SH 2

51 3 0
                                    

Skye's

* kring kring kring *

Psh. Kaingay. Ano ba yun.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko yung alarm clock ko. 7:14.

Huh? Maaga pa naman.

"Cyra!"

Nagulat ako ng bumukas ang pinto.

Si ate lang pala e.

"Ba't ba..." walang gana kong tanong.

"Baka gusto mong bumili ng gamit mo sa school? Isang linggo nalang pasukan na! Hindi ka pa nakakabili ng gamit mo! Baka gus-" hindi ko na sya pinatapos. Ang daldal nya grabe.

"Oo na." sagot ko sakanya.

Hindi na sya sumagot at lumabas na ng kwarto ko.

Sya si ate Ceanna, Cean in short.
Mas matanda lang sya sakin ng tatlong taon.

Pumunta na kong banyo and do my morning rituals.

After 30 minutes, I'm done.

Bumaba na ko at nagpunta sa dinning area.

Nakita ko dun sila mama at ate.

"Good morning po." bati ko.

"Good morning anak. Halina't kumain, ngayon ka na bumili ng mga gamit mo." sagot ni mama.

Tumango nalang ako at nagsimulang kumain.

Nang matapos ako "Ma gagayak na po ako."

"Sige anak. Kami na bahala dito." Sagot ni mama.

Tumango ako at umakyat sa kwarto.

Dumiretso ako sa banyo at naligo na.

Pagkatapos kong maligo namili ako ng susuotin ko. Hmm, ano kaya?

Nang nakapili na ko. Isinoot ko na.

Tadaa! Okay na yan, sa mall lang naman. Isang black top, black jeans at black sneakers.

Wala kayong pake. gusto ko black.

Bumaba na ko pagkatapos.

"Ma! Pambili ko nasan?" Tanong ko kay mama ng nakita ko sya sa sala.

"Eto anak oh. Umuuwi ka kaagad ah, magcommute ka nalang hindi ka maihahatid ng ate mo e."

Kinuha ko nalang ang pera at nagpaalam na.

Naghintay ako ng taxi.

After 10 minutes na pag iintay, nakasakay na din.

"Manong sa pinakamalapit na mall lang po." Sabi ko kay mamang driver.

Tumango naman sya at nagsimulang mag drive.

After 20 minutes narating ko na ang mall.

Inabot ko ang bayad at.. "Salamat po." sabi ko.

Pumasok na ko ng mall, at inuna ko ang NBS.

After 45 minutes nakapili na ko ng mga gamit. So, kumpleto na ko. Maaga pa naman. 10:15 pa lang naman, so titingin muna ko ng libro.

Papunta na ko dun, ng may nakabangga ako. Aish! Nahulog tuloy yung mga pinamili ko.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaan nya e." galit na sabi ng lalaki. Yes, lalaki sya.

Kapal naman ng muka nere sya kaya nakabunggo sakin, dapat nga ako magalit e.

Hindi ko nalang sya sinagot, at kinuha na ang mga nahulog na gamit.

Nang tignan ko sya. Literal na nalaglag ang panga ko.

Ang gwapo, shet! Pero tingin ko mas gwapo yung nasa park, kaya lang antipatiko.

"Yung laway mo tumutulo na."
Sabi nya kaya ako napahawak sa bibig ko.

Huh? Wala naman ah? Niloloko ata ako nitong gwapong nilalang na to e.

"Bwisit! Ala naman ah?" Naiinis na sabi ko sakanya.

Nagulat ako ng bigla syang tumawa. Huh? Ano nakakatawa? Autistic ata to e, kanina e dinadig pa ang babae kung makapag sungit, ngayon naman tatawa tawa sya. Autistic.

Pero infairness ang gwapo nya pag tumatawa. Halos wala na syang mata sa kakatawa.

"Tumigil ka nga." sabi ko sakanya.

"Okay, okay." sabi nya at kinalma ang sarili sa kakatawa.

Hayaan mo na nga sya. Umalis nalang ako at pumunta sa counter.

"Yah!" nagulat ako ng makita ko yung lalaki kanina na nandito sa harap ko.

Problem neto?

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Miss ano pangalan mo?" tanong nya na ikinabigla ko.

Bakit naman nya natanong?

Nung napansin nyang hindi ako sumagot, inilahad nya ang kamay nya at sinabing "Ako nga pala si Kade." pakilala nya sa sarili nya.

Tinatanong ko ba? The last time i check, hindi naman ata.

"Oh tapos? Ano gagawin ko?" tanonh ko sakanya.

Muka syang women's man.

"Shake hands?" Inosenteng sabi nya.

Tinitigan ko lang ang kamay nya.

Nung napansin nya yun, binaba nya nalang agad ang kamay nya.

"Miss, hindi ka ba naaattract sakin?" Biglang tanong nya na ikinagulat ko.

Ba't naaman nya yun natanong?

Hindi ako sumagot at tinaasan sya ng kilay.

"Ahm..sige Miss wag nalang, mauna na ko. See you around." Pahiyang sabi nya.

"Next." sabi ng babaeng nasa counter.

Ang bilis, ako na pala.

Pagkatapos kong magbayad, lumabas na ko.

San kaya makapunta? Aha! Pizza!

Tama! Kakain muna akong pizza, maaga pa naman.

Pagkapasok ko nagorder agad ako.

Humanap ako ng table.

Pagkaupo ko, kinuha ko muna ang cellphone ko.

1 message received.

From: Eonnie Cean.

Cyra, umaalis kami ng bahay ni mama, pumunta kami kala tita Shan, nag aya kase bigla si Mama, bored daw sya. O pano pated kaw na bahala sa bahay ah, yung susi nasa alam mo na hano? Yun lang.

- Eonnie Cean

Tsk. Iniwan na naman ako?

So meaning..gagala muna ako dito sa mall! Bwahahaha!

Nawala ako sa pag dadaydream ng mangyayari mamaya ng may umupo sa harap ko.

"Do you mind?"

------------------------------------------------------

Read. Vote. Comment. Be my fan.

A/N: Sorry sa typos and grammtically errors! Saranghae! Keep reading!

She's HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon