Princess Kat and Prince Jasper
Sacrifice
"Iba na siya, Eli. Hahaha!" nilagok ko ulit ang isang glass ng vodka. "Mr. Bartender, isa pa po. Wag na Vodka, yung mas matapang naman."
"Shhh. Andami mo nang nainom, Kat. Tama na."
"Sising-sisi ako. Tanginang pag-ibig yan. Nakarma ata ako sa pagta-traydor ko sayo. Sorry, Eli. Sorry talaga, bes."
"Tama na, Kat. Dati pa kita napatawad." ngumiti sa akin ang bestfriend kong si Eli. Buti na lang napatawad na niya ako sa kasalanan ko noon.
"Siguro ito talaga yung nararapat sakin. Ang makarma, pero shet! Ang sakit lang! Masakit talaga." Yinakap ako ni Eli kaya napahagulgol na lang ako. Nasa bar kami pero eto ako, umiiyak. "Tangina mo, Jasper! Pero mahal na mahal pa rin kita."
"Tangina niya talaga! Hahaha! Pero kung ako sayo, hihiwalayan ko na siya."
Umiling ako sa sinabi niya. "Ayaw ko. Kaya ko to, bes. Siguro talagang nanlamig lang siya kasi ilang linggo kaming di nagkita e."
"Hayst! Ewan ko sayo. Tara na, hatid na kita."
Bumaba ako ng sasakyan niya ng mahatid na niya ako. Hinintay ko siyang umalis bago ako pumara ng taxi.
Ngayon, pupuntahan ko si Jasper. Nagtaka ako ng makitang bukas ang pintuan. Siguro kadarating lang.
Pumasok ako ng condo niya ng di niya alam. Narinig ko ang pagbuhos ng tubig mula sa cr. Napansin kong umiilaw ang cellphone niya kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
"Hi Jas! Thanks for the night! I love you too. Yun lang hahaha! Good night!"
"Hello? Who is th-"
"What are you doing here, Kat?" Naputol ang tanong ko sa tumawag nang lumabas si Jasper mula sa cr.
"Ja-jasper."
"Anong ginagawa mo at bakit mo pinapakeelaman ang phone ko?"
"S-sorry, binisita lang kita. Ayos ka lang pala, sige alis na ako."
Tumango siya pagkatapos kong magpaalam. Hinalikan ko siya sa pisngi at binigay ang sobre bago ako umalis. Nagtaka siya sa ibinigay ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tumulo ang luha ko habang inaalala ang nakasulat sa loob ng puting sobre.
This is my letter to the boy I love.
Dear Jasper,
Kung mababasa mo man ito, siguro ito na yung huling pagpapakita ko. Huling chance.
Tatlong linggo lang tayong di nagkita, nagbago ka na. Yung tatlong linggong 'yon na parang tatlong taon ang katumbas.
Minsan na lang kitang makausap. Minsan lang tayong magkausap pero palaging ako pa ang gumagawa ng paraan. Minsan lang tayong magkausap, puro away naman. Away na halos mauwi sa hiwalayan.
Oo, alam kong ayaw mo na...ako lang naman ang pilit na nagpupursige, diba? Alam kong ayaw mo lang sabihin na ayaw mo na...na gusto mo na 'tong itigil kasi nahihiya ka sa akin...at sa bestfriend ko na ex mo. Nahihiya ka kasi nagawa nating mapagtaksilan noon si Eli para sa relasyon natin.
Napatawad ka na niya..napatawad niya na tayo. Ano pa bang gusto mo? Pero siguro ganoon ako ka-tanga. Nagawa kong magtraydor sa kaibigan ko para lang sayo. Nagawa kong maghabol kahit wala na talagang pag-asa.
Nagawa kong magpaka-martyr kahit sobrang sakit na...kahit ayaw ko na.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa pagkahiya mo. Kasi dahil doon pinipilit mong patagalin 'to. Alam kong nagtitiis ka na lang. Masaya dapat ako, diba? Masaya kasi nga tumatagal na 'tong relasyon. Pero bakit baligtad? Imbes na saya ang maramdaman ko...lungkot at sakit ang nandito.
Alam kong hindi mo na ako ganun kamahal. Mali. Alam kong hindi mo na ako mahal. Pero sana huwag mo ko makalimutan ha?
Huwag mong kalimutan yung mga jokes ko na nagpapalabas sa dimples mo. Huwag mong kalimutan yung mga kulitan at asaran natin na parang magbestfriends tayo. Huwag mong kalimutan yung tampuhan natin kapag nagselos ang isa. Huwag mong kalimutan yung mga tawagan natin sa phone magdamag kahit mapuyat pa tayo. Huwag mong kalimutan yung luto ko na kahit hindi masarap ay kinakain mo para lang di masayang ang effort ko. Huwag mong kalimutan yung mga pinagsamahan natin. Huwag mong kalimutan yung mga ala-alang ginawa nating dalawa. Huwag mo ako kalimutan.
Huwag mo sanang kalimutan kung gaano kita minahal.
Miss na kita, Jasper. Miss ko na yung dati.
Alam kong ito ang gusto mo. Alam kong may iba ka na. Alam kong di mo na ako mahal....at alam kong may iba ka na.
Kaya naman ibibigay ko na yung gusto mo...yung kalayaan mo. Yes, I'm setting you free. I'm letting you go. This is what you want, right? So please, be happy. Kasi ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, diba? You should be happy for him..even though it will hurt you.
I love you, Jasper...to the point that I've made myself a martyr. To the point where I became numb and dumb of the things you've done lately.
I love you but it really hurts. It really hurts...a lot.
I love you but this is what you want. And you will have it as soon as you're done reading this letter.
Love,
Your (now) ex-girlfriend, Kat
******************************
I thought of having a happily-ever-after at the start of our relationship because we've risked everything for us to happen. But we've risked it for nothing. Because it was just the princess who dreamt of the happy ending.
******************************
| 05 | 14 | 16 |