Chapter 6

211 24 6
                                        

Chapter 6

Chemay's Pov.

"Oi best!" Tawag ni Amy sa akin. Nandito na kami sa classroom kaso wala pang teacher.

"Oh?" Ako

"May bago daw myembro sa grupo ng kuya mo? Totoo?" Pabulong niyang tanong baka may makarinig eh.

"Ah oo, pumunta ka kahapon?" Tanong ko.

"Di no, pero best sino?" Siya. Tiningnan ko naman yung isang katabi kung naglalaro ng psp.

"Kaklase natin" Ako

"Huh? Sino?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Secret. Alamin mo" Sabi ko.

"Ay daya. Pero best tayo kelan tayo babalik?" Tanong niya. Saan?

"Babalik saan?" Ako

"Sa alam mo na yun" Siya. Hays mukhang alam ko na ang sinasabi nito ah.

"Ewan. Di ko alam at wala din akong plano" Ako sabay kibit balikat.

"Eh? Alam mo namang hinihintay nilang bumalik tayo diba?" Siya. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok ang teacher namin. Wooh! Save by the teacher.

Nagdiscuss lang nagdiscuss lang ang teacher ni hindi nga nya napapansin eh na walang nakikinig sakanya, yung nga kaklase ko kase ay kung hindi natutulog ay naglalandian, nagce cellphone, nakikinig ng music, naglalaro ng psp, and such. Mukhang kami lang dalawa ni beat ang nakikinig eh pagkatapos magdiscuss no mam ay timing namang nagring yung bell so meaning lunch break na kaya naman pumunta na kami sa cafeteria, bumili ng pagkain tsaka humanap ng upuan.

"Dun tayo best oh" Turo ni Amy dun sa sulok kaya tumango nalang ako.

"Best balita ko dumating na yung pinsan mo" Amy kaya muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.

"Sinong may sabi sayo?" Tanong ko sakanya

"Sino pa ba? Edi si Knoxx" Sabi niya kaya tiningnan ko sya.

"May contact pa kayo sa isa't isa?" Tanong ko. Ako kase wala na.

"Oo naman para kung sakaling naisipan nating bumalik ay madali lang natin silang macontact" Sabi niya. Napabuntung hininga nalang ako. Is it really the time?

"Ewan ko best. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Mukhang hindi kasi ako nababagay sa grupong yun." Ako habang nakayuko. Wala akong kwenta, dahil sa akin nawala sila.

"Hanggang kelan ko ba paulit uliting sasabihin sayo na hindi mo yun kasalan!" Matigas niyang pahayag. Mabuti nalang at walang masyadong taong dumadaan dito sa pwesto namin.

"Naturingan pa akong leader pero hindi ko pa rin naman din maiililigtas yung mga kamyembro ko. Kasalanan ko lahat lahat. Napakahina kung leader" Sabi ko hindi ko pinansin yung sinabi niya.

"Kahit kelan Che hindi ka namin sinisi. Nakatadhana na silang mawala, wala tayong magagawa run. At kahit kailan rin hindi ka naging isang mahinang pinuno sa amin. Sa totoo lang we're really thankful that she pick you as our leader" Pahayag niya. Kaya naman naiiyak ako.

"Isa lang ang masasabi ko. Babalik tayo hindi ko alam kung kelan pero sisiguraduhin kung mabubuo tayong muli." Sabi ko kaya napangiti siya.

"Look who's here" Rinig kung may nagsabi sa likuran ko kaya namn nilingon ko. Si Sue lang pala, ang Queen Bee kuno ng campus.

Nanatili pang akong tahimik dahil hindi ko naman alam kung may nagawa ba akong mali sakanya o wala. Nabigla kami ng bigla nyang hampasin ang lamesa namin kaya naman nahulog yung ibang pagkaing nakalapag dun. Bye foods~~~

"Hindi nyo talaga ako papansinin mga panget ha!" Makasabi naman ng panget kala mo maganda. Para sa akin kaya siya tinawag na Queen Bee dahil magkamukha sila ni JolliBEE.

"Ano na naman bang ginawa ko sayo Sue?" Tanong ko sakanya. Nasa amin ang lahat ng attention ngayon. She really loves attention.

"Ikaw! Nilalandi mo ang Bebe ko!" Sigaw niya sabay turo sa pa sa akin. Pero what? Nilalandi? Ako?

"Huh? Sinong bebe mo?" Tanong ko.

"Si Cargen! Nilalandi mo sya" Napataas naman ang kilay ko. Kelan ko sya nilandi? Ni hindi nga kami nagkikibuan nun eh.

"Huh? Wag mo nga akong itupad sayo kambal ni Jollibee! And F.Y.I hindi ko siya nilalandi ni hindi nga kami nagkikibuan eh lalandiin ko pa at isa pa sino ba sya para landiin ko? Huh?" Napatameme naman siya sa sinabi ko tas bigla nalang niya akong binuhusan ng juice na dala ng alipores niya.

"You! You don't have the rights to talk back on me" Nangangalaiti niyang sabi. Whatever.

"I don't care" Ako. Bigla naman siyang sumigaw.

"Aishh... Humanda ka sakin pag nilandi mo pa sya ulit" Ilang beses ko ba dapat sabihin sakanya na hindi ko nga sya nilandi!?

"Alam niyo na kung anong gagawin" Sabi niya sa mga students na nagkukumpulan. Hays eto na naman!

Napangisi ang mga estudyante at inilaba na nila ang mga armas nila, ang itlog, harina, patay na hayop, at mga pagkain. Pinag babato na nila ako nasamay nga rin si Amy eh. And we recieve ig with open hearts

Ms. Nerd Meets Mr. GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon