Chapter 2
Cargen's Pov.
Hi guys!!! Btw ako nga pala si Cargen Mario Espenoza, 16 years old. Half Filipino and Half Korean, pero mas lamang ang pagka dugong koreano ko. Hindi naman talaga ako geek eh, nagsusuot lang talaga ako ng eye glasses kasi idol ko si detective conan, di ba nga nagsusuot naman din sya ng eyeglasses? It looks cool din naman lalo na pag ako ang nagsout. Tinawag nila akong geek dahil sa suot kung eyeglasses kaya pinanindigan ko nalang din ang pagiging geek, wala namang mawawala sakin eh. Ganito ba ang itsura ng mga geek? Sorry guys ah di ko kase talaga alam kung anong dahilan at napagsasabihan ng geek ang isang tao. At isa pa kung hindi niyo naitatanong, matalino din ako no di lang halata hahaha at mahilig din ako sa mga video games, hilig ko ring kumanta at tumugtog ng mga instruments.
So kasama ko ngayon si Miss Nerd, di ko pa kasi alam ang pangalan niya eh. Matanong nga ng may alam naman ako.
"Dito naman sa side na ito ay ang Guidance Office, Sa kabila naman ang Facult-----" Pinutol ko ang sinasabi nya.
"Uhmm... Miss pwede magtanong?" Saad ko
"Nagtatanong kana" Napakamot naman ako sa batok ko. Pilosopa naman nito, naisip ko bigla.
"Uhmm pwede bang malaman kong anong pangalan mo? Kanina pa tayo lakad ng lakad pero hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan mo" Sana naman sumagot na to ng maayos.
"Cherry" Huh? Gusto niya ba ng cherry? Pangalan ang tinanong ko hindi naman prutas nor puno.
"Huh? Gusto mo ng cherry? May tinda ba yan dito?" Tanong ko
"No, what I mean is My name is Cherry, Cherry May." Ay yun naman pala, napahiya ako dun ah.
"Ah ganun ba? Hehe" Ako sabay kamot sa ulo ko.
"So again, Sa kabilang side ang faculty at dun sa dulo ay ang Principal's Office." Pagpatuloy niya sa sinabi niya kanina.
Nagpatuloy lang kami paglalakad at siya pagsasalita hanggang sa dumating kami sa isang malaking bahay na may malaking pintuan.
"Uhmm CM, kanino yang malaking bahay na yan?" Tanong ko sa kanya.. CM ang tawag ko sakanya, galing sa pangalan niyang Cherry May.
"*chuckle* Hindi yan bahay" Sagot niya naman
"Eh ano yan?" Tanong ko ng may pagtataka sa mukha.
"That's a cafeteria, stupid" Sabi niya, sinabihan pa akong stupid.
"Weehh, Totoo!!???" Hindi niya ako sinagot imbes binuksan niya pa yung pintuan.
O_O-----*_* - Ganyan ang muka ko
Tapos...
-_- -CM
Ang laki ng cafeteria nila dito, may second floor pa. Ang ganda *_*....
May mga estudyante namang kumakain pero malimit lang dahil class hours pa kasi ngayon eh.
"Gusto mo munang kumain? My treat." Pagyaya niya sakin.
"Osige" Sagot ko naman, eh sa nagutom ako eh tapos bawal tanggihan ang libre no!
Pagkatapos nun ay pumila na kami.
Cherry May's Pov.
Habang nakapila kami ay hindi ko maiwasang makinig sa mga pinagsasabi ng mga estudyanteng kumakain dito sa cafeteria.
"Pati ba naman ang transferee nilalandi niya?"
"Bitch"
"We should tell Cargen to stay away from that stupid nerd"
At iba pa... Wala akong pake kung palayuin man nila itong geek sa akin, He's not my friend after all. Kung nagtataka kayo kung meron ba akong kaibigan ang masasabi ko sainyo ay oo, But she's not in here nasa ibang bansa siya pero when I call her the other day she said that she will be going home.......soon. Sosorpresahin daw niya kase ako.
"Ano pong gusto niyo younglady?" Tanong saakin nung tinder. Ewan ko kung bakit younglady ang tawag nila sa akin, baka sinabihan sila ni Lewis na she's my cousin.
"Nachos and a cola nalang po ate" Sabi ko sakanya. Hindi naman kase ako ganun ka gutom ngayon eh.
"Anong sayo?" Tanong ko sa kasama ko.
"ahh parehas nalang din ng sayo." Sagot niya.
"Sige ate dalawang orders po ng nachos at cola" Sabi ko kay ate. Kinuha naman din kaagad niya.
"Ito na po ang order niyo younglady" Sabi ni ate sabay abot ng order namin.
"Salamat po" Sagot ko naman sabay kuha sa tray.
Umupo na kami sa pangdalawahang table ng bigla siyang nagtanong.
"Uy! Bakit tinawag ka niyang younglady?" Tanong niya.. Akala ko tahimik to, di pala.. ang ingay eh.
"Basta. Kumain ka nalang diyan upang matapos na natin ang pagtotour sayo." Sabi ko.. Ayoko nang magstay malapit sakanya, baka kung ano nanaman ang sabihin ng mga estudyante sakin.
Hindi na naman din siya nagsalita pang muli at ipinagpatuloy nalang din niya ang pagkain. Pagkatapos kumain ay itinuloy ka na ang pagtotour sa kanya. Mabuti naman at natapos ko ang pagtotour sakanya ng hindi pa naglulunch break, may time pa akung umattend sa afternoon classes ko.
"Sige punta na ako sa room" Saad ko sakanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na ako.
Hindi nga sana ako papapasukin ng guro namin eh dahil excuse nga daw kami at pwede nang umuwi. Pero ipinagpilitan ko talagang pumasok kaya wala na siyang nagawa kundi payagan ako. Pagkatapos ng lahat ng klase ko sa hapon ay nakisabay nalang ako kay kuya papuntang bahay. Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si dad na prenteng nakaupo sa couch sa sala namin.
"Hi Dad" Ako sabay halik sa pisngi niya.
"Nandito ka na pala baby" Sabi ni dad.
"Opo"
"Kamusta ang school?" Tanong niya sa akin.
"Okay lang naman po" Sagot ko pabalik sa tanong niya.
"Ay oo nga pala sabi ni yaya may bisita ka daw, hindi ko na nga natanong kung sino eh di niya kase kilala." Pagpapa alam ni Dad.
"Ah, san na po sya ngayon?" Tanong ko pabalik... Sino kaya yun? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon eh.
"Nasa garden daw siya baby" Sabi niya.
"Thanks dad, puntahan ko muna siya ah" Saad ko. Tumango lang si dad kaya naglakad na ako papuntang garden.
Sana naman mabait tong bisita kong to, baka kasi isa sa mga mean girls sa school to eh...
***----------------------------------------------------------------------------***
Author's Note:
Sorry guys kung matagal na matagal ako nakapag ud....
Pero sino kaya yung bisita niya no? Alamin...Vote.Comment
Ciao *^O^*
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Meets Mr. Geek
Fiksi RemajaAno nga ba ang pinagkaibahan ng nerd sa isang geek? Pano pag nag-cross ang landas ng nerd at geek? Magiging boring ba ito tulad ng inaakala natin? O magiging exciting ito ng hindi natin inaasahan?