12:00 mnTobi: Dani :D
12:03 mn
Tobi: May ikekwento ako sayo.
Dani: Wag na.
12:18 mn
Tobi: Pero kekwento ko pa rin.
Dani: Nagtanong kapa.
12:24 mn
Tobi: Kaninang bandang 12:00 ng tanghali, may isang babae na naka black and red dress akong napansin na nakaupo sa may bench sa isang mall.
Tobi: Parang ang dami dami nyang iniisip. Di ko alam kung napansin nya ko. Kasi almost ako nakalusot lang ako para makita sya, naka upo sya sa bench sa isang mall, parang yung mukha nya, nasa pagitan ng langit at lupa +.+ nakatulala habang parang nag iisip.
Tobi: Tapos mga after 3 minutes, tumayo sya bigla tapos naglakad papunta sa kotse nya. Di nya talaga ko napansin. Yung mukha nya ganon pa rin. Hanggang sa nakasakay na sya ng kotse, tapos ako naman nasa may likod ng isa pang katabing kotse.
12:37 mn
Dani: Nandun ka???
Dani: Pinanood mo ko tapos nang-stalk ka pa?
Dani: Sino ka ba talaga?
12:49 mn
Tobi: Kilala mo yung babae?
Dani: That's me. Sino ka ba talaga? Hindi kita nakita.
12:58 mn
Tobi: Ang lalim ng iniisip nung babae :(
Dani: HINDI KITA NAKITA!
1:00 am
Tobi: Eh malalim nga kasi yung iniisip nung babae.
Tobi: Hashtag GustoAkoMakitaNiDani *o*
1:09 am
Dani: Stalker ba kita? Shooting yun eh.
Tobi: Haha :p ang ganda pa naman sana nung babae, kaso, nakabusangot yung mukha :(
Tobi: May picture nga ko eh.
Tobi: Sent a photo.
1:20 am
Dani: Wtf.
Tobi: Sana nga makita ko ulit yung babae.
Dani: Wag sana.
1:25 am
Tobi: Pero sana wala ng iniisip yung babae, gusto ko sanang itanong eh, kaso bawal. :(
Dani: Matutulog na ko.
Tobi: Sana 11:11 na para, magkita kami ulit nung babae.
Tobi: Papayag kaya syang makita ko?
1:30 am
Tobi: Aga pa :((( GoodnightMySeenMaster *-*
BINABASA MO ANG
12:00 MN
Teen FictionOnce a stranger, becomes your leche. Inspired by plsptsya's 23:11 story. #Wattys2017