7

91 6 0
                                    

Princess Jelle and Prince Dino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Princess Jelle and Prince Dino

The Battle

Mahal na mahal kita, Jelle. Mahal na mahal. Mahal mo rin ako diba, pero....

Mahal, gusto kong sabihing....bibitaw na ako.

Bibitaw ako hindi dahil sa may iba na akong mahal o nakakita ako na mas lamang na sa iyo.

Mahal, bibitaw na ako pero sana...huwag mong isipin na mayroon akong iba.

Hindi ko kailangan ng iba na pilit na ngingiti tuwing maglalambing ako. Hindi ko kailangan ng iba na kunwaring matutuwa kapag may ginagawa akong sorpresa. Hindi ko kailangan ng iba na titingin sa iba tuwing nakatitig ako. Hindi ko kailangan ng iba na maluluwag ang kapit sa tuwing nakahawak ang kamay ko. Hindi ko kailangan ng iba na hindi komportable kapag lumalabas kasama ko. Hindi ko sila kailangan. Hindi ko kailangan ng iba. Ikaw ang kailangan ng lalaking ito na nagngangalang Dino.

Pero mahal, bibitaw na ako.

Bibitaw ako hindi dahil sa hindi ko na kaya. Dahil kung ako lang talaga, kaya kitang ipaglaban.

Kaya kong magkunwaring masaya kahit alam kong peke ang ngiting pinapakita mo sa akin. Kaya kong magbingi-bingihan sa tuwing ibang pangalan ang binabanggit mo tuwing ika'y nasa bisig ko. Kaya kong umiwas ng tingin tuwing nakatingin sa iba. Kaya kong magpakamanhid sa tuwing sinasaktan mo ako.

Mahal, kaya ko pa. Kayang kaya ko. Kakayanin ko pa.

Pero mahal, bibitaw na ako.

Hindi dahil sa may hihigit sayo. Hindi dahil sa may mahal ka ng iba.

Bibitaw ako dahil sa sariling kwento natin, ikaw mismo ang kalaban ko.

Bibitaw ako dahil ako na ang magpapatalo.

Bibitaw na ako dahil sa labang ito ay dati ka pa sumuko.

Bibitaw ako dahil ako na lang pala ang lumalaban para dito.

Ano ba ang panangga ko kung wala na ang dating tayo?

Ano ba ang panangga ko kung ikaw mismo ang kalaban ko?

Mahal na mahal kita, Jelle.....pero bibitaw na ako.

Happily Never AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon