SH 21

12 0 0
                                    

Skye's

Hindi pa rin ako makakilos dahil sa pagkabigla. At hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sya sakin.

Batid nya siguro ang ang kagulat ko. Kaya napabuntong-hininga sya bago magsalita.

"I don't know how to fvcking warm you." Sabi nya gamit parin ang walang emosyon nyang tono.

Hindi man lang ako nakatugon sa sinabi nya. Nananatili akong gulat gulat na gulat sa nangyayari.

Bakit nya ko niyakap?

Napakatagl ng yakap nyang yun. At hindi ko na mabilang kung ilang minuto kaming nanatiling ganun bago sya humiwalay at magsalita.

"Don't assume." Yun lang sinabi nya bago pumihit at magtungo sa sasakyan nya.

Ako naman ay hindi parin makakilos!

Hindi ako makapaniwala!

Bakit nya ako niyakap?!!

Siraulo ba sya?!!

Ayoko ng may yumayakap sakin!

At lalaki pa!

Syempre bukod kay daddy at sa mga pinsan at kamag-anak ko.

"Hey. Aren't you gonna go home, woman?" Parang nababagot na sabi nya habang nakadungaw sa bintana nya at binubusinahan ako.

Doon ako natauhan. Umiling-iling ako bago pumunta sakanya.

Pagkapasok ko ay agad nyang pinaandar ang kotse palabas sa lugar na yun.

Wala akong sariling nakatingin sa labas. Hindi ko na din namalayan ang sarili kong nakatulog.

.
.
.

"Hey!"

Nagising lang ako ng may sumampal sa pisngi ko.

Naiinis naman akong bumaling sa taong yun habang kinukusot ang mata ko.

"Uhmm.." Naiusal ko nalang dahil sa pagkaantok.

"Where's your home?" Tanong nya.

Napansin kong nakahinto pala ang sasakyan sa isang gilid.

Marahil, hindi nya alam ang daan patahak sa bahay namin.

Nag-aantok ko namang sinabi sakanya ang address. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at muling natulog nang pinaandar nya ang kotse.

.Kinabukasan.

"Hoy babae! Baka gusto mong gumising, hano?"

Nagising ako sa ingay na yun at alam kong si ate yun.

Kahit na inaantok ay pilit akong tumayo.

"Hoy sabihin ko nga sakin! Bakit ka nandun sa gate ng subdivision kagabi? Anong ginagawa mo don? Gabi na ah? At dun ka pa talaga natulog?" Sunod-sunod na tanong nya sakin.

"Ha?" Tanging naisagot ko nalang.

"Anong 'ha?' Aba! Kung hindi kita nakita kagabi ng pauwi ako, e anong nangyari sayo dun? Baka dun kana tinuluan ng laway! Yak! Nakakahiya ka!" Tss. Ang diwara talaga kahit kelan. Pagkatapos nya yung sabihin ay umalis na sya at lumabas ng kwarto.

Buset talaga! Napaka! Alam kong si Blade ang nagdala sakin dun! Sya lang naman ang kasama ko kagabi! Akala ko pa naman ay naging normal sya kahit konti! Yun pala! Naku! Akala ko pa naman kaya nya tinanong dahil ihahatid nya ako! Sa mismong bahay namin! Ang bwiset bwiset nya! Pagkatapos nya akong yakap-

...

Ohmygod!!

Speaking of..

Bakit nya nga pala ako yinakap?!!

She's HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon