SH 12

10 1 0
                                    

Skye's

Tinignan ko si Rona ng may pagtataka. Abay nakangiti sakin? May saltik yata to e.

"Bakit ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

Parang baliw na sya rine habang nalalakad at nakatingin lang sakin. Hindi man lang nagtangkang tumingin sa dinadaanan nya. Mabungo sana.

"Hihihi! Ano ba yan?!!" Aniya na parang kinikiliti ng demonyo kung makatawa. Jusko may saltik nga. Nasama lang kay Hywel e.

"Huy!" Kalabit ko sakanya ng matigil na sya kung ano mang iniisip nya.

"Ano ba?? Yiee! Cyra! Ang galing! Partner kayo?!! Wah!" Sabi pa nya habang pumapalakpak.

"Ha? Anong magaling dun? Buti nga at madali ko syang nakausap kanina." Sabi ko.

"E.. biruin mo? Si fafa Blade kapartner mo?! Yieee! Pag ibig na kaya~" kanta pa nya.

Ha? E ano naman diba? Gusto ko ngang makipagpalit ng partner kanina e. Para kasing ang hirap nya makapartner e. Parang laging makikipagtalo sayo. Buti naman kanina ay naging maayos syang kausap. Sabagay kelangan talaga yung pagtuonan ng pansin dahil nga sa grades.

Pero speaking of, makipagpalit kaya ako sa mga fangirls nya? Pero kasi nakapagsettle na kami ng practice para sa sabado e. Hay! Hayaan mo na nga! Bakit ba kasi ginagawang big deal yun e. Katulad ni Rona. And.. opss. Speaking of, ulit, ayun si Rona parang baliw na kumakanta habang naglalakad pa nakabuka pa ang dalawa kamay. Feel na feel. Jusko po.

"Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?..." at ayun hanggang makarating kami sa cafeteria ay kumakanta parin. Kung hindi ko lang sinabi na kakain kami at tigilan na nya ang pagkanta ay hindi pa titigil!

Habang kumakain kami. Kwento sya ng kwento tungkol dun sa gagawin nilang activity ni Reece. Ewan ko Reece tawag nya e. Ang alam ko lang ay malantong sya.

".. ayun nga ang tungkol sa song namin is about love. Halos lahat naman ata kasi diba yun yung magc-click sa panahon ngayon. Hmm.. tsaka dyan daw sa auditorium mag peperform e. Nakakahiya! Pero at the same time nakakaexcite. Yieee! Ano kayang mangyayari? And oh? Sabi ni mam meron daw magiging champion, 1st runner up, 2nd and 3rd. At ang maganda dun is yung champion may plus daw sa susunod na mga quizes ganun. Ewan ko kung ano yung sa mga runner ups. Yiee! I'm so eksited na! .. pero girl? Ano yung inyo? Wala pa kayong naiisip? E kelan ang mga meet ups nyo. Kelangan yun! Kami tuwing saturday e." Tanong nya habang sumisimsim ng pepsi.

"Ah yun ba? Meron na kami. Sa totoo nyan magkikita kami sa sabado e. Pero hindi ko alam kung regular na tuwing sabado ay magkikita kami. At ang masama dun is wala pa kaming alam kung tungkol saan yung gagawin namin." Sagot ko sakanya habang nakatingin sa burger at fries na kinakain ko.

Oo nga no. Wala pa kaming genre. Hindi ko alam. Hindi man lang kasi sya mag bigay ng idea. Pero diba marunong daw yun mag gitara? Hmm.. pwede. Sana naman magaling din syang kumanta. At sana ulit sanay syang mag compose. E ako e hindi masyado e. Hehehe.

"Girl sa panahon ngayon ang uso na ay ang love. Hindi mo ba alam? Tignan mo mga kabataan ngayon. Puro sila pag-ibig. Kaya gumaya ka nalang. Yun yung uso e. Dun kayo mananalo. Kasi kelangan pag nag perform may eye contact may chemistry kayong mag partner, kelangan may sparks na makikita sainyong dalawa ang nga audiences. E ano yun sa tingin mo? Malamang love! Alam mo nalang pang rock ganun? Hay nako! Puro kasi pag aaral!" sermon nya sakin.

May point din kasi sya. Tama naman na ganun nalang ang genre. Alam siguro ay ganun. May kelangan pa palang gawin para manalo ka. E san nga namang genre ang may mga chemistry chemistry na yun. At ang point din pala ni mam kaya ang pinagpartner ay babae't llalaki ay dahil dun. Naku! Pati si mam nakikiteenage din?! Hahaha!

Hmm.. so yun na lang siguro yung samin. Madali lang naman siguro yun. Sana.

***^***

Dumating ang araw na kelangan na namin magpractice. Abala din ang lahat sa activity na yun. Si Rona ay nandoon kela Reece para din mag practice.

Kaya heto ako ngayon nasa 7eleven naghihintay. Sabi e bawal daw malate kaya ere inagahan ko na. Baka makipagtalo pa yung antipatikong yun. Huh!

Hawak ko ang phone ko ng bigla itong mag vibrate. Dahilan upang matalo ako sa game na nilalato ko. Aish! Malapit na e.

Inis kong tinignan ang mensahe.

From: Eonnie Cean

Cyra umalis kami ni mama ngayon. Pumunta kami kela tita. Sabi ni mama sabihin ko sayo na wag na kayong magpractice satin. Kayo lang daw kasing dalawa dun at baka may mangyari, you know? Wahaha! At wala din daw magluluto sainyo dahil hindi ka nga sanaya diba? Ano ipapakain mo dyan? Cookies lang? E yun lang ang sanay mong ibake diba. So ayun. Sabi ni mama ikaw na daw bahala kung saan kayo magpapractice. Kaya mo naman daw yan. Baka din daw pwede na sa bahay nalang ng kklase mo. At by the way, kanina lang kami umalis pagkaalis mo. Hihihi! Galing ko sis! Wahahaha! So yun lang! Good luck sis! Wahahah!

E putek pala! Makatwiran ba yun? Aba! Patay sakin si ate mamaya! Tungunu pulu! E pano yan? Kasi ye! Pwede naman bukas! Bwisit!! Nananadya talaga si ate huh! Arghhh! Fvck! Pano yan? Baka naman pwede na kela Blade? Wala na kaming choice? San kami gagawa dyan sa plaza? Huh! Ayoko dun kainit! Bwisit naman!!

*Beep beep*

May pumaradang kotse sa harap ko. At inilabas nun ay si Blade na naka simpleng mwhite shirt at ripped jeans. Hmm.. pwede din.

Waaahhhh! Ano ba ang pinagsasabi ko? Namomoblema na nga ako e.

Napatingin din tuloy ako sa sugot ko. Naka shorts ako at flannel top na kulay red. Hmm.. okay din. Hehehe. Ano ba yan?

"So ano tara na sa bahay nyo." Aya nya sakin. Sasakay ata kami sa kotse nila.

"Ha? Pwede bang sainyo nalang? Wala dun sila mama e. Alam mo naman. Hindi kasi ako marunong maluto e. Hehehe. Wala ding mag aasikaso satin. Hehe. Pwede?" Awkward na sabi ko. Please wag kang magagalit! Paktay tayo nyan.

Hinanda ko na ang tenga ko at pinikit ko na ang mga mata ko habang nakayuko. 1 2 3 4 5 6 7 8 huh? Parang katagal?

Unti-unti kong binuksan ang mmata ko at tumingin sa antipatikong nasa harap ko.

Ng maharap ko na sya ay nakatingin lang sya sakin.

"Uhm.. pwedeng dyan sa plaza kung ayaw mo sainyo. Hehe pasens-" hindi ko na natapos ng magsalita sya.

"Wag mo akong aasahan na magbibilad sa araw dyan." sabi nya at pumasok na sa loob, sa backseat. May driver pala.

So... hindi na tuloy. Yes! Gala!

Nagsimula na akong malakad sa plaza ng biglang..

"Whre the fvck do you think you are going?!" Huh? Si Blade?

Humarap ako sakanya ng may nagtatanong na muka.

"Damn, girl." Inis na bulong nya na narinig ko naman.

Lumabas sya ng sasakyan at nagtungo papunta sa direksyon ko. Nagulat ako ng bigla nyang hitakin ang braso ko papunta sa kotse nila. Padabog nyang binuksan ang pinto at dun ako binalibag. Yes, binalibag. Hayop.

So.. hindi naman ako tanga para hindi malaman kung saan kami pupunta no. Hihihi!

Bumaling sya sakin.

"Tanga." Mahinang bulong nya sa sarili ko na narinig ko na naman.

Tanga? Baliw ba tong antipatikong to. Aba't! Ubod ng sama! Nakakainis! Bwisit!

------------------------------------------------------

Read. Vote. Comment. Thanks.

A/N: Salamat po! Hihihi! Your efforts is highly appreciated. Keep reading guys!

She's HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon