Chapter 3

6 0 0
                                    

Chapter 3
Coincidence?

KLARE'S POV:

Ehem, gulat kayo no? may POV ako Hahaha! Tahimik ako sa grupo namin pero observant ako ;)

Magsstart na ang first class namin ni Mika ng may napansin kaming unfamiliar na lalaking padaan.

Saktong sakto at sa may tabi kami ng bintana naupo ni Mika. Kinalabit ko siya para tumingin sa labas kaya naman napatingin na lang din yung mga kaklase namin.

Di namin namalayang nakapasok na pala si Ms. Gonzalez sa room, abala kami sa pagtingin sa lalaking akala mo naglalakad sa buwan.

"Mga anak, siya yung new student sa Grade 12, wag niyo na tanungin kung anong dahilan dahil wala akong balita." sabi ni Ms. ay grabe siya...

"Pero ang alammm ko, inofferan siya ng school sa di ko alam na rason."

"Ah" "Ano naman kaya yun?" "Pero ha, ang wafu ni Kuya!"

Ayan sari-saring reaction na ang kumalat sa loob ng room. Nakita kong nag-shrug nalang si Miss sa mga naririnig niya.

"Uy frend, infairness ah gwapo!" isa pa tong si Mikaela eh...

Pero totoo. Gwafu nga.
Hmmm... describe ko para sainyo.

-Maputi
-Chinito
-Matangkad
-Mukhang nagwoworkout
-Mukhang snob
-Sobrang pogi pag ngumiti!

Hay alam niyo malapit na siya sa ideal man ko! Kaya lang mukhang snob at unreachable eh :( Ay ewan ko, napangiti naman siya nung may nakasalubong siyang teacher (as a way of greeting narin siguro) pero alam niyo yun yung parang ang hirap lapitan :/ ah ewan...

IVY'S POV:

Free time na naming lahat at kinwento nila sa akin nila Klare at Mika yung tungkol dun sa late enrollee.

To be honest, wala akong pake. Di naman tunog interesting.

Tumatango nalang ako sa mga pinagsasasabi neto nila Mika, ito namang sila Cheena nakikiride.

"Ay guys may training na ako mamaya, di ako makakasabay sa inyo ah. Magsstay ako eh." pagputol ko sa topic nila na si kuya transferee.

"Ah ganoon ba, Goodluck mamaya girl! Sakit sa katawan niyan!" sabi naman ni Mika.

"Oo nga eh pero keri ko yan! Thanks" sagot ko sa kanila at nginitian na rin.

xx

Nagpalit na ako ng pang training at papunta na ako ngayon sa gym.

Damnnn, ano ba tong pinasok ko?

"Ivy?" ah si Ate Daph pala, buti naman at magkasalubong kami papunta sa gym.

Baka wala naman akong kakilala sa team eh.

"Oh Ate! Tara sabay na tayo.."

Pagpasok namin nagtaka ako kung bakit may mga lalaki kaming makakasama. Ano to may training rin ang basketball? o ginagamit lang nila ang gym?

"Ah Aivs, kasama rin natin yung bagong men's volley team... kakabuo lang sakanila since di naman  nasali ang school natin sa men's division." nahalata siguro ni Ate Daph yung mukha ko kaya inexplain niya bigla.

We started the session with introduction muna.

Last na sa mga lalaki which mean malapit na ako, nasa unahan pa man din ako- ay siomai.

"Hi I am Ray Lawrence Medina, "Rence" nalang." the guy said, uhm--di siya mukhang familiar sa akin.

"Ah boys and girls, Rence is from another school, he has a nice volleyball background so the school decided to offer him a scholarship." Coach Ramirez explained. So thats why... Siya siguro yung Grade 12 na transferee.

Mabilis naman natapos ang introduction namin at feeling ko ang bagal naman ng oras nung nagsimula na ang training talaga namin.

Fak, di yata ako makakalakad bukas. What is this? Ang jelly na ng legs ko, tumatagaktak na ang pawis ko, ang baho ko na.

Paguwi ko nagyaya mag-video call itong si Mika. I don't know kung bakit bigla nalang, tsk that girl talaga.

"Oh anmeron Mika?" tanong ko sa malamnay na boses. Grabe sobra talaga pagod ko.

"Wala lang HAHHAA magisa lang ako sa bahay eh wala akong kadaldalan. Nga pala musta training?"

"Baliwww. I can't feel my legs feeling ko kalahati nalang yung katawan ko."

I told her yung tungkol doon sa kasama naming men's team and I describes each one of them. Knowing Mika, she's more cray cray pagdating sa guys kesa sakin.

"Gurl! Nakita mo si Kuya Transferee?!" ay grabe, what is with that guy ba?

"Ah oo, Si Rence, pinagpartner nga kami ni Coach kanina eh. He's sizzling hot, girl." I teased her. Well totoo naman, Rence is hoooot pero mukha siyang snob. turnoffff!

Di namin namalayang maghahating gabi napala so we bid our goodbyes and goodnights.

Grabe tong araw na to.
Nakakapagod!

~~END OF CHAPTER3~~

A/N: Yun naman pala eh! Rence is his name! Ang swerte naman nitong si Ivy kainggit HAHAHAHHA Share niyo naman po itong story ko para mas lalo akong mainspire *charrr , I will update ASAP ;)

Di Mo Lang Alam [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon