Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1
Change?

"Huyyy! Tabi nga diyan nakaharang naman kayo eh!" sita ng kaklase kong si Alisa sa mga lalaki nakaharang sa whiteboard

"Oh talaga?!" sabat naman ni Migs.

Hay nako... Araw araw ganyang na lang lagi, sigawan sa klase. Di ako magrereklamo ng ganito kung di lang ako loner sa classroom.

Si Cheena at Gela magkasama, si Klare at Abby magkasama. Ako? Ako at ako magkasama.

Pero ayos na din to atleast mas seryoso na ako sa studies.

"Class! Listen please! Today I only have few agendas..." discuss ni Sir Shane. Ay grabe, ang hottie talaga nito ni Sir.

Yes, Hottie siya wag ka! Pero ang strict niya nakakaiyak.

Sa dami ng iniisip ko at iniimagine ko di ko namalayang dismissal na pala.

Palabas na ako ng room ng bigla akong sitsitan nila Cheena.

"Oh bakit?" tanong ko

"Sasabay ka saamin?"

"Ah oo" sagot ko agad, nagiba naman ang mukha nila para bang nagtataka.

"O, eh bakit ganyan mukha niyo bawal ba sumabay? FO na tayo ganon porket magkakasama kayo sa room." pabiro kong sabi.

"Hindi naman ganun Ivy. Kaya lang, wala ka bang--susundan or isstalk ngayon?" wow, kaibigan ko ba talaga sila. Pero totoo naman sila.

Sinusundan ko ung mga natitipuhan ko pero di naman psycho style noh!

"Aba! Grabe kayo ha! Pero wala eh, ayoko muna gawin yung mga ritual kong ganyan parang ang childish eh tsaka wala rin akong nagugustuhan ngayon." pagexplain ko sakanila which is true.

Grade 10 na ako ngayon I want to be atleast... Mature? enough, yung kapag nagkagusto ako--- gusto talaga at di lang naggwapuhan diba. And... about sa stalking thing, ititigil ko na rin yun since nakakababa ng self esteem kasi halos kilala ako bilang stalker.

Papakilala nga muna pala ako!
Hi guys! I'm Heather Ivy De Leon. You can call me Ivy :) Grade 10 Student. Matangkad ako and di naman kagandahan. And starting today...
I want change. charoooot!

~~~
*fast forward*

Patapos na ang first sem and successful naman ang aking "Mission: Be Mature" churvaness.

"Aivs!" tawag sa akin ni Ate Daph. Nakakapagtaka naman minsan lang-- let me scratch that-- never ako kinausap ng mas nakakatanda sa akin.

"Bakit po Ate?" sabi ko while wearing that anong nangyayari face.

"Gusto ka kasi namin imbitahan sa Women's Volleyball Team ng school natin. Matangkad ka kasi tsaka narecommend ka samin ni Sir Jojo (P.E. Teacher namin) may potential ka naman daw." wait what? ano? tokwa't baboy naman tong si Ser o!

"Ah eh, Ate Daph, para san po ba yan?"

"Eh kasi sasali tayo ng liga dito sa city, kinulang kami ng players kasi nag-graduate na karamihan last year." sabi ni Ate Daph ng halong may pagmamakaawa na sana pumayag ako.

"Sige na Ate Daph. Sali na ako! Kailangan ko rin kasi ng libangan eh."

"Talaga? Thank youuuuu! Grabe 2 nalang kulang pero sa Team B naman yun kaya kompleto na tayo! Salamat talaga Aivs ah?" kitang kita mong sobrang saya ni Ate, well siguro namin this is a good oppurtunity diba.

"Welcome Ate! PM niyo nalang po ko sa schedule!"

"Sure, Thanks ulit! Bye!"

Nakwento ko kila Mika yung tungkol sa Volley thing and they were wayyy more happy than I am, kahit si Mommy ganun din para siyang nanalo sa lotto ng nalaman niya yun paguwi ko.

Matagal na din kasi akong ineengganyo nila Mommy na sumali sa mga ganyan kasi sayang naman daw tangkad ko.

Let's just see what this thing might bring me.

~~END OFCHAPTER1~~

A/N: HAIIIII! IM BACK! Sensya na medyo sabaw pa yung first chappie pero pramis malapit na yung mga *heart* kilig scenes! Sana basahin niyo parin yung mga following updates ko thank you!

Di Mo Lang Alam [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon