinakamamahal ko….

Hindi ako maalala at higit sa lahat….yung mga mata niyang punong puno  ng pagmamahal,,ay puno ng emosyon na hindi ko mabasa…

Oh, hijo? Bakit  tayo lilipat??? Tnaong ulit ni Manag ana na nagpahinto sa iniisip ko…

Tinignan ko ulit si Brandy….  Nakasuot siya ng maikling shorts , naka sando , kumakain ng malaking chips habang busyng busy sa paglalaptop…

Mga bagay na never ginawa ni Luisa…. She used to be a conservative girl  at walang ibang inisip kundi kami lang ni Louie.

Napailing na lang ako… parang isang teenager ang nakikita ko  ngayon..Malayong malayo sa dating siya…  Pero ano nga ba ang dating siya?   Hindi nga ba ang pagiging tennager?

Nagiguilty ako…dahil  pakiramdam ko, ninakaw ko ang kabataan niya… Kahit sabihin pang hindi ko naman alam at hindi ko sinasadya…Ngayon,hindi na siya makakabalik sa dati…

Tinignan ko si Manang Ana…  Basta manang, may nahanap na po akong malilipatan… Sabi ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko… alam kong tama ang desisyon ko… Dahil sa mga pagbabago niya, mas mahihirapan kaming kumilos kung maraming nakakakilala sa kanya dito..

Kung kailangang magumpisa ulit kami sa umpisa…gagawin ko…

Maibalik ko lang ang babaeng mahal ko…

Kahit bilang Luisa pa …o si Brandy…..

A/ N:   Ang seryoso nito...Hindi ako sanay!!!!  

Pwede bang puro Brandy POV na lang??

Picture ni Martin sa gilid.....  --------------------------->

Ayan, sa mga magbabasa nito,,,salamat ng marami...  i heart heart heart you all!!!

 Basahin niyo din yung isang story ko kung may extra time kayo...   =p

Rush Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon