SH 7

20 2 0
                                    

Skye's

Matapos ang nakakainis na pakikipag usap ko kay timberland guy. Dumiretso na ko sa room.

Naiinis ako dahil hindi manlang ako nakakain! Bwisit! Nakakainis sya! Ahrgg!

Kaya ngayon habang naglelesson kami, eto ako, yung tyan ko kumukulo! Aish! Buti nga hindi naririnig ng mga classmate ko. Sabagay, nasa dulo tapos magisa pa sa line. Hays. Layp nga naman parang buhay! Wahaha! Okay ang corny ko.

Ang masama pa dun ang sa kabilang row ay kaline ko si timberland guy na mayabang! So bali ganito pwesto..

ako|blank|blank|blank timberland guy|cm|cm|cm

Mga kabarkada nya ata ang katabi nya e. Huh! E pake ko naman! As if may pake ako sakanya! Kainis!

Hays. Binalik ko nalang ang atensyon ko harap kung saan naroroon ang aming teacher na dada ng dada dun.

Hindi naman sa nagmamayabang ako pero alam ko na kasi yung mga tinuturo nya e. Nung nasa grade school palang kasi ako lumipat kami sa Korea. E advance pala mga turo dun! Kaya no need to listen na. Pero at the same time nakikinig pa din ako.

Matapos ang isa't kalahating oras na pagdadada dun ng teacher namin, natapos na din.

Pero ganun din! Wala man lang break! Tuloy tuloy! E na c-cr na ko e!

Tiniis ko nalang. At hinintay ang pagdating ng teacher namin.

Pero 15 minuto na ang nakakalipas pero wala pa din. Huh? Anyare dun? First pa naman! Late na agad?! Hays.

Yung iba kong classmates nagsitayuan na. Ang katwiran nila hindi na daw yun dadating. So ayun nagsi alisan na sila. Konti nalang kami dito.

Uhm..makapunta kaya sa cr? You know, kanina pa ko naiihi e. Hehehe.

Napagpasyahan kong lumabas at pumunta sa cr.

Matapos kong magcr, bumalik na ko sa room.

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik dun sa room nang may pumunta sa harap ko na babae na sa tingin ko ay classmate ko. Pamilyar e.

"Uy!" tawag nya sakin. "Cyra right? Transferee?" tanong nya kaya tinanguan ko sya.

Ngumiti sya at sinabing.. "Wala daw si sir. Kaya wala tayong klase. May emergency daw kasi e. Nanganak ata ang Misis nya" sabi nya sabay tawa.

Soo...wala si Sir! Yes! Maipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay sa ABH.

"Ah ganun ba? Salamat." sabi ko sakanya ng nangingisap ang mata.

Hindi naman kasi ako yung taong palangiti. Dati oo, pero simula nga nung namatay si Daddy e, ganun na nangyari. Hays.

So, back to reality na. Magsisimula ako sa aking paglalakbay sa gawing dulo. Gusto ko dun e. Parang tahimik.

Napansin ko lang, yung mga babae dine sa school dang iikli ng palda! Maikli na nga palda namin, pinaikli pa! Hanep! Nasan sila sa tingin nila? Jusko po! Parang araw araw may contest ng paiklian ng palda e!

Yung palda kasi namin is hanggang above the knee lang. Kulay black and white sya.

 Kulay black and white sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayoko nga sya e. masyadong maikli. Hindi pa pwede yung tulad sa elementary na mahaba? Hahaha! Hay! May pagka saltik din ako minsan. Bwahaha!

So habang naglalakad akong patungong doon (sa dulo) hinarang ako ng babae kanina. Yung nagsabi sakin na wala si Sir.

"Hi ulit! Hehe..can i come? With you?" nag aalangang tanong nya. "By the way I'm Aerona. Kaka transfer ko lang dito noong last year." nakangiting sabi nya.

Ay. Salamat naman at may kasama na ko. Muka akong loner e. Hahaha! Loner naman ata?

"Hello uhm..sure you can, Aerona." nakangiti kong sagot.

Nag simula na kaming maglakad. Ganun. Ganun kabilis okay na. Atleast may kasama. Maganda din sya. Morena, matangkad, shoulder length hair.

Matagal tagal na din kaming naglalakag ng magsalita sya..

"Hmm..by the way, san punta mo?" tanong nya.

"Aaralin ko kasi ang pasikot sikot dito." bumaling ako sakanya. "Gusto ko sana na unahin yung sa gawing dulo dun." pahayag ko sakanya habang naglalakad parin.

"Ahh.." tumango tango sya. "Samahan na kita. Wala din naman akong gagawin sa bahay."

Tumango ako at naglakad na kaming pareho. Habang naglalakad kami ay nagkkwento sya. Yung tungkol sa family nya. Only child lang sya. Ang mommy nya ay isang bank accounter. Ang daddy nya ay isang photographer. Hmm..mayaman din sila. Pero hindi naman sobrang yaman. Yung katulad lang namin ganun.

Nagkwento din ako sakanya. Tungkol din sa family ko. Sinabi ko na si mkmmy na ang humahawak ng business na naiwan ni daddy noong namatay sya. Pero hindi sya katylad ng ibang business man/woman na binababad ang sarili sa trabaho. Meron parin syang nalalaan na oras para samin ni ate. May katulong ding humawak ng business si mommy. Si tita yung kapatid ni daddy.

Natapos ang kwentuhan nakin dahil narating na namin ang dulo.

Namangha ako ng makita ko ito. Kahimik dito at ang tanging maririnig mo lang ay ang huni nag mga ibon at ang mga kaluskos ng dahon kapag humahangin. May mga maliliit din na damo sa lupa. At may may benches din dun. Kaya lang ay dadalawa lang ang nandun.

Walang tao ngayon dito kaya kami lang ni Rona ang nandito. Yes Rona tawag ko sakanya. Sabi nya kasi ay masyadong mahaba aw ang Aerona. Kaya yun nalang daw ang itawag ko sakanya.

"Wow..ngayon ko lang to nakita ah. Simula nung pumasok ako dito. Napakatago naman kasi nito. Pano mo ba nahalukay to?" namamaha ding sabi nya.

Hindi ko din alam kung pano namin nilandas to. Basta dinala lang ako ng paa ko dito e. Infairness ang ganda talaga. Gusto ko dito. Gustong gusto ko dito. Pwede kayang dito nalang ako, i mean kami, (sabi nya kanina sasabay na daw sya sakin maglunch simula bukas) maglunch? Tahimik. Wah! Ito ang inaasam kong lugar. Wahaha! Sana ganito pa din to bukas. Walang tao...

Speaking of..hindi kaya may nagmamay ari dito? Imposibke naman na kami lang ang unang nakakita nito. Hay nako.

"Rona, tingin mo may nagpupunta dito?" biglang tanong ko sakanya.

"Ha? Ewan ko. Tignan natin bukas. Punta tayo dito pag lunch. Kasi pag break tayo punta dito e ubos kabod ang oras natin sa paglalakad.. Ang ganda dito noh?" mahabang linya nya sabay upo sa isang bench sa kanan. Umupo na din ako sa tabi nya.

Oo ang ganda talaga. Pero sigurado kong hindi lang kami ang nakakaalam ng lugar na ito. Pano yun dalawa bench? Siguro may mga pumupunta din dito, huh?

------------------------------------------------------

Read. Vote. Comment. Thanks.

A/N: Wah! Medyo matagal tagal na din akong nakapag upadate. Para sakin. Hahaha! ..So sana po magustuhan nyo. Salamat po. Saranghamnida guy-seu!

She's HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon