Chapter 5
Chemay's Pov.
"Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras?" Biglang may nagsalita sa katabing swing ko. Tiningnan ko naman.
"Kuya!" Tawag ko sakanya. "Ikaw lang?" Tanong ko ulit.
"Ah hinde nandito rin sila Adrian may binili lang" Sagot niya kaya napatango naman ako.
"Bakit ka pa pala nandito sa labas baby girl, gabi na tsaka maginaw pa baka magkasakit ka niyan." Pag papaalala ni kuya sa akin.
"Hindi kasi ako makatulog kuya eh." Ako
"Tss, ikaw talaga" Sabi ni kuya sabay gulo ng buhok ko.
"Kuya naman eh!" Ako sabay ayos muli nito.. Hilig talaga niyang guluhin ang buhok ko.
"Hala kuya! Ba't may pasa ka sa mukha? Galing na naman ba kayo sa Gang Fight?" Ako... Kasi naman eh nagalusan yung mukha ni kuya at hindi talaga bagay sakanya ang may pasa.
"Ah oo by eh, pang welcome lang sa new member namin" Sagot niya habang nagkakamot ng ulo.. yung totoo? May kuto ba si kuya?
"Ah pero sa susunod mag ingat ka na kuya ah alam mo namang ayaw kung may nakikitang pasa sayo lalo na sa mukha mo" Pagpapaalala ko sa kuya kung pasaway.
"Yes boss" Pasigaw niyang tugon na may kasama pang pag salute.
"Nga pala may band aid ka bang dala jan kuya?" Tanong ko.
"Wala eh pero nagpabili nalang rin ako kang Adrian" Sabi niya.
"Ahh" Sagot ko nalang
Natahimik kami nang may marinig kaming tawanan palapit sa amin. Sigurado akong sila Kuya Adrian na yun. Napatingin ako sa gawi nila.
"O che-che nandito ka pala" Kuya Adrian
"Hi po Kuya Adrian" Bati ko sakanya.
"Eh? Si Adrian lang? Hindi mo ba kami nakita? Sige sige isipin mo na lang na ding ding kami, okay?" Pagpaparinig ni Kuya Louie.
"Haha Hi Kuya LOUIE, Kuya Pau and Kuya Shawl" Bati ko sakanila.. Ipinagdiinan ko talaga yung Louie.
"Hi CHE" Ganti ni kuya louie ipinagdiinan talga yung che.
"Hello May" Kuya Pau
"Long time no see Merry" Kuya Shawl. Sa lahat sya talaga yung iba ang tawag sa akin.
Hindi nagtagal ay may nakita akong pigura ng tao na papalapit sa amin.
"Oi bro san ka galing?" Rinig kung tanong ni Kuya Adrian.
"Diyan lang sa tabi tabi" Rinig kong sabi nung lalake. Pero parang familiar yung boses niya.
"Nga pala che-che si Cargen nga pala bago naming myembro. Cargen si Cherry May kapatid ni Criston" Pagpapakilala ni Kuya Adrian sakin.
"Yeah I know" Sabay na sabi naming dalawa. Kaya nagkatinginan kami pero sya na yung unang umiwas ng tingin.
"Magkakilala kayo May?" Kuya Pau kaya tumango ako.
"Yeah we're classmates kuya" Ako
"Tss wag mo nga akong tawaging Kuya parang ang tanda tanda ko na ah. 1 year lang naman ang gap ng edad natin ah" Nakapout na sabi ni Kuya Pau.
"Tch oo na PAU" Ako.
Nag usap usap lang sila ng may maalala ako.
"Kuya Adrian" Pagtawag ko sa atensyon niya.
"Oh?" Sagot niya naman.
"San na yung Band Aid na pinabili ni Kuya?" Tanong ko.
"Ah eto pala, sorry nakalimutan ko." Sabi niya tapos dali dali niyang kinuha sa plastic bag tas binigay sa akin.
"Okay lang kuya salamat" Ako kaya tinanguan lang niya ako.
"Hali ka nga dito kuya" Pagtawag ko sa kuya kung basagulero.
"Oh? Bakit?" Takang tanong niya.
"Halika lagyan natin yan ng band aid" Sabi ko tas hinila siya sa pinakamalapit na bench dito sa park. Yung mga kasama ko naman ay nakasunod lang at hinintay ang susunod kong gagawin.
"Tss sa susunod kasi mag iingat ka. Patamaan mo na lahat wag lang ang mukha mo. Bawas pogi points na yan sa mga girls, sige ka" Biro ko sakanya habang linalagyan ng Band Aid ang gilid ng mata niya.
"Sino pala ang nakalaban niyo?" Tanong ko.
"Ang Furious Gang" Siya kaya naman kumunot ang noo ko.
"Nanaman? Hindi pa talaga sila nadadala ha" Ako. Wag niyo nang tanungin kung bakit ko sila kilala malalaman niyo rin soon.
"Hindi pa talaga babes ang titigas ng ulo palagi naman silang talo" Sinamaan ko ng tingin si Pau dahil sa tinawag niya sa akin.
"Wag mo nga akong matawag tawag na babes, ano ako baboy?" Ako tinaasan ko pa sya ng kilay kahit naka glasses ako.
"Patingin nga ng mukha mo baby girl" Sabi ni kuya kaya tiningnan ko siya.
"Bakit po?" Sabi ko. Tinitigan niya lang ako tapos dahan dahan niyang tinanggal ang glasses kung malaki.
"Yan ang mas bagay! Ang ganda mo talaga mana sa akin. Wag mo nalang kayang soutin yan hindi naman malabo ang mata mo eh" Kuya. Mana daw sakanya? Maganda pala siya? Akala ko gwapo.
"Oo nga Che bakit ka ba nagsusuot ng ganyan?" Kuya Louie.
"You know the reason Kuya Louie" Saad ko.
"Ay oo nga pala no. Style mo pala yan" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya? Style? Sinong may sabi? Ay oo nga pala nandito pala si Cargen kaya niya nasabi yun di pala niya alam kaya naman tumango nalang ako.
Nafeel ko naman na parang may tumititig sa akin. Kaya nilibot ko ang paningin ko tas nakita ko si Cargen na nakatitig pagkakita niya na tumingin ako sa gawi niya ay bigla nalang siyang nag iwas ng tingin. Wait ba't siya namumula?
Cargen's Pov.
Hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kapatid ni Criston. Nabigla naman ako nung bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya naman nag iwas ako ng tingin. Shet. Ba't parang ang init?
"Oi bro ba't ka namumula?" Tiningnan nila akong lahat dahil sa sinabi ni Shawl. Tangna.
"K-kasi ano ang init kasi dito eh" Sabi ko pero shet bat ako nautal?
"Ang ginaw kaya ang lakas nga ng hangin eh" Sabi nung kapatid ni Criston kaya di ko maiwasang tumingin sa maamo nitong mukha.
"A-ah ano una na pala ako sa inyo ah nakalimutan kung may pinabibili pa pala si Mommy sa akin" Sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umalis na ako.
Shet. Bakit ba ako namula? Aish eh kasi ang ano ang ganda pala ng nerd na yun akala ko cute lang siya maganda pala. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sakanyang mukha. Tss tangna lang.
*sabay gulo sa buhok*
Nababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Meets Mr. Geek
Fiksi RemajaAno nga ba ang pinagkaibahan ng nerd sa isang geek? Pano pag nag-cross ang landas ng nerd at geek? Magiging boring ba ito tulad ng inaakala natin? O magiging exciting ito ng hindi natin inaasahan?