Princess Eli and Prince Jasper
Princess Eli and Princess Ella (twin)
Trio
"Kambal!"
"Ano na naman yun, Eli?"
"Ella, palit tayo ng school bukas. Diba may test kayo sa Math, kami naman may test sa Science."
"Ayaw ko. Hassle yan."
"Anong hassle dito? Wala tayong pinagkaiba pwera na lang sa nunal sa batok na di kita. Pareho naman ng uniform ang school natin. Necktie lang samin at ribbon sa inyo. Oh ano?"
"Yung surroundings at mga tao, Eli."
"Kayang kaya ko ugali mo, duh! Ako bahala."
"At paano kita gagayahin?"
"Ang lagi mo lang kadikit ay yung boyfriend ko, si Jasper at ang bestfriend kong si Kat."
"Yung boyfriend mo at bestfriend mong sobra-sobrang close."
"Malamang magkakaibigan kami."
"Hayst. Oo sige na."
"Salamuch, kambal! Love you!"
"Tsk."
MAAGA ang uwian nina Ella kaya hihintayin ko na lang siya dito sa tapat ng totoo kong school.
Nakaramdam ako ng call of nature kaya nag-cr ako saglit. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik sa waiting shed sa loob ng school.
Ginala ko ang mata ko at nakita kong kasama ng kambal ko ang boyfriend at bestfriend ko at palabas na sila ng school.
Tinakbo ko ito ng mabilis habang tinatawag si Jasper.......para lang madurog ang puso ko.
Sa wakas, lumingon din sila. Lumingon siya.
Nanginginig akong lumapit sa kanila at bakas sa mukha ng dalawa ang gulat.
"Kaya naman pala, kaya naman pala sobrang hindi ako makakilos sa gitna dahil gusto niyong sobrang lapit niyong dalawa."
"B-best"
"Let m-"
"TUMIGIL KAYONG DALAWA. ANO LOKOHAN? MAGSOSORRY KAYO? MAGE-EXPLAIN PARA IPAMUKHA SA AKIN NA ANG TANGA-TANGA KO. NA SA SOBRANG KATANGAHAN, HINDI KO ALAM NA INAAHAS NA PALA AKO NG SARILING KONG KAIBIGAN AT LUMALANDI ANG BOYFRIEND KO."
Pinunasan ko ang luha ko.
"Tama na, kambal." Hindi ko pinansin si Ella.
"BUONG AKALA KO MAHAL MO AKO JASPER. BUONG AKALA KO NAMAN KAT, IKAW ANG NAGING TULAY NAMIN! AKALA LANG PALA DAHIL SA LIKOD KO, LITERAL NA LIKOD KO, NAGLALAMPUNGAN KAYONG DALAWA. ANO? MAGKAHAWAK TAYO SA HARAP, JASPER TAPOS MAGKAHAWAK KAYO NI KAT SA LIKOD."
"Sorry, Eli." Nagsimula ng umiyak si Kat.
"HUWAG KANG UMIYAK KAT. DAHIL AKO ANG BIKTIMA DITO. AKO. SANA NAMAN SA BAHAY KAYO NAGLALANDIAN O KAYA NAMAN SA TAGO. LANTARAN E. LANTARAN SA KALYE YANG GINAGAWA NIYONG PAGWAWALANG HIYA SAKIN. AY! DAPAT ATA AKONG MAGPASALAMAT DAHIL HINDI NIYO GINAWA SA LOOB NG SCHOOL."
"Tama na, Eli." Sabi ni Jasper.
"Oo tama na, Jasper. Tama na yung nakita ko. Tama na lahat ng ginawa niyo sakin. Tama na itong sakit na nararamdaman. Tama na. This is too much, Jasper. Ano bang pagkukulang ko para magawa mo 'to sakin?" Huminga ako ng malalim. "I love you, Jasper, alam mo yan at pati ikaw Kat. Pero masakit talaga siya."
Pumikit ako ng mariin at hinubad ang bracelet na sumisimbolo ng pagkakaibigan namim tatlo. The Trio. Pagkatapos ay tumakbo ako palayo.
"Eli!!!" Narinig ko ang sigaw ng bestfriend ko na parang pipigilan ako sa paglayo ng tuluyan.
Pero hindi ko man lang narinig ang rason o pagtawag niya sakin na wag akong umalis.
Nagbilang ako ng ilang minuto para tingnan kung susunod siya sa akin.
Pero walang dumating.
I guess, he wants to end what's in between us. Oh I forgot, there was no us in the first place.
Mukhang ako yata ang naging kontrabida sa kwento nila. Ako ang saling-pusa at parang ako pa ang third party.
Ako ang naging kontrabida sa sarili kong kwento.
******************************
I've always thought that I and him will have the 'happily-ever-after' but it turns out the other girl- and it was my bestfriend.
******************************| 04 | 26 | 16 |